Arc Fernandez's POV
Huminga ako ng malalim bago ko kinatok ang pintuan ng kanyang kuwarto habang may nakapatong na tray ng pagkain sa kaliwang kamay ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong ikinasal sina Aim at Gain, hanggang ngayon malaki pa rin ang epekto nito sa aking kapatid na si Pink.
As usual, hindi pa rin siya sumasagot. 'Yong dalawang katulong namin dito napagod na rin kakakumbinsi sa kanyang kumain. Kahit sina mom at dad hindi rin pinakikinggan ng bunsong kapatid ko. Hindi na siya gaya no'ng dati, napakaarte, spoiled, reklamador, maingay at troublemaker. Besides, it is now very uncommon for her to leave her room.
Nag-aalala na kami sa kanya. Hindi na niya kami kinakausap o pinakikinggan man lang. Napapabayaan na rin niya ang kanyang pag-aaral. Hindi ko alam na seryoso pala siya kay Gain. Kaya nasaktan siya ng sobra noong nabalitaan niyang ikinasal na pala sila ni Aim.
Inilagay ko ang tray ng pagkain sa harap ng pinto. Alam kong kukunin niya rin ito kapag umalis na ang naghahatid nito kagaya ng kinagisnan niyang gawin ngayon. Mukhang ayaw niya pa ring mag-entertain ng mga tao. Nami-miss ko na siya, 'yong mga panahong kahit ako na mismong kuya niya ay nilalandi rin niya lalo na kapag may favor siya sa akin. Hindi ko na rin siya naaasar. Nabu-bored na tuloy ako tuwing uuwi ng bahay.
"Lil sis, baka pakialaman ni Lurk ang pagkain mo. So, hurry up. Kunin mo na 'to."
Sigaw ko sa kanya mula sa labas ng kanyang silid. May mga panahon kasing kinain ng alaga naming aso na si Lurk ang pagkaing inilagay ng maid sa harap ng pintuan ng kanyang kuwarto. Baka gagawin na naman ulit 'yon ng aso.
Naglakad na ako palayo nang narinig ko ang pagbukas ng pinto at mabilis din itong nagsara, pero hindi na ako nagatubiling tingnan siya. Alam kong sa pagkakataong 'yon ay kinuha na ni Pink ang pagkaing ibinilin ko. Sa ngayon, sapat na sa akin ang kumain siya.
Lumipas pa ang isang buwan, hindi na nakapag-aral si Pink this semester. Hinayaan na lang namin siya. Sabi ni mom, baka mas makakabuti sa kanya kung titigil muna siya sa pag-aaral. And for sure, she can catch up next school year.
Kaya lang, isang umaga noon nang nagulat ang lahat sa bahay namin no'ng biglang lumabas si Pink mula sa kanyang kuwarto. Hindi dahil sa wakas ay lumabas na rin siya kundi dahil sa kanyang itsura. Nakasuot siya ng kulay blue na t-shirt at oversized ito sa kanya pati na rin ang suot niyang pantalon. Ito pa ang mas nakakagulat sa lahat, magkapareho na kami ng gupit. Did she actually cut her hair? No, it was really inappropriate for her to do so. Napapailing na lamang ako.
Lumabas nga siya ng silid, pero nag-iba na ang kanyang ugali. Palaging naka-poker-faced na hindi ko man lang masilip kahit kunti ang nilalaman ng kanyang isipan. Tipid na rin siya kung magsalita, palaging seryoso at mas malamig pa sa snow ang tuno ng kanyang pagsasalita. Kung dati kadalasang makikita sa loob ng kanyang silid ang kulay pink, ngayon inalis na niya at pinalitan ng bagong mas simpling design, pero andon pa rin ang mga animes.
And for the first time in forever, she decided to join us for breakfast today. Nakaupo si mommy sa tabi ni Pink habang tinatanong kung ano'ng gusto niyang kainin. Kami namang dalawa ni dad ay tahimik lang na kumakain, pero sumusulyap din sa kanila paminsan-minsan.
"Mom, is it okay if I apply to be one of the mayor's bodyguards?"
Kamuntikan na akong mabilaukan dahil sa biglaang pagsasalita ni Pink. My goodness! Does she completely turned into a guy now? Can I punch Gain right now
Tinatapik ni mommy ang balikat ni Pink habang hindi pa rin maalis-alis ang mga ngiti niya. Baka sa sobrang saya lang niya dahil sa wakas nakikisalamuha na rin si Pink sa amin.
"Of course honey! Gagawan ko 'yan ng paraan. I promise! Okay?"
Sabi ni mom na parang hindi niya yata naintindihan ang sinasabi ng anak niya, bagkos ay tuwang-tuwa pa siya.
"What? Mom, seriously?"
Sabi ko habang nakakibit balikat.
"Allisa, are you out of your mind!"
Pagrereklamo ni dad kay mom. Alam kong tutol din si daddy sa binabalak ni Pink. Kaya lang, bigla kaming natakot ni dad nang sinamaan kami ng tingin ni mom. Geez! Nakakatakot talaga si mommy.
"Don't worry honey, gagawa rin ng paraan si daddy mo."
Dagdag pa ni mom. Not to mention that my family have businesses, my dad is also a councilor in our municipality. Napamasahe na lang si dad sa kanyang sintido at halatang wala na siyang magagawa. Pagtango lang ang isinagot ng bunso kong kapatid kay mommy habang kumakain siya at hindi man lang kami tinitingnan.
Iginugol ng bunso kong kapatid ang isang taon niya sana sa kolehiyo at nag-training kung paano gumamit ng baril, self-defense at martial arts. Dahil pursigido talaga siya sa gusto niyang maging, nalampasan niya lahat ng iyon. Hindi ko na talaga maintindihan kung ano'ng mga bagay ang pumapasok sa kukuti ng kapatid ko. Pero wala na akong magagawa kundi ang suportahan siya kung sa'n siya masaya. Well, I guess so.
BINABASA MO ANG
My Hentai Otaku Master
RomanceNalzaro Madrio Jr. is a man of discipline and professionalism, as expected from the son of a local chief executive. He upholds a strict demeanor, earning him the respect of his peers and community. However, behind closed doors, Nalzaro has a secret...