CHAPTER 2

1.5K 76 3
                                    

MULA SA kanyang sketchpad ay nagtaas ng ulo si Tara nang biglang may umupo sa katapat niyang upuan. Nasa isang café siya ng mga oras na iyon na pag-aari ng mga kaibigan ni Cameron, ang Amore Café.

Kailangan niya ng mga bagong subjects kaya lumabas siya ng bahay mula pa kaninang umaga. Nagtungo siya sa isang mall at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa national park at monumento dala ang kanyang camera.

Mag-iisang oras na siyang nakaupo sa café nina Oliver at George nang gambalain siya ng taong umupo sa kanyang harapan, si Harrison. Nakasuot ito ng sombrero at salamin sa mga mata.

"What are you doing here?"

Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay kinuha ni Harrison ang platitong may lamang cake na nasa kanyang harapan at ang kanyang kape, kapagkuwan ay sumipsip doon at kumutsara ng cake.

"That's mine!"

"Not anymore."

This was one of the reasons why he's her number one enemy. He loved to irritate her and piss her off. Sa tingin niya ay sa kanya lang ito gano'n, o mali lang talaga ang kanyang obserbasyon?

Inis na tumayo siya at lumakad patungo sa counter upang makakuha ng panibagong kape at panghimagas.

"Thanks, Olly," aniya kay Oliver na kaibigan ni Cameron at ex-boyfriend din nito nang ibigay nito ang order niya. "Where's George? I haven't seen him since I arrive." Si George ay isa ring matalik na kaibigan ng kanyang sister-in-law at ngayon ay kasal na sa ex-boyfriend nito na si Oliver.

George and Oliver were a gay couple and she heard that they got married in Canada. They become her friends too and she adored them, she respected them. As someone who claims herself to be part of the LGBTQ community a long time ago, she was rooting for Olly and Georgy.

"At his parents' house... Tell me if you need anything."

Napatango na lang si Tara sa isinagot ni Oliver at ngumiti rito bago pumihit pabalik sa kanyang lamesa dala ang saucer. Inilapag niya ang dala sa lamesa at tiningnan ang ginagawa ni Harrison. Pinag-aaralan marahil nito ang script na hawak.

"I was at the read-through conference earlier with the casts. We will start taping the first scenes next week. I'll be busy."

"I'm not asking," aniya nang makaupo at muling dinampot ang lapis at ang kanyang sketchpad.

"I'm still saying it."

"Whatever you please," she countered in sarcasm before giving her attention to what she's doing earlier before he joined her. Sa pagkakaalam niya ay ngayon nga ang read-through ng script nina Harrison kasama ang ibang casts sa pelikulang pagbibidahan nito. He was active in both films and television series, and he was also a model of the famous brands in and out of the country.

Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila habang nagguguhit siya at nagbabasa naman ito. Ngunit hindi maiwasang magambala ang katahimikan nila nang may makakilala kay Harrison at lumapit sa direksiyon nila upang makakuha ng autograph at magpapicture. Ginawa pa siyang tagakuha ng litrato.

Pinigilan niya ang pag-ikot ng mga mata habang nakatingin sa screen ng cellphone ng tagahanga ni Harrison. Nakaangkla ang babae sa braso nito at nakadikit ang katawan. Ninakawan pa nito ng halik ang pisngi ni Harrison na ngingiti ngiti lang.

Dahil sa trabaho ni Harrison na kilala at kasama na niya mula pagkabata dahil magkaibigan ang kanilang pamilya ay sanay na siya sa ganoong tagpo. May mga fans talaga na lumalagpas sa linya at ini-invade ang private space ng mga iniidolo. Harrison was a public figure and after years of training, alam na nito kung paano pakikitunguhan ang mga ganoong sitwasyon. May mga pagkakataong kahit ayaw nito ang mga ginagawa ng mga tagasuporta ay wala siyang magawa kung 'di ngumiti at tanggapin lahat.

Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon