Chapter 02

8 1 0
                                    

Like. Comment. Share!

---------

"MUKHANG"

"mow khang"

"Unggoy"

"ong guy"

"ang aking tatay!"

"eng eyking taytay!"

"Hoy Liam kung ano ano na namang tinturo mo kay Ash lagot ka kay Lia niyan!" iiling iling na sabi ko habang tutok ang panonood sa TV.

Inaantay namin si Mia at Lia na mag out sa mga trabaho nito, silang dalawa lang ni Liam sa bahay ni Lia.

"Val, anong lagot? Magiging proud 'yon sa akin kasi marunong ng magtagalog ang baby Ashley natin," ngising sabi nito bago hinarap ang bata, "right baby, Ashley?" magiliw na sinang ayunan naman siya ni Ash kahit hindi siya nito naiintindihan.

Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik sa panonood ng TV, nakita kong bumalik naman sa pagtuturo ng tagalog si Liam kay Ashley.

"Breaking News: The Aphrodisiac Members is here in the Philippines." natigilan ako maging si Liam at napatingin na rin siya sa TV atsaka umupo sa tabi ko, pinakita naman ang tatlong miyembro ng banda.

Wala si Ashton. Nagkatinginan kami ni Liam at nag uusap gamit ang mata ng biglang magsalita si Ashley.

"Hello Ta'mia," napalingon kaming dalawa at nakita si Mia na papasok ng bahay at may dalang grocery.

"Hi Ashbabes my pretty inaanak!" maganang bati naman ang sinalubong nito kay Ashley at binigyan ng chocolate bago dumiretso sa amin ni Liam.

"Ako walang chocolates?" tanong ni Liam kaya inirapan siya ni Mia.

"Bumili ka ng sa'yo, bitch." pabulong na sinabi niya ang bitch dahil baka marinig ni Ashley tsaka nag belat dito.

"Ako na magluluto ng dinner natin!" sabi ko bago pa ako madamay sa asaran ng dalawa pagkatapos ay dumiretso na ako ng kusina at saktong kapapasok ko pa lang ng dumating na si Lia.



Pagpasok pa lang ng bahay ay boses agad ni Liam at Mia ang naririnig ko sa may pinto.

"MOMMY!" tumatakbong sinalubong ako ng anak ko sabay halik sa aking pisngi. Kinarga ko ito papuntang sala.

"Hi baby, how's your day?" bibo itong nagkuwento ng mga ginawa niya buong araw, hindi ko mapigilang ngumiti ng makita ang anak niyang masiglang nagkukuwento na may kasamang halakhak pa.

Her laughter melts me.

She thought.


"Dinner's ready, let's eat,"
 napalingon kami kay Val na may hawak na sandok, agad naman kaming nagtungo sa kusina. Madalas magkampo ang mga kaibigan ko dito sa bahay dahil walang ibang titingin kay Ley bukod sa akin at sa kanila at ang yayang nakuha ko kapag may pasok ang lahat.

Habang kumakain ay nag uusap usap kaming lahat at puro tawanan.

"Mommy I elem some tagalowg! Uncle handsome taught me!"

"Let's hear it, baby," sabi ko rito na mababakasan ang excitement sa aking mukha.

"Go pumpkin, tell them what I taught you,"

"Megende eko, Powgi se titow Liam, Mowkhang ong guy eng teytey kow!"

"Yuck kadiri ka kung ano ano tinuturo mo kay Ash!" nandidiring tingin ang binigay ni Mia dito na ginatungan ni Val and the dinner went on like there is a chaos in the dining. 

Strings of GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon