Minsan darating talaga sa buhay natin yung mga pangyayaring hindi natin inaasahan... yung akala natin napaka perfect na... pero may napakaliit na detalyeng makakasira sa lahat.
For almost five years... akala ko sa simbahan na hahantong ang lahat. Kahit nag aaral pa lang kami, yun na yung nasa isip namin.
Fall out of love.... yung tipong okay na okay kayo ngayon.. nagpaplano kayo ng future together.. iniisip niyo kung saan kayo magpapakasal, saang simbahan, saang venue, kung anong araw, kung saan kayo titira, ilang yung magiging anak niyo, ano yung pagkakakitaan niyo pag dating ng mga araw na yun. The next day... you didn't feel the same way as you did yesterday. And it's kinda frustrating at first, cause you're still trying to collate and gather all the feelings you had for him/her.. but you can't.. cause you're not happy anymore. You're not in love with him/her..
And it's unplanned... sino bang tao ang nasa relasyon na inisip na pagdating ng ganitong anniversary, hindi na kita mahal. Walang nag plano ng ganon... parang nilagyan mo ng expiration date yung pagsasama niyo o pagmamahalan niyo...
Ang masasabi ko lang... be strong and be true to yourself. Kasi walang ibang makakatulong sa'yo kundi ang sarili mo. Try to understand his/her feelings also. Just be honest.. para wala ng masaktan pa sa inyo ng sobra pag nagtagal pa yung relasyon niyo, pero isa pala sa inyo hindi na masaya....
- Eilramisu