Chapter 7.1 Mall

29 2 0
                                    

Chapter 7

  

Louis' PoV

Hi Im baaaaak! Ako pa rin to! Si Louis with a silent 'S' ^___^ Na-miss niyo ba ako?  Hahaha malamang hindi! Kayo pa! Di nga kayo nagvo-vote eh! Hahaha joke.

Anyways! Umaga na naman. Meaning, trabaho na naman! Hahah maaga ako ngayon, kasi na sa akin yung susi. -___- Bale lima kami sa store na to. Si Nick sa counter na minsan ay sa kusina. Ako sa kusina rin tsaka taga-deliver. Yung kambal na si JA at JE naman taga-serve pero minsan wala kasi pumapasok pa sila, bale parang part time job lang nila to. At si TJ na hindi ko alam kung ano ang bagay na gawain! Pano ang arte tsaka wala manlang alam na gawain.

And oh! Speaking of. Andito na sya. Aba himala! Ang aga ah! Pangalawang araw niya pa lang dito, baka nga sa simula lang yan eh.

Naalaa ko tuloy yung kahapon. Hahah pero kidding aside, di ko talaga inaasahan  yung nangyari kahapon. Bukod sa nakalunok ako ng langaw eh yung niyakap niya ako.

Medyo bumilis yung tibok ng puso ko dun. Ewan! Nagiging abnormal na naman yung pakiramdam ko.

"Tabi! Bubuksan ko yung pinto!" Tinignan ko sya sa mata. At...... tumabi sya. Problema nun? GV ata? Pero bakit? Haist! Pake ko?

"Salamat sa Cassava." Ano daw? Nagpasalamat ba sya sakin? We?

"Paki-ulit?" Nagkunwari akong hindi ko narinig. Hahah thank you pala ah?

"Sabi ko 'Thank you po sa Cassava!" Abat nanigaw pa sya! Alam niyo kasi, nakonsensya ako sa ginawa niya kahapon. Haist ni hindi nga ako pinatulog nun eh! Labag talaga sa kalooban niya ang yakapin ako tas pinagtawanan ko pa sya sa kadramahan niya kahapon! Kaya ayan! Buti nga kahapon tinext ako ni Nay Rosing tinanong kung bat daw nakabusangot si TJ at alam ko na ako ang dahilan nun kaya..... pinadalhan ko sya ng cassava. Gusto daw niya kasi yun. :)

"Oh sige na! Simulan na natin ang pagtatrabaho!" Sabi ko sa kanila. Kumpleto naman na kami. Si Nick andyan na tas si JA at JE naman mamaya pa pasok nila kaya pumasok muna sila dito.

Ok fastforward na natin. Bale mag-iisang linggo na nagta-trabaho si TJ samin. Maayos naman kahit na yung iba palpak. —_— Yung magde-deliver sya, naligaw sya tas pagmag-seserve, mali-mali yung order na binibigay niya >___< haist! Eh hindi naman sya pwedeng magluto baka kung anong mangyari pa! >_

At eto ako ngayon....... napagdesisyunan kasi namin ni Nay Rosing na tuwing weekend eh isasara muna namin para makapag-pahinga na. Kasi lately pagod kami. Alam niyo kung bakit? Dumadagsa ang estudyante sa store namin! Eh paano lakas makahatak netong si TJ.

"Louis! Wala kang pasok ngayon?"

-sabi ni Thania. Kasama ko sa inuupahang bahay namin. Bale pinsan ko sya, parehas lang kami, walang magulang pero may kapatid sya si Kuya Tristan. Magkakasama kami sa iisang bahay. Hati kami upa. Si Kuya Tristan ang  nagta-trabaho para pag-aralin si Thania. Oo nag-aaral pa lang sya, meaning mas matanda ako sa kanya. Sadyang walang galang lang yang si Thania. Pero close kami :)

"Wala kaming pasok ngayon hanggang bukas. Bakit?" -ako habang nag-aayos ng pinaghigaan ko. Dalawa kwarto dito, sa isang kwarto mag-isa lang si Kuya T. At syempre dalawa kami ni Thania dito.

"Wala naman. May gagawin ka ba mamaya?" Kahit kelan talaga wala syang galang! Isang himala na lang kung maga-ate  sya sa akin.

"Wala naman po manang! Haist dyan ka nga muna maliligo muna ako." Manang? Sarcastic yun. Para malaman nya na mas bata sya sakin! Hmp! Makaligo na nga!

"Yuck! Kadiri ewww! Manang ka dyan!" Ahhah narinig ko pa syang nagsalita bago pumasok sa Cr.

Matapos akong maligo. Nagbihis na ako. And as usual ganun na naman. Naka-jersey ako ngayon tas black fitted pants. Tinali ko rin yung buhok palikod. Ok na! Gusto kong gumala kaso saan naman kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartBreak HolidayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon