For Boys:
Hindi masamang mag kagusto, mainlove, at maging torpe.
Alam mo kung anu ang masama??
Yun ay ang magpapakita ka ng motibo sa isang girl, na kung titignan ka, eh parang head over heels ang pagkagusto mo sakanya. Pero hindi pala. Srsly? Manliligaw ka tapus di mo itutuloy? and unfortunately, na inlove pa ung girl sayo.
Anung drama pre? makapagpapansin lang? bat di mo try tumalon sa Ilog Pasig para mabalita ka. Hindi ung papaasahin mo ung nililigawan mo, tapus bigla kang mag lalabas ng gunting at puputulin ang connection mo sa kanya! Baliw lang dre?
Sana bago ka mag isip ng mga sweet nothings, isipin mo muna kung may masasaktan ka. Kung manliligaw ka, isipin mo muna kung dapat bang ituloy o hindi kung di mo rin lang naman seseryosin.
HINDI NAKAKABAWAS YAN SA PAG KA-LALAKI NYO.
*****
FOR GIRLS:
Simple lang.....
Kung may nanliligaw sayo at di m gusto, mabuti pang sabihin mo na ng mas maaga.
Mas mabuti na yung maaga pa lang nasabi mo na at naramdaman na nung lalaking un ung sakit, kaysa naman papaabutin mo pa ng gabi, baka ikabangungot pa nya.
Wag na rin mag pakita ng motive sa manliligaw mo, wag ng pasikot sikot pa. Baka ikaw mismo ang maligaw.
Wag unahin ang awa, kasi pag yan pinatagal mo pa, eh mas lalo mong tinorture, dahil sa takot mong baka masaktan sya pag binusted mo, eh baka pag dating ng oras na tanungin ka nya ng "TAYO NA BA?" eh baka saka mo ipaparamdam ang katayuan nya sa buhay mo.
Minsan hindi masamang maging prangka, bagkus, mas nakakabuti pa ito sa ibang pagkakataon..
(c) Eilramisu