Chapter Seven-The Punishment

15 1 0
                                    

Chapter Seven

The Punishment

It's always one step forward and three steps back
Do you love me, want me, hate me? Boy, I don't understand
No, I don't understand
-One Step Forward, Three Steps Back by Olivia Rodrigo

Maganda ang sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Presko rin ang marahang pag-ihip ng malamig na hangin. Busina ng mga kotse ang maririnig na ingay mula sa aking dinaraanan na highway habang 'di magkamayaw sa pakikipag-usap ang ibat-ibang mga estudyante na papasok sa loob ng eskwelahan.

It's now my third day sa school kaya hoping ako na magiging maayos na ang lahat. Ilang beses kong pinaalala sa sarili na dapat ay umiwas na sa gulo at maging isang desenteng estudyante na, iyong tipong pag-aaral ang inaatupag at hindi ang paghahanap ng away.

Nilakasan ko ang volume ng pinapakinggan kong kanta since papasok na ako sa loob. Pagkapasok ko sa gate ay kaagad na bumungad si Kuyang Guard sa akin. Pansin kong may sinabi siya pero 'di ko narinig dahil nakasalampak ang dalawang earphones sa aking magkabilang tenga.

Naka-earphones ako since ayo'ko makarinig ng mga nega sa paligid, baka masira lang kaagad ang araw ko. Sa palagay ko ay 'Good morning' ang sinabi ni Kuyang Guard since madalas niya itong sinasabi sa mga estudyante bilang pagbati. Pero 'di ako sure.

"Good morning po, Kuya!" masayang bati ko rito. Nginitian ko siya pero awkward ang emosyon ng kaniyang mukha. Pansin ko ang bahagyang pagkamot niya sa kaniyang ulo na sinundan ng pag-iling pero isinawalang bahala ko na lamang ang kakaibang pagkilos niya na animo'y may mali sa akin na gusto niyang ipabatid.

Habang naglalakad sa hallway ay agaw-pansin ang karamihan sa mga estudyante na naka P.E. uniform sa ground na mukhang meron silang task o activity na gagawin. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinasabayan ang beat ng kanta.

Good mood ako ngayon kaya sana, walang negative energy na lumapit!

Nabalot ang aking buong sarili ng pagtataka dahil sa tuwing may nakakasalubong ako eh' pasemple silang tumatawa. Nagbubulongan pa nga ang mga ito. Dahil ayaw ko na nga ng gulo at ayaw ko na silang patulan pa ay pinabayaan ko na lamang sila.

Kung ako ang happy pill nila edi' sige, go!

Nang makaabot na ako sa classroom ay kaagad kong naagaw ang atensyon nilang lahat, animo'y isang artista ang biglang dumating dahil lahat ng ulo ay nakatingin na sa akin.

"Oh-my-gosh!"

Dinig kong malakas na saad ni Masha na napatakip pa sa kaniyang bibig. O.A lang ang peg! Dinig ko ang boses niya dahil natanggal ang earphone na nasa kaliwang tenga ko.

"Just look how dumb she is!"

Komento ng alipores ng babae, iyong short hair. Nagtawanan sila habang mapangutyang nakatitig sa direksyon ko. Imbes na patulan ay tinaasan ko na lamang sila ng kilay. Sinabi ko na lamang sa sarili na kunwari, wala akong narinig. Kunwari.

"Not just stupid, she's also now a deaf?"

Nagtawanan ulit sila na halatang pinaparinggan ako. Talagang naman itong mga aso na 'to, kay aga-aga tahol nang tahol!

Ano ba'ng problema ng mga aswang na 'to sa akin? Gosh. Umagang-umaga eh' insecure na kaagad sa beauty ko.

"Stop it, Masha!"

Dinig kong pagsaway ng isang kaklase namin sa bruha pati na sa mga kasamahan nito.

"Why? Look how loyal that irrelevant transferee to our beloved school. Kahit sa P.E. day, school uniform pa rin ang suot!" tugon ni Masha rito tsaka nagtawanan ang iilang mga kaklase namin.

I'm In-love With You, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon