Chapter 6 : Everything She Deserves

32 5 2
                                    

Maxon Henry Gazer


Napabangon ako sa pagkakahiga nang bumungad sa mukha ko ang mukha ni Carter, panira ng tulog kahit kailan.



Tinulak ko siya saka tumagilid at niyakap ang unan ko "What do you want?" yamot kong tanong saka pinipilit pang matulog.



"I want you yiee.." pang-aasar niya na nakaka-irita sa tenga, kainis. "Na-miss lang kita Maxon myloves, bawal na ba kita mamiss hmp?" ginagaya niya pa ang tono ng boses ni Angela.



Sa sobrang bad trip ko sakaniya, binato ko nalang siya ng unan. "Leave! Matutulog pa ako!" hindi pa siya nakuntento sa pang-iinis sa akin at binuksan niya pa ang ilaw. "Alam mo Carter, paepal ka! Turn off the fucking light!" bulyaw ko.



Tanging halinghing lang ang ginawa niya "May pasok pa tayo tanga." aniya dahilan para mapa-mulat ako ng mata.



Tangina nag-aaral pa pala ako?!



Lumingon ako sakaniya at nakita siyang naka-uniform, nakangiti pa si ungas para ipamukha sa aking late na ako. Napatingin pa ako sa alarm clock ko at 8:27 AM na. WTF!



"N-ngayon na ba ako ulet papasok?"



Tumango-tango siya. "Ngayon na ulit tayo papasok Maxon, naalala mo pa ba kung bakit tayo na-suspend ng 2 weeks sa school master Maxon?" ngumiti pa siya para ipaalala sa akin ang malaking katarantaduhan ko-I mean namin! Oo tama, hindi lang ako ang may pakanan non, oo tama.



"Bwiset ka! Tabe, maliligo na ako grr!" napabalikwas ako sa pagkakahiga saka mabilis na nagtungo sa CR ng kuwarto ko.



"Do you want me to scrub your back, master?"



"Che!"



First day ng klase ko after 2 weeks of suspension, late ako. Well hindi naman na 'to bago sa'kin, nakakatakot lang mapagalitan ulit. Pwede naman akong malate ulit sa mga susunod na araw pero hindi pwede ngayong fist day, patay na ako sa mga guard ng school, patay pa ako kay Larkson nito.

"Your grandfather wishes to speak with you before returning to Canada, Maxon."



"If it is about the stars, leaves and wishes again mom please.. gets ko na lahat."


"No Maxon, it's about.." hinawakan niya ang kamay ko.



"Maxon tara na! Kahit sa second subject late na tayo!" lumabas na ng gate si Carter saka sumakay sa kotse niyang nakaparada sa harap ng bahay namin.

Anam Cara: One Wish, One LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon