Long Distance Relationship ♥

1.8K 29 8
                                    

Sa pagmamahal, hindi hadlang kung gaano man kalapit o kalayo ang pagitan nyo sa bawat isa.

Kung talagang nagmamahalan kayo, gagawa kayo ng paraan para magkita o kaya magkasama kahit once or twice a month. 

Hindi dapat nawawala ang communication, trust, and loyalty. 

COMMUNICATION, pwedeng sa pamamagitan ng text and call. May facebook, tweeter, skype, at yahoo messenger dyan kaya wag idadahilan na hindi kaya. 

Kung hindi nyo kaya ang araw araw magload, try nyo every other day, o kaya naman salitan sa pagloload basta siguraduhing unlimited ang calls. 

Kung pareho kayong naghihintayan at nagpapakiramdan, aba isa man lang sa inyo sana mag initiate at mag effort. Dahil wala talang mangyayari, baka pag nakasanayan nyo ang ganung klase at mawala ang sparks pero gusto mo pa, baka masabi mo na

"Sayang, dapat nung mga panahon na naghihintay ako sa kanya, ako na ang gumawa ng paraan."

TRUST, pinaka-importante daw sa lahat. Sa bagay, mag kalayo kayo, kaya dapat may tiwala ka sa mahal mo na hindi siya gagawa ng kalokohan. 

Dahil believe it or not, pag malayo kayo at naging honest ang isa sa inyo na halimbawa si girl nililigawan pero walang pakialam, kung wala kang tiwala sa kanya, kung anu ano ng tatakbo sa isip mo at para ka ng baliw ba halos sumabog na sa selos at baka kung anu ano pa ang masabi mo sa girl na kesyo ganito ganyan, na baka naman ganito ganyan. 

Promise, baka magalit pa ang girlfriend or boyfriend mo sayo pag nag freak out ka. Baka un pa ang maging dahilan kung bakit kayo magkahiwalay.

Makuntento na lang sa pagsasabi ng kung anu ano sa isip. Wag ng i-voice out. Dahil baka masumbatan ka pa na.....

"Nagpapaka-honest na nga sayo, minamasama mo pa. Dapat pala hindi ko na sinabi o pinaalam sayo, at least hindi ako masasaktan na hindi mo ko pinaniwalaan pag nalaman mo at nagalit ka."

Mahirap man ang sitwasyon pero kailangan mong sumugal sa bawat salita na sasabihin sayo ng taong mahal mo..

LOYALTY, kakambal daw ng trust.

Syempre hindi naman puro give and take yan. Pag pinagkatiwalaan ka ng taong mahal mo, wag mong sasayangin. 

Baka naman kasi pag nagtiwala sayo na sya lang ang mahal mo at mamahalin mo eh, pag ka may nanligaw sayo (kung girl ka) at pag nakakita ka ng maganda na feeling mo crush mo NA agad (kung boy).

Aba mag hunos dili ka. Nangungulila ka lang sa love at kailangan mo lang ng affection. 

Mag set kayo ng taong mahal mo ng isang date (date lang ha, baka kung anung love na gawin nyo) iparamdam nyo kung gaano nyo kamahal ang isa't isa (efforts and sweetness, hindi body language, OK?)

Ngayon kung pareho na kayong nagsasawa at tuluyan ng nawala ang love, mag usap kayo ng personal. Bigyan ng closure ang lahat. Wag ng gawin pang complicated ang lahat. 

Dahil baka dumating ang panahon na maging katulad ng iba na bitter o kaya naman kamuhian nyo ang isa't isa dahil ramdam nyo ng wala ng spark eh maging cold ang pakikutango nyo at baka un pa ang maging dahilan ng break up.

At sa mga LDR naman na, talaga strong kung strong. Goodluck po :)

May kakilala akong ganyan eh, mag two years na sila sa feb. Once a month lang nagkikita o minsan nga the month after the next (next next month). 

Ang cute lang. 

P.S

Advantages ng LDR..

* hindi kayo magsasawa sa pagmumukha ng isa't isa.

* pag nagkita kayo, mas nandun ung pananabik :)

(c) Eilramisu

Love Advices ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon