Chapter 2

130 4 0
                                    

Nalzaro's
Point Of View

Habang nagsasalita ang professor namin ng isa sa mga minor subjects ay seryoso naman akong nakatitig sa mga nakasulat sa white board. Nakaupo lang ako ng tahimik habang pinaikot-ikot ko ang ballpen sa aking kanang mga daliri, kunwari ay nakikinig ako. Ito ang unang beses na hindi ako makapag-concentrate sa discussion ng guro.

Hindi mapakali ang utak ko dahil nasa labas si Pink ng classroom na 'to at naghihintay sa akin. Nasa front ako nakaupo kaya kitang-kita ko siya mula sa labas ng pintuan na malapit sa white board. Sinusulyapan ko siya minsan at nahuhuli ko siyang titig na titig sa akin at nakabantay sarado habang nakasandal siya sa wall ng katapat na classroom.

I glanced at the wall clock and saw that it was already 6:20 in the evening. The schedule was supposed to wrap up by 6:30, so there were just 10 minutes left until it was over. Gusto ko nang makauwi upang magkulong sa kuwarto at manood ng anime. Mas magiging tahimik at payapa pa ang mundo ko.

Hanggang sa natapos na rin sa wakas ang klase. Seryoso at tahimik akong lumabas ng classroom kahit pa may sumubok na kausapin ako ay hindi ko sila pinansin. Nakabuntot lang sa akin si Pink habang walang sino man sa aming dalawa ang sumubok na magsalita. Kahit pa palagi kong sinasabi sa sarili ko ngayon na wala akong pakialam kung ayaw niya akong kausapin, ngunit nakakailang pa rin ang katahimikan.

Parang nararamdaman ko na hindi niya ako pinapansin dahil hindi siya nagsasalita, kahit alam ko na ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa akin. Gusto kong siya ang maunang magsalita sa amin sa pagkakataong 'to. Darn! I shouldn't have been thinking like this. As the son of a mayor, I'm supposed to be more mature. Damn it! Minsan talaga hindi kami nagkakaintindihan ng sarili ko. Nako Nalzaro, mukhang sa kaka-cellphone mo yata 'to.

Hanggang sa pagsakay namin ng sasakyan. Pinili niyang sumakay sa tabi ng driver habang ako, nandito sa backseat at katabi ang isa pang bodyguard. Mabuti naman at nag-i-isa na lang 'tong bodyguard sa tabi ko. Salamat naman at naisip nilang somubra na ang mga nagbabantay sa akin. Nakakalalaki na yata sila. Hindi ko tuloy maiwasang maliitin ang aking sarili. Gano'n na ba talaga ako kahina? Bakit hindi na lang ako nag-aral ng self-defense para ako na mismo ang magbabantay sa sarili ko?

Pagkauwi namin, nagmamadali akong umakyat sa aking silid at hindi ko na pinansin ang mga katulong na nagsasabing nakahanda na raw ang hapunan ko. Hindi ako nagugutom at isinusumpa kong hinding-hindi ko papansinin ang sino mang maid na magtangkang katukin ako o tawagin upang kumain ng hapunan. Kahit pa mag-super saiyan diety sila d'yan, wala akong pakialam. Nasisiguro kong sa mga oras na 'to, busy si dad kaya wala siyang panahon upang puntahan ako rito.

Kaya lang, agad naman nagsalubong ang mga kilay ko nang wala pang isang minuto, may kumatok na sa pintuan ng silid ko. Talaga namang speak of the angels ang mga katulong na 'to.

"Sir Ruru! Kanina pa po nakahanda ang hapunan ninyo! Kumain na po kayo!"

Kaasar! Sa sobrang pagka-bad trip ko, nilakasan ko pa ang volume ng aking pinapanood. Hindi rin naman nila ito maririnig dahil naka-headphone ako. Tumigil nga ang maid sa pagkatok sa akin, ngunit may kumatok ulit pagkalipas ng limang minuto at ibang boses na naman ang naririnig ko.

"Sir, kumain na po kayo!"

Pagkatapos tumigil may ibang kumatok na naman. Mukhang pinagtutulungan yata nila ako. Come on guys! My masculine attention has been evoked right now. I just need to focus and concentrate in this kind of situation. Okay!

My Hentai Otaku MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon