Chapter 3

103 5 0
                                    

Ruru's POV

Sabado ng gabi, doon muna ako natulog sa isa sa mga guest room namin dito simula noong gabing sinira ni Pink ang bintana ng kuwarto ko. Habang inaayos pa ito, sinigurado kong naka-lock ang aking cabinet na may mga lamang manga books, anime figurines, toys and anime costumes. Ayaw kong makita ito ng mga taong nag-aayos ng bintana.

Lumabas muna ako ng guest room dala ang aking laptop. Naisipan kong sa lounge muna ako tatambay na matatagpuan katabi ng swimming pool namin sa likod ng bahay. Dito ako madalas tumatambay kapag mainit ang aking ulo. Masarap at presko ang hangin dahil malapit sa dagat at nasa baba lang ang dalampasigan. Dito ko na lang gagawin ang mga homeworks ko. Gusto ko ring magpahangin at baka lalamig ang utak ko kakaisip sa ginawa ni Pink.

Simula rin no'ng gabing 'yon, mas lalo kong hindi pinapansin si Pink. Pero dumidikit pa rin siya sa 'kin kahit may silent treatment ako sa kanya. As if I had a choice. Ang sabi ni daddy, trabaho raw ni Pink ang bantayan ako. Ano pa ba'ng magagawa ko? Hindi ako ang nagpapasweldo sa kanya.

Hindi rin naman siya isang government employee dahil si dad mismo ang nag-hire sa kanya upang maging personal assistant and bodyguard ko. Napakasaklap na buhay 'to. Isa akong astig na lalaki, tapos pinapabantayan ba naman ng isang cute na babae. Ang sakit lang talaga sa heart. Nakakalalaki na sila.

Sinabihan ko si mamay na dito ako maghahapunan. Baka kasi kakatukin na naman nila ako sa guest room. At dahil wala ako do'n, walang sasagot. At dahil walang sasagot, tiyak panibagong bintana na naman ang mababasag. Kaya mas mabuting magpaalam ako kay mamay.

"Good evening po, sir Ruru."

Speak of the angel. Napalingon ako noong narinig kong bumati sa akin ang isa sa aming katulong. Nakita kong may dala siyang tray ng pagkain. Hindi lang siya nag-iisa, may kasama pa siyang isang katulong na may dala ring tray at juice na sa tingin ko, mango ang flavor nito. Habang nakapatong ang kaliwang siko ko sa round table ay napahilot ako ng kunti sa aking sentido no'ng inilapag na nila ang pagkain.

"Puwede paki palitan ng tubig ang juice. Please."

Seryusong sabi ko habang nanlalamig ang aking boses. Tumango 'yong isang maid na may dala ng juice at agad niyang kinuha ito mula sa table habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Napansin ko agad ang takot niya sa akin. Napailing na lamang ako. Dahil sa takot niya, 'yong babasaging pitsel lang ang kanyang nakuha at naiwan ang isang baso na may nakasalin nang juice. Pambihira. Akala talaga ng mga tao sa paligid ko ay napaka-terror kong tao.

No'ng tumalikod ang dalawang maids at susundan ko sana sila ng tingin ay nabigla ako at kinabahan no'ng nakita kong kasama pala nila si Pink. Hindi ko napansin kanina dahil sa dalawang maids lang ako nakatingin.

Habang papalayo ang mga maids ay nagsimula na ring maglakad patungo sa akin si Pink. Bigla na namang nag-panic ang utak ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin at humarap sa aking laptop. Hinila ko ito ng mas malapit pa sa akin. Nagsimulang akong magtipa at nagkukunwaring ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa, kahit ang totoo'y nawala na ang focus ko sa ginagawa.

"Master, I just want to apologize about what happened at that night."

Sabi niya habang ang kanyang boses ay mukhang mas malamig pa yata kaysa sa akin. She was standing close beside me, and sometimes I stole glances at her. I was trying to catch a glimpse of her chest. I just wanted to see even the slightest hint of two mountains beneath her white T-shirt. But, I still couldn't see anything.

Sa paano kayang paraan ko ito makikita? Hindi naman puweding sa pilitan ko siyang huhubaran ngayon. She's still a female, kaya imposibling wala man lang kahit na katiting na umbok ang mayro'n sa parting 'yon. Masyado naman kasing hindi makatarungan kapag ang isang babae ay kasing flat ng breast kagaya ng mga lalaki. Or maybe she underwent a surgical operation to make it away. No! I hope I was wrong.

My Hentai Otaku MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon