Chapter 1

273 8 1
                                    

Nalzaro Madrio Jr.'s
Point Of View

In my 22 years of existence in this world, I can confidently say that I have fulfilled my duty as the perfect son of a local chief executive. Currently, I am studying AB Political Science. As nag-iisang anak ni mayor Nalzaro Madrio Sr, kinakailangan kong maging matalino at gusto kong makita ng lahat na kaya ko ring maging pinuno ng isang lokal na pamahalaan balang araw.

Hindi ako 'yong typical na binata na kung saan-saan lang gumagala. Kahit na nagagawa kong mag-travel sa ibang bansa, inaamin kong naiinggit pa rin ako sa iba. Hindi kagaya ko, kaya nilang gumala nang walang mga matang nakabantay at nararamdaman nila ang tunay na kalayaan. Pero syempre, ninais ko pa ring magpakatino alang-alang sa reputasyon ni dad.

Isang seryoso at estriktong tao ang tingin ng lahat sa akin. Kadalasan ang mga bagong hired na maids nanginginig sa takot sa tuwing kinakausap nila ako. Palagi akong nakasuot ng eyeglass at palagi ring may dalang libro o madalas nakikita nila akong nagbabasa ng newspaper. Tingin nila hindi ako mapagbiro at hindi rin ako puweding biruin.

Simula noong 15 years old pa lamang ako, matured na ang tingin nila sa akin. Siguro dahil sa edad na 'yon may alam na ako tungkol sa pulitika, at iba pang mga pangyayari sa bansa. Well, I can't help it. Paano ba naman kasi, sa tuwing kumakain kami iyan palagi ang pinag-uusapan nina mom at dad noon. Hindi ko maiwasang hindi marinig sila.

'Yong personal maid ko naman noong bata pa ako, palaging nagbabasa ng newspaper. Dahil curious ako, tinatanong ko siya tungkol sa kanyang nababasa. Dahil siguro sa pakiramdam na parang may napanood siyang magandang movie at hindi niya kayang hindi mai-share ito sa iba, ayon napakuwento tuloy si yaya sa akin, halos araw-araw noon. Instead of kuwentong alamat at mga super heroes, newspaper ang trip ni yaya.

Ito pa ang mas malala, minsan na nga lang kami kung magkasamang manood ng TV dahil palaging busy ang parents ko noon pa man, nasa PTV naman palagi ang channel. Hindi ko alam kung aware sina dad at mom dito, pero masasabi kong wala talagang perpektong mga magulang.

Dumating ang panahong mas umiral pa ang internet. Doon ko na-discover ang anime. Bigla akong nagkaroon ng interest dito at namangha kung gaano kaastig ang mundo nito. Though, ganoon pa rin naman ang persona ko sa mga tao sa paligid ko, pero hindi nila alam na isa akong otaku.

Pagkatapos, naging addicted ako sa panunood ng animes at sa paglalaro ng mga games na related dito. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nakakapaglaro ng games at makapanood ng anime. Madalas kapag may assignments at projects ako, gagawin ko 'yon sa loob ng university tuwing may vacant time ako.

All of my friends and classmates found it cool. Sabi naman ng mga girls, napakasipag ko raw at mas nagiging guwapo dahil do'n. Ngunit hindi nila alam ang tunay na rason kung bakit ko iyon ginagawa. Gusto ko kasing wala na akong gagawin pagdating sa bahay kundi magkulong sa aking kuwarto at manood ng anime. Tumigil na rin ako sa pagmu-modeling dahil mas lalo lang akong mawalan ng panahon sa panunood ng anime kung ipagpapatuloy ko pa 'yon. At kung may magtanong kung bakit ako tumigil, palagi kong idinadahilan ang pagiging busy sa school.

Syempre, hindi ko mapigilang hindi mag-collect ng figurines ng mga favorite anime characters ko. Nagawa ko na ring mag-cosplay, pero sa loob lang ng aking kuwarto. I've spend all of my allowance for that fond. At walang sino man ang nakakaalam sa mga pinagagagawa ko kundi ako lang mismo. Hindi ko akalaing nakakabutas pala ng bulsa ang pagiging otaku. Yeah indeed.

Sabado ng umaga habang nakatutok ang aking attention sa pinapanood kong anime sa PC ko nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi ko ito pinansin no'ng una, pero hindi pa rin ito tumigil. Dinig ko pa rin ito kahit na nakasuot ako ng headphones. Malamang isa na naman sa mga maid namin na nangungulit para kumain lang ako.

My Hentai Otaku MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon