Chapter 6:
Troy's POV
"Hop in"
Ano ta-tanga na lang sya dyan? Di nya ba alam yung Hop in? Tsss
"Ang sab-"
"Tangek alam ko. Sasakay ako dyan. Kasooooo we? Di nga? As in?" Haisst! Ang kulit!>_<
"Kung ayaw mo eh di wag!" Naiinis na ako ah! Ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako eh.
"Wait! Wala naman akong sinabi diba? Eto na boss sasakay na."
*******
"WHOOOOO! ANG COOOOOL NETO!" Di ako yan ah! Si Louis,Aist! Karindi naman oh! sumigaw ba naman habang nakatayo. Eh diba walang bubong yung kotse ko.
"Tsss sana makalunok ka ng kung ano! Para naman matigil ka na!" Pabulong kong sabi. At great! Hindi nga nya narinig. Pano hanggang ngayon sigaw pa rin ng sigaw .
"Ano Troy? May sinasabi ka?" See? Di nga nya narinig. -_- di ko na lang sya pinansin at patuloy na lang sa pagd-drive ng.......
"WHOOOOOO! Ang sa- *cough*cough*" napahinto ako ng wala sa oras. Ewan, nag-panic siguro ako. Hahaha ganun ako eh.
"Anong nangyare sayo! Huy, wala akong tubig na dala." Sabi sa inyo eh! Panic talaga.
"Naka----nakalunok a-ako ng L-langaw *cough*cough*"
Yung panic ko hahahah naging hahahahaha!
"Pfft! Hahahahahah! Bwahahahaha!" Dahil sa natuwa ako at.... nagkatotoo nga ang sinabi ko itinuloy ko na lang ang pagd-drive.
Hahaha talaga. Napansin ko naman na medyo natahimik sya.
"Uy bat natahimik ka dyan?" Sabi ko habang palingon-lingon sa kanya? Problema niya?
"....." great! No answer. At dahil hindi sya sumagot at wala manlamg imik di ko na sya kinulit. Buong byahe tahimik lang sya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng concern at ng konsensya. Haha nangingonsensya ba talaga sya?
Huminto ako sa isang field tas may mga puno-puno dun. Pagkatingin ko sa kanya......... tulog? Pshhhhhh naman oh!
"Louis, uy Louis gumising ka nga dyan!" Sabi ko habang tapik ng tapik sa mukha niya. At ahmmmm.....medyo malapit ako sa kanya.
"Asdfghjkl-" ano daw? Haist! Ayaw mo ah? Lumapit ako sa tenga at....
"DIVIIIIINE! GUMISING KA DYAN!""0_o"
"0_o" both of us are staring each other.
*dug*dug*dug*dug*
Pagkasigaw ko sa kanya kanina, napa-ayos sya bigla tas ang lapit namin sa isat-isa. Nagulat kami pareho kasi hindi namin akalain na ganun.
Teka bat ganito? Ang bilis ng tibok ng dibdib ko? Parang may nagpaparada sa loob? Di ko maintindihan, bakit parang nangyare na ito dati?.
"Ahmm a-andito na b-ba tayo" pagiiba niya. Shete hahah nakalimutan ko. Na-wili kasi akong tignan yung mata niya. Parang may kapareho. Basta!
"Ah oo. Andito na tayo." Medyo pinagpawisan ako dun ah!. Tumingin-tingin naman sya sa paligid. At........ parang sumigla sya. Nag-light up yung mukha niya. Bumaba sya sa kotse ko at tumalon-talon.
"Weee! Andito na naman ako! Yuhoo! Weeeeeee!" Huh? na naman? What does she mean?
"Tumigil ka nga dyan. Para ka na namang baliw eh" pinigilan ko na sya. Pano pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito. Hinila ko sya sa may ilalim ng puno at umupo.