Chapter Five-Traitor

20 1 0
                                    

Chapter 5

Traitor

*****

It took me 30 minutes bago ako makarating sa school. Naisipan kong maglakad lang dahil nasa mood ako ngayong araw. Hindi na muna ako nagpahatid kay Manong Topher dahil medyo may trauma pa ako sa tuwing nakikita ko ang sasakyan namin lalo na sa tuwing nasa loob na ako nito. Hindi ko alam kung panaginip lang ang pangyayaring iyon pero para sa akin ay parang totoong-totoo na nadisgrasya nga ako.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namamalayang nasa hallway na pala ako ng school naglalakad. Nang pagtingin ko sa buong paligid ay kaagad nakaagaw sa buong atensyon ko ang mga estudyante na nagkukumpulan sa ground, animo'y may kung anong kaganapan roon dahilan upang magkumpulan sila.

Dahil curious ako sa kung ano ang nangyayari ay inihakbang ko ang dalawa kong mga paa patungo sa kinaroroonan nila para maki-osyoso. Wala, Marites things lang.

"OMG! Ano ba kasi ang ginawa ng mga iyan? Hindi nag-iisip."

"Kaya nga. Ayaw ko talagang magkamali rito sa school na 'to at ma-involved sa mga kalokohan at kung ano mang gulo dahil tiyak na mapaparusahan ka talaga ng nararapat sa'yo ni Mr. President."

Tumaas ng bahagya ang isang kilay ko nang marinig ang pangalan ng lalaking may kulay gray na buhok.

"Oy, girl! May alam ka ba kung ano ang nangyari kahapon?" Tanong ng isang beke na bagong dating katulad ko na nakikiusyoso rin.

"I don't know rin beshy pero ang narinig kong sabi nila eh' matindi raw ang kakaharapin na punishment ng mga iyan dahil muntikan nang mapahamak ang buhay ng isang student na pinagtripan nila kahapon." Sagot ng isang estudyante rito.

Dahil sa narinig ko eh' mas lalo akong nakipagsiksikan sa kumpulan. Gusto kong makita kung sino ang tinutukoy nila na mapaparusahan daw ng malala ni Mr. Gray hair ang buhok---I mean ni Mr. President. Mukha yatang sa second day ko rito sa paaralang ito ay ang pagiging dakilang tsismosa ang i-u-unlocked achievement ko.

"Anong oras ba kasi nangyari ang incident na iyon, bakit 'di natin knows?" naguguluhang saad ng isang estudyante habang ako naman ay pasimpleng nakikinig sa mga usapan ng nasa paligid ko. Certified dakilang tsismosa na talaga ako nito!

"As far as I know, kahapon daw iyon nangyari noong uwian, then iyong napag-tripan nila ay isang newbie rito sa school natin." Pagk-kwento ng isang babae na nakasalamin.

"You mean isang transferee?" sabay-sabay nilang tanong rito. Tumango naman ito bilang tugon. Napa-isip tuloy ako dahil sa aking narinig. May iba pa palang nangyari rito sa campus bukod sa nangyari sa akin kahapon? Marami ba talaga ang may tupak sa ulo na mga estudyante rito at free time nila ang mang-bully at mang-trip ng mga transferee?

Isinawalang bahala ko na lamang muna ang pakiki-isyoso ko at pakikichismis sa pinag-uusapan nila dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang may pakana ng nangyari sa akin kahapon. Uunahin ko munang alamin ang case ko bago ako maki-isyoso sa iba. Malaman ko lang talaga kung sino ang mga 'yon!

Umalis na ako sa kumpulan at kaagad na dumiretso patungo sa classroom. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ay kaagad nang bumungad sa paningin ko ang anim na mga lalaking nagtatawanan sa isa't isa. Dahil sa narinig kong halakhakan ay bumalik tuloy sa aking ala-ala ang mga nangyari kahapon bago ako mawalan ng malay. Naalala ko kung paano ako pagtawanan ng kung sino man ang mga walanghiyang iyon.

I'm In-love With You, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon