Chapter 22

8 1 0
                                    

Zyreen's POV

I massaged my forehead pagkatapos ng class meeting namin kanina. Great, hindi na ako magtataka kung bakit naging headline ang section namin for 1 month, these troublesome morons, tss. I wore my jacket the just to be extra careful dahil baka may bumanga nanaman saaking hudas. Nasa faculty office ako ngayon, waiting for our adviser. I tapped my fingers quietly habang inoobserbahan ang paligid. I'm always here every week kasi kailangan kong ireport kay Mrs. Gallezo ang mga articles na ginagawa ng club namin.

Nagtama naman ang paningin namin ni Mrs. Gallezo at sinenyasan akong lumapit, tumayo naman ako sa pagkakaupo saka tinungo ang direksyon ni Mrs. Gallezo.

"What a surprise Ms. Dela Vega, nakarecover kana?" Tumango ako.

"But I still need to go for a monthly check up to ensure na fully healed na yung kamay ko" she nooded.

"Oh yes before I forgot, I need you to arrange a meeting this Friday, I'll be there, we need to discuss something important" napa isip naman ako sa sinabi ni ma'am, important hmm?

"Sige po ma'am, anong oras po?"

"Ikaw na ang bahala basta mahabang oras ang kailangan natin, we need to discuss alot of things okay lang ba?" tumango naman ako.

"Okay, great then you can go, nandiyan na si Ms. Sanchez" nagbow naman ako saka nagpaalam.

Nung makalapit ako sa cubicle ni Ms. Sanches ay kinamusta lang niya ako saka ako binigyan ng dalawang binder na naglalaman ng mga lessons na nakaligtaan ko, may mga extrang lessons pa, napailing nalang ako. Hindi ko gets si ma'am, updated parin naman ako kahit hindi ako pumapasok dahil sa special excuse ko na kagagawan ni Henry. I just shrugged, bahala na nga, dagdag notes narin to. Nagpaalam ako kay ma'am saka nagtungo sa canteen. Pagkarating ko doon ay agad akong nag order. Habang nakapila ay hinahanap ko naman ang dalawang bruha. Pagkakita ko sakanila ay agad ko silang nilapitan at tahimik na naupo katabi si Julie. Nilapag ko sa table ang dalawang binder na hawak ko at ang tray.

"Oh Zy, nandiyan kana pala? Anong kailangan ni ma'am sayo?" tanong ni Lorry nung mapansin niya ako. Tinuro ko naman ang binder saka nagsimulang kumain. Kinuha niya naman ito saka sinimulang buklatin. Lumipat naman si Julie sa gilid niya para makitingin.

"Andaya ba't may extra lessons, akala ko ba yung namiss mo lang na topics ang ibinigay ng mga teachers sayo?" naka pout na tanong ni Julie, I shrugged my shoulders saka sumubo ulit ng pagkain.

"Bigyan mo kami ng copies ha Zy" tumango naman ako saka ininom ang tubig ko, I placed my cup saka sila tinignan.

"You done?"

"Not really, hindi pa ubos ang ice cream ko" saad ni Julie.

"Same here" Lorry.

"Hmm okay, una na ako. Babalik na akong classroom" tumayo ako saka niligpit ang pinagkainan ko.

"Teka ang aga pa Zy, anong gagawin mo doon?" Lorry.

"Study" simpleng saad ko saka naglakad papuntang dispenser, nilagay ko naman ang tray ko sa may washing area saka lumabas ng cafeteria. Unlike any other students na sa library nag aaral, sa classroom ako nag aaral. It's more quiet in there unlike sa library na tahimik nga, may nakikita naman akong iilang estudyanteng ginagawang dating place ang lugar. So annoying tsk.

Pagkarating ko sa classroom ay hindi ko inaasahan na nandoon ang mga ungas.

What the friggin hell are they doing in my classroom?!?!

Third Person POV

Nakaupo sa magkabilang panig ng classroom sila Lester at Windy. Masama ang tinginan ng dalawa, tinignan sila ni Zyreen saka ito nagsalita.

Love Maze (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon