Chapter 2

20 4 0
                                    

Choi Yeonjun as Lester Zurich Gutierrez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Choi Yeonjun as Lester Zurich Gutierrez

Zyreen's POV

Pagkamulat ko ng mata ay agad akong napansin na iba. It's like someone is hugging me?

Dahan dahang bumaba ang tingin ko sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko at na gising ang diwa. Agad akong napatalikod. Sa sobrang pagkagulat ko ay nasipa ko ang kung sino yung nasa tabi ko. Dahil narin nakapulupot pa saakin ang kumot ay nahila ako at nahulog sa itaas ng isang lalake.

"KYAAAAAHHHHHHH VAFFANCULLO!! FANCULO!!!!" Nahampas ko ng paulit ulit ang dibdib niya habang tumili. Agad akong tumayo at lumayo sakanya at nagporma ng fighting stance. Kahit papaano ay natuto naman ako ng basic self defence at kaunting taekwondo techniques kaya madedepensahan ko rin ang sarili ko.

"Sino ka! Anong ginagawa mo sa kwarto ko!!" hindi siya nagsalita at dumadaing parin habang sapo sapo ang dibdib niya tapos lilipat sa likod nito. Gumulong gulong rin ito pagilid tapos yung ulo niya nanaman ang napagdiskitahan niya. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya?

"Sagutin moko!" Dagdag ko.

"C-can you lower your voice a bit. My head is breaking" mahinang sambit nito. Huminahon ang expresyon ng mukha ko pero di ko parin binababa ang depensa ko. Napabuntong hininga ako ng nakahiga parin siya sa sahig.

"Hangover? I see, I guess I should interrogate you later. Wag mong isiping tumakas, I can track you down mister. I know your face" banta ko. Napansin ko ang mga damit niya sa sahig. Pinulot ko yun sa ka hinagis sakanya. Kinapa ko naman ang sarili ko. May damit pa naman, buti nalang talaga hindi niya ako ginalaw dahil kung hindi. Ewan ko nalang kung anong magagawa ko sa lalaking ito. 

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kahit papaano naawa rin ako ng konte sa lalakeng yun. He reminds me of my brother when he got drunk. Napakamot ako ng ulo, ano ba yan! Mapapaluto tuloy ako ng wala sa oras. Napatigil ako sa paghahanda ng utensils mg may maalala ako.

Wala pa pala akong groceries! Napabuga ako ng hangin. I guess kailangan ko pang umorder. Bumalik ako ng kwarto. Narinig ko naman ang gripo sa loob ng banyo. Di ko na siya chineck at agad kong kinuha ang phone ko sa bedside table saka lumabas. I dialled a delivery service number saka nag order.

Bumaba ako saglit at bumili ng gamot at agad na bumalik sa condo. Sakto namang nakasalubong ko yung delivery guy kaya agad kong kinuha ang inorder ko saka nagbayad at bumalik sa condo.

Lester's POV

That darn crazy woman! Ang sakit ng dibdib putek. Napatingin ako dun, namula naman ang dibdib ko habang bumakas ang paa niya. Ang lakas ring sumipa ng babaeng yun, kabayo ba siya?

Dahan dahan akong naupo sa kama habang inaalala ang nangyari kagabi. Anong nangyari? Bakit ako nandito? Sino yung babaeng yun? Sumakit naman lalo ang ulo ko. Darn hangover!

Love Maze (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon