Chapter 22 : Running Out of Time

88.4K 2.9K 1.3K
                                    

RAIN'S POV

"Anong nginingiti mo diyan?! " sigaw ko sa ulol na katabi ko.

loko tong lalaking to , humiga pa talaga sa hospital bed ko.

*POK*

ayun binato ko ng mansanas.

"Rainiee naman oh brutal mo! " chuck

"Eh ako dapat diyan eh , ako tong may sakit ! " sigaw ko din pabalik.

tumayo agad siya at inayos ang nakusot na bed sheet at ngumiti na parang bata.

"Sige napo magpahinga ka na po " Chuck

lumapit siya sa akin at agad akong pinahiga doon. Umupo naman siya sa paanan ko at hinimas-himas ang buhok ko.

"Kailan mo pa nalaman? " tanong ko sa kanya.

akala ko kasi na ako lang at ang pamilya ko ang nakakaalam sa kalagayan ko , nagulat nga ako nang makita siya dito kanina tapos dinala pa niya sina Lexi.

"The day after we broke up..." mahinang bigkas niya at ngumiti ng pilit. "I wanted to see you so bad that day kayat sinundan kita nang magtungo ka dito para sa check-up mo. Nurse din dito yung tita ko kayat madali ko lang nalaman ang tungkol sa kalagayan mo......I...I just want to be here for you , hindi ako nagpapakita dahil alam kong ayaw mong may makaalam." Chuck

agad akong napaupo at humarap sa kanya.

hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. 

"Rain...Totoong nakipagpustahan ako sa mga kabarkada ko pero noon yun. Pero kung hindi dahil sa pustahang yun hindi kita makikilala ng lubusan. I wanted to tell you about the bet but I couldnt...I know you would hate me...Pero i love you , i always have , I always will " Chuck

ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya kayat agad ko siyang niyakap. Hindi naman talaga ako galit sa kanya dahil naniniwala naman ako. Peste lang talaga tong cancer nato.

Minsan natatanong ko din to sa diyos , Bakit ako yung nagkaroon ng Cancer?. Oo hindi ako perpekto pero hindi ko naman siguro deserve to. Maraming mga masasamang loob diyan , yung mga nagnanakaw at pumapatay pero bakit hindi sila nagkaroon ng sakit? Bakit ako pa at yung ibang mga taong hangad lang sa buhay ay maging masaya?

Alam kong masama itong mga sinasabi ko pero ito yung parating naitatanong ko sa diyos. Isa akong katoliko , Hindi ako parating nagsisimba , Mahilig akong magmura , Minsan masama ng ugali ko , pero hindi ko naman to deserve diba? masakit magkaroon ng Cancer dahil walang kasiguraduhan ang chansa kong mabuhay. Alam kong kahit na anong oras pwede kong iwan ang mga  taong mahal ko. 

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon