CHAPTER 1: Stupid

79 3 2
                                    

Day 1

TROY'S POV

Kanina pa ko dito paikot-ikot, hindi ko pa rin mahanap yung address na binigay sa akin Kris.  Tapos yung mga tao  kung makatingin sa akin na  parang ngayon lang nakakita ng tao. Tsss -=___= ganun ba talaga ako kapogi? 

Kinuha ko ang Iphone ko para matawagan ko ulit yung kumag na yun. Kanina pa kasi di ma-contact eh.>__

Yan na nga ba sinasabi ko. Walang signal! Damn! Ganto ba talaga sa probinsya? Tas di manlang sinabi na pahirapan ang signal dito eh di sana di na lang ako pumayag na pumunta dito.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. Pano sa bawat madadaanan kong mga tao, kung makatitig kala mo ibang-ibang ako.

"Hey you! Can you please stop staring at me?get lost!" Sabi ko sa mga nagkukumpulan na mga babae  na kala mo hinuhubaran ka na sa mga tingin nila. Nasindak naman sila kaya umalis agad.

Haist! Walang signal! Itinaas-taas ko yung phone para makahanap ng signal. Ayun may isang bar, sige.... malapit na...... uy may isa na naman! Ayos nag-ring na!

*kringgg

"Hel—"

"Tabiiiiiii!"

*BOOM!

Pagkamulat ko may nakita akong lalakeng nakahiga, kasama yung bike nya.

"Hey are you blind or something? Hindi mo ba ako nakita? O sadyang tanga ka lang! Stupid!" —tsaka ko inayos yung sarili ko. Baliw ba to? Andun na eh, sinagot niya na eh! Bwiset talaga!

"Tsss. Ako pa talaga may kasalanan? Tignan mo nga kung nasaan ka! Nasa gitna ka na po ng daan STUPID!" - sigaw niya sa akin. Teka bakla ba to? Ang tinis ng boses eh.

Pagkasabi nya non, tumingin ako sa paligid ko. Tama nga siya, tsss pahiya ako dun ah. Pero syempre di ako papatalo.

"Baket? Kung tumitingin ka rin kase sa dinadaanan mo, mabubunggo mo ba ko?"  Pagsusungit ko. Nakita ko sa mukha niyang napaisip sya. Hah, buti nga.

"H-hinde. Peroooo *tingin sa bike nya* Babayaran mo tong mga paninda ko." Sabi nya. Stupid talaga sya, ano kayang connect nun sa tanong ko?

"Bakla ka ba?" Out of nowhere, yan ang lumabas na tanong sa bibig ko. Wala, nacu-curious lang ako sa gender niya. :D

Nabigla naman sya sa tanong ko. Baket? Sooo confused pa sya sa lagay na yan ah??

"Alam mo hindi ako bakla ok? At lalong hindi ako lalake! Babae ako! Bulag ka ba? O sadyang tanga ka lang. Stupid!" Mahabang litanya niya.

Whoaw! Mukang hindi magiging boring ang bakasyon ko dito ah?

"Hahaha! Babae ka? *tingin sa kanya from head to toe*  hindi halata."  Pang-aasar ko sa kanya. Namumula na sya. Konti na lang..... sasabog na sya! Eto gusto ko eh. Yung nang-aasar. Hahaha

"Grrrrrz! Manahimik ka na lang nga! At bayaran mo na tong mga paninda ko. Naku patay talaga ako neto, ide-deliver ko pa naman to:(" -pagda-drama niya. Tsss.  Kayang-kaya kong bayaran yan, kahit magkano pa eh. Kasooo...  AHA! may naisip ako.

"Ohhhhh sige. I will pay that in one condition..... pa-tawag." Sabi ko sa kanya with hand gesture pa!.

"Pfft! HAHAHAHA!" -Baliw na ba talaga sya? Bigla na lang syang tumawa ng malakas with matching hawak pa sa tsan. Eh? Anong nakakatwa sa sinabi ko?

"Ehem. Excuse me? Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Oh! O baka naman wala kang cellphone" sabi ko na may inis na may halong panga-asar.

