Just as İ thought..

1.2K 11 15
                                    

Ganun po pala ung kinahinatnan ng pag-ibig nyo...

Ang maia-advice ko lang po, kalimutan nyo na lang po sya. Kasi kung 16 po kayo noon, 5 yrs. na po ang nakalipas. Kahit naman po ano siguro ang gawin nyo wala na din po, wala na po kayong habol, may asawa na pala at mag kaka-anak/may anak na sya.

Siguro po hindi naman nya ikaw talaga minahal, kasi dapat sasabihin nya, kahit ba naman ma torpe torpe pa ang peg nya noon, dapat man lang sinabi nya bago manm lang sya umalis, or nung bago mawalan ng communication. Kung minahal po talaga nya kayo noon, sana man lang hindi kayo ung ginamit nya for his revenge thingy dun sa girl, kasi dapat may respect pa din sya sayo. And dapat din inisip nya na bestfriend nya ung cousin mo. So, i guess walang love syang naramdaman sayo. İsa pa meron naman na mas malapit sa kanya na pwede nyang gamitin sa revenge nya.

Siguro din po hindi nyo na sya mahal, nag stick ka lang siguro sa thought na , mahal mo sya noon. Akala mo siguro mahal mo pa rin sya hanggang ngaun, pero wag po sana kayo mao-offend, akala nyo po love, pero humahanga na lang po kayo siguro dahil MODEL na sya, at nandun ung fact na magkakilala kayo sa personal. Siguro nasasaktan ka lang kasi bigla kayong nawalan ng communication, walang closure kung anu man ung nararamdaman mo for him, siguro lagi mo din sya naiisip ng dahil nga pang siguro dun. Kaya nung nag karoon ulit kayo ng communication, at ginusto nyang mag karoon kayo ng relation, eh dahil nga lang sa fact na, gusto mo lang maibalik ung dati. Pero im sure hindi na love yan.

Kung nasaktan man kayo sa nalaman nyo na may asawa na sya at buntis na ung girl. Siguro nabigla lang kayo, at ang ego nyo ang nasaktan, kasi nagamit kayo. Kung mahal nyo pa kasi talaga sya, mag dadalawang isip pa kayo, kasi sobrang layo nya eh, at iisipin nyo din kung mag wowork. Pero naging kayo din diba? it means na naka mind set na lang ikaw sa mga nakaraan nyo together (kung may together man).

Clear your mind, at timbangin nyo ung totoong nararamdaman nyo.

Ung isip na nag papaalala sa nakaraan mo sa kanya, or ung puso mo na nagsasabing mahal mo sya noon, at BAKA hanggang ngayon.

Try nyo rin mag focus sa iba, para mas malaman nyo kung anu talaga.

Pero wala na rin naman pong chance ung feelings nyo kung mahal nyo po TALAGA sya,

İn the end, meron pong dadating na nakalaan sa inyo.

Para lang po yang, marathon, panu po kayo makakarating sa finish line kung nasan ung taong nakalaan for you, kung tumatakbo kayo paatras para makarating kay kuya 'model', kung sya naman tumatakbo papuntang finish line para sa taong mahal nya.

İn short, gayahin nyo na lang po si kuya 'model' sa pagtakbo paabante para sa taong handa kang mahalin.

"Does it make sense po ba? hehe"

(c) Eilramisu

Love Advices ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon