Chapter 9

13 4 0
                                    

Zyreen's POV

"Anong ginagawa mo dito? Salubong kilay kong tanong, mas lumapad naman ang ngiti niya. Nilagay niya sa armrest ko ang chocolate drink saka tinanggal ang wrap ng burger. May pinakita naman siya saaking straw saka yun sinaksak sa inumin. Nilapit niya naman ang kamay niyang may hawak na burger.

"Say ahh" ngumanga pa siya pagkatapos, tumaas naman ang kilay ko sa pinag aasta niya. Mukha siyang timang, honestly.

"Ayoko ko nga, atsaka ayoko kumain" sagot ko, kinuha ko ang chocolate drink sa armrest ko saka nilagay sa armrest niya.

"Walang ayoko saakin, you need to eat para di ka magutom. Mamayang 3 hours pa ang lunch, magugutom ka sa mga oras na yun" sabi niya.

"Diet ako"

"Diet? Sa paya- I mean sexy mong yan? Diet? Papatayin mo ba ang sarili mo?" Tanong niya

"Bat ba nangingialam ka?" Inis kong tanong.

"Bat naiinis ka? Maayos naman ang figure mo ah? Di mo na kailangan magpapayat pa lalo" nilapit niya ulit ang burger sa may bibig ko.

"Now, eat" may diin niyang utos.

"At sino ka para utusan ako?"

"Your suitor/future boyfriend mo, aangal ka?" He winked afterwards.

"Ha ha ha, nakakatawa ang joke mo seryoso" sarcastic kong saad.

"Pero di naman ako nag j-joke. I'm serious baby master" seryoso niyang saad, pweh! Baby master his butt!!

"Tigilan mo nga kakatawag saakin ng baby master. Nakakairita alam mo yun?" Inis kong tanong, tumawa lang siya.

"Well, how about I'll call you mine. Would you accept?" He winked, the hell?!

"No way" he smiled

"Then I'll call you baby master. Wag aangal, pag aangal ka tatawagin talag kitang mine" ang corny ang manyak nato bwiset. At feel na feel niya pa ah! Tsk.

"Tigil tigilan mo nga ako Lester manyak!" Nagulat naman siya sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumisi ng nakakaloko.

"Lester manyak? I see, may endearment karin pala saakin. Kikiligin naba ako niyan? Kasi kung oo kanina pako kinikilig dito" tumawa siya saka muling ng wink. May sakit ba siya sa mata? Bat kindat ng kindat?

"Tumahimik ka" inis kong saad, mas tumawa lang siya.

"Pero seryoso Master, kumain kana please? Bilin narin kasi ito ng kapatid mo. Sabi niya wag raw kitang pababayaan na hindi kumain" seryoso niyang saad, ano si Clark? Sinabihan siya?

"Kilala mo kapatid ko?"

"Oo naman, barkada kami" nakangiti niyang saamin.

"Edi confirmed" nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"Confirmed na ano?"

"Confirmed na playboy ka. Playboy rin yung ungas na yun eh, diba same feather flocks together?" Natameme naman siya sa sinabi ko.

"Just to inform you, di ko type lahi niyo. Ang lalandi niyo kasi" masakit ba? Wala akong pake. Sakto namang nag ring ang bell. Pumasok naman ang mga classmates ko, nagulat pa nga sila nung makita nilang kasama ko tong manyak nato.

"Umalis kana, magsisimula na yung klase" nilagay niya sa armrest ko ang burger at chocolate drink saka tahimik na naglakad paalis. Nakasalubong niya pa sina Lorry at Julie. Bago pa siya makalabas ng pinto ay huminto siya saka tumingin saakin. A big smile plastered on his lips.

"Wala akong pake kung yun ang tingin mo saakin ngayon baby master. Basta, papatunayan ko, hindi habang buhay playboy ako. And I'll prove it to you, I'll make you fall inlove with me. Deep, hard, yung tipong di kana makaka ahon dahil sa lalim. And trust me when I say I will never leave you when that day comes, dahil di lang kita sasaluhin. Sasabayan pa kita, tandaan mo yan!" Malakas ang pagakakasabi niya nun kaya rinig na rinig ng buong klase. Naghiyawan naman silang lahat.

Love Maze (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon