"OH, you like him."
"No!" mabilis at mariin niyang sagot na sinabayan pa nang pag-iling. "I told you that he kissed me and after then I am having these dreams where he was kissing me. I didn't said I like him," dagdag niya na bahagyang hininaan ang boses.
"Are you sure?" Lian asked and frowned as if she was contemplating what she said.
"Of course! It's Harrison we are talking about here, my mortal enemy since I was a young kid." Bahagya siyang nandilat upang ipagdiinan ang sinabi.
"But we know you're not really enemies. He's your friend. You've known him since he was a young boy, it is not impossible that you develop a feeling for him."
Umiling na naman siya at nagsalubong ang mga kilay nang hindi magustuhan ang eksplenasyon ng kaibigan. Hindi niya tuloy malaman kung pagsisisihan ang pagsasabi rito ng problema niya.
Kanina ay buong umaga siyang nasa loob ng kanyang studio. Dahil patuloy na binabagabag ng mga panaginip ay muli niyang tinawagan si Lian. Nalaman niyang patungo ito sa paaralan kung saan nag-aaral ang anak ng elementarya. Nang pumayag itong makipagkita sa kanya ay isinuhestiyon na lang na roon sila sa paaralan na tungo nito magtagpo.
Kaya naroon sila ngayon sa school premises at nakaupo sa isang bench sa ilalim ng isang mayabong na puno habang naghihintay nang labasan ng mga estudiyante.
Mula nang magkita silang muli ni Lian ay madalas silang magkita at mag-usap sa telepono. Nanariwa ang dati nilang pagkakaibigan sa kabila nang ilang taon nilang hindi pagkikita at pag-uusap. It was good to be friends with Lian again.
"Okay." Napatingin siya sa kaibigan habang nanatiling nakakunot ang noo. "Sabihin na nating hindi mo nga siya gusto nang higit pa sa kaibigan, you must be... sexually frustrated?" Lian stated and grimaced afterwards.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa sinabi nito. Ni hindi niya sinabi kay Lian na lumampas pa sa halik ang ginawa nila ni Harrison sa kanyang panaginip dahil nakahiyaan na niyang sabihin dito. Paano ito nakabuo nang ganoong ideya?
Sexually frustrated siya? At kay Harrison pa? Hell no!
"Tell me, when was the last time you kissed someone aside from Harrison when he stole a kiss from you? When was your last intimate relationship with someone?"
Wala siyang maisagot dahil wala naman talaga, she never had a relationship with anyone after Lian which only lasted for a week. "I never had someone," she admitted and yanked her gaze away from her friend.
"I think you're just curious, you never kissed a man before Harrison. Bago sa pakiramdam kaya nacu-curious ka kung ganoon nga ba ang epekto ng halik. In your subconscious, you wanted to do it again to confirm if the sensation you felt when his lips touched yours were real or were you just confused about the feeling because it happened so suddenly. Trust me, the first kiss hits different."
Imbes na malinawan ay lalo siyang naguluhan sa sinabi nito dahil hindi niya iyon mahanapan ng kasagutan, hindi niya makompirma kung iyon nga ba ang kanyang nararamdaman. Curious nga lang ba siya sa halik ng isang lalaki? If she'll do it with another man, will those dreams disappear? Marahil ay ganoon na lang ang epekto niyon sa kanya dahil wala siyang mapagkomparahan.
"I don't even find men attractive."
"No, you do. You just didn't found the man that will be caught your interest yet. Or maybe you did not let yourself feel the attraction towards the opposite sex kasi pumapasok pa rin sa isip mo na babae ang gusto mo. We both know that's not true, Tara. You admire women because we are strong and beautiful and warm-hearted. It was not a romantic feeling."
BINABASA MO ANG
Paint Me, Violet (Sanford Series #6) [Completed]
RomanceTara Violet Sanford is not your ordinary woman. She loves baggy clothes than fancy dresses, rubber shoes than heels, and paints than makeup. Harrison Green is a prominent actor and model in the country. His smile could melt any woman's knees. He is...