Tas tumigil sya sa pagtawa at naging blangko ang muka sabay "wala."

"Pffft BWAHAHAHAHAH!" This time, ako naman ang napahalagakhak sa kakatawa. Wtf? Kaya pala ha? Wala pala syang phone kaya idinaan na lang sa tawa. Stupid talaga sya.

"Oh sige ganto na lang. Ihatid mo na lang ako dito." Sabay bigay ng papel na may address ng tutuluyan ko.

"ANO? baliw ka ba? Eh ang layo-layo nito eh" -sabi niya habang nanlalaki ang mga mata. Sabay balik ng papel sa akin.

"Dont worry do-doblehen ko na lang yung bayad." -nginitian ko sya. Yung pang-hikayat na ngiti.

"Ayaw!" Aba matigas ka ah?

"Triple."

"Ayaw."

"X4"

"Akin na nga! Bwiset to, kung di ko lang sana kailangan ng pera eh. HAISSYT! malas talaga ngayon." Pagmamaktol niya. HAHAHA gusto din pala eh. Pakipot pa.

Pumunta sya sa bike niya at inayos ito pati yung mga paninda niya sa basket tsaka sumakay.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Sakay na!" What?? Dyan? Ako sasakay? No way.

"Haisst! Wag ka na ngang maarte dyan. Wala ka ng masasakyang iba kasi malayo yun. Kaya no choice ka." -eh di........ sige na nga.

Hindi na ako nagsalita at umangal. Sumakay na lang ako dahil tulad ng ng sinabi nya. No choice ako. -____-

*After 12345678910 years

Nakarating din kami. -_____- tama nga si Kris. Mala-mansyon ito sa laki.

"Ehem. Baka po nagkakalimutan na tayo.*Sabay turo sa mga paninda niya* " ay oo nga pala. Tssss. Gastos na naman. Buti dala ko yung mga savings ko.

"Oh, dapat nga may bawas na yan eh. Ang sakit kaya ng pwetan ko" sabay abot ng 2000 pesos.

"Welcome! Wag kang magalala di na to mauulit kase di na tayo magkikita diba? " Sabi nya. Sarcastic ba yun? Baliw talaga yun.

Hindi ko na sya pinansin  pa. Ewan umalis na ata. Pero ewan nilingon ko pa rin sya. Pagka-kita ko sa kanya palabas na sya ng gate dala-dala yung bike.

"Hoy ikaw!" Sigaw ko sa kanya. Agad naman syang lumingon.

"Troy. Troy ang pangalan ko." Walang emosyong sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya, tsaka tumuloy na palabas.

Napakamot ako. Baliw ba talaga sya? Nagpakilala na nga eh, tas ngiti lang sya? Stupid -___-

Before anything else........... Im Troy Jean (pronounce as John) Lyford. Im a model and the most popular student in our school. And also a.......

Brokenhearted man. >___<

Its been 6 months since she broke up with me. Mahirap na hanggang ngayon ay di pa nakaka-move on. Kaya nga andito ako sa probinsya nila Kris muna, kase sabi nya I need a HeartBreak Holiday. Tssss, dami talagang alam nun.

Hayyy! Pagkapasok ko sa loob. Binati agad ako ng mga kasambahay dun. Syempre di ko na lang pinansin, umakyat agad ako sa kwartong ipinakita sa akin at humiga.

Naalala ko na naman yung la— babae pala. Kase unang tingin para talaga syang lalake. Sa damit may kaluwangan, sa pants fitted tsaka naka-rubber. Pati naka-shorpet sya ng pabaliktad. Kaya ayun napagkamalan ko sya. Hehe WAIT NGA LANG! bakit ko ba sya inalala.

Haisttt! Makatulog na nga lang. Sumakit kasi pwetan ko eh. Stupid talaga sya!

*zzzZzzZZZZ

———
Nagustuhan nyo ba ang Chapter 1? Wait na lang po kayo sa next chapter. Medyo mabagal kasi mag-isip si otor eh. Dont forget to leave a comment and vote my Story!!! Mhuaaaaaa :*

HeartBreak HolidayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon