Chapter 25

2 1 0
                                    

Zyreen's POV

Seryoso kong nirereview ang mga papers mula sa club at mga iilang papers galing sa publishing company namin dito sa study table ko. Saturday ngayon kaya walang pasok. Tinabi ko narin ang mga kakailanganin kong ireview na mga topics sa may gilid ng table para ready na siya pag kakailanganin ko.

Makaraan ang ilang minuto ay biglang may kumatok sa pintuan.

"Twin! Bumaba ka muna, may naghahanap sayo sa baba" sigaw ni Henry.

"Tell that person to go away! I'm busy!" sigaw ko pabalik, sure naman akong ang isa lang yan dalawang bruha. Aakyat rin yan dito kahit anong pagtataboy ko.

"Come on Zy, babain mo na. He's been waiting for you here since early morning" napatigil ako sa pagsusulat ng marinig ko ang sinabi niya, did he just say he?

"Sino ba kasi yan?" tanong ko pabalik habang nakakunot noo, sino doon sa tatlo? I'm confused.

"Si Lester! Kaya bumaba kana diyan, just welcome him here and go up again. Isipin mo nalang na as a sign of respect ang gagawin mo" nagsalubong ang kilay ko, and what is he doing here? Binaba ko ang pen na hawak ko saka tumayo, inayos ko ang pagkakabun ng buhok ko saka binuksan ang pinto. Nakita ko naman si Henry doon na nakatayo.

"What is he doing here?" tanong ko.

"Ang sabi niya gusto ka raw niya makausap, just give it to him Zy, kawawa naman. Kaninang umaga pa yun nandito kakaantay sayo"

"Kung kaninang umaga pa siya sa baba, bakit ngayon mo lang ako kinatok?"

"Well ang sabi niya baka tulog ka pa raw kaya he's giving you the whole morning to sleep. Sige na twin, kausapin mo na" napabuntong hininga ako saka tumango, ngumiti naman siya saka ako lumabas ng kwarto. Sinarado ko naman ang pinto at sumunod sakanya pababa.

"Nasa garden siya, puntahan mo nalang, ayain mong mag lunch pagkatapos niyong mag usap okay?" tumango naman ako saka tinungo ang garden. Nakita ko naman siya doon na nakaupo sa bench na nakalagay sa ilalim ng puno. Nakapikit habang nakatingala ang ulo sa langit. Tahimik ko namang tinahak ang direksyon niya saka naupo sa gilid.

"What are you doing here?"

Third Person POV

"What are you doing here?" nabuksan naman ni Lester ang mga mata niya ng marinig niya ang pamilyar na boses. Nilingon niya ang direksyon na pinanggalingan ng boses and there he saw her.

She's wearing a big black shirt na may print na maliit na tatlong bears sa may gitna habang nakatuck in sa kanyang short. She's also wearing her round glasses habang nakabun ang kanyang buhok, so simple but so damn perfect.

"Gusto kitang makausap"

"About what?"

"About us" kumunot ang noo ni Zyreen.

"Meron bang tayo?" she asked

"Wala, pero gusto ko meron"

"Well ako hindi" humarap ng tuluyan si Lester kay Zyreen saka niya hinawakan ang dalawang kamay nito, nagulat naman si Zyreen sa ginawa ni Lester. He then looked at her with a serious look in his face.

"Then give me a chance, I'll let you evaluate me saka mo ibigay ang desisyon mo, wag naman ganito please"

"Anong wag ganito, I told you already to stay away from me, I don't want anything related from you"

"Please Zyreen, please. Just, just give me this one. Give me a month to prove myself, at kapag hindi ko talaga mababago ang desisyon mo within a month, then I'll stay away from you. Just give me this please"

Love Maze (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon