Author's Note : What you are about to read is the 2012 unedited version of this story. This was written wayyy informally and has too much flaws, perhaps I can refer to this as a work on my jeje era. Sa book two ko pa nabago ang writing style ko (yet still dami paring flaws) kayat naway pagtyagaan niyo ang pagiging jeje nito. I'll edit the writing style as soon as I finish my other stories :)))
Well this is it... Hope you enjoy! :)
- - - - - - - -
MARCUS’ POV
Naglalakad ako sa pasilyo ng eskwelahan.
Madilim ang paligid at tanging ang Flashlight na dala-dala ko lang ang gumagabay sa akin. Mula sa pagpasok ko ay wala akong nakitang kahit na sino.
Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko pero kahit ganun, kailangan kong tuparin ang kasunduan namin. Kailangan kong tapusin ang lahat ng paghihirap ko ngayon dahil hindi ko na kaya pang mabuhay sa impyernong to.
Nasa harapan na ako ng pintuan patungo sa auditorium. Nasa kamay ko ang isang lubid at laptop.Bago pumasok ay nagdasal muna ako , alam kong malaking kasalanan ang gagawin ko pero ito nalang ang alam kong paraan para hindi na ako mahirapan pa.
Huminga ako ng malalim, pagkaraay agad na binuksan ang pintuan…
taliwas sa inaasahan ang naabutan ko. Walang katao-tao doon. Umakyat ako sa stage dahil baka nagtatago sila o di pa lang dumarating.
Habang ikinakabit ko ang lubid ay bigla akong nakaramdam na para bang may nagmamasid sa akin. Malakas ang kutob kong hindi ako nag-iisa dito. "Hindi ko alam kung sino ka pero ma-swerte ka dahil makikita mo ang pagtatapos ng paghihirap ko!" sumigaw ako kahit na hindi ako sigurado kung may ibang tao nga ba.
Nakahanda na ang lahat. Oo wala pa sila pero kailangan ko parin namang gawin to.
Dahan-dahan akong umakyat sa upuan para ikabit sa lubid ang ulo ko. "For all the days I have endured, today's the day that I adjourn"
Biglang nagbalik sa akin lahat ng pinagdadaanan ko. Lahat ng insulto, lahat ng pambubugbog at lahat ng pagpapahiya. Di ko mapigilang mapaiyak.
Biglang tumunog ang cellphone ko kayat sandali ko itong kinuha. Bumungad sa akin ang wallpaper kung saan magkasama kami ng nanay ko. Naaalala ko ang lahat ng pagtitiis niya sa kamay ng mapag-abuso kong tatay.
Hindi ko kayang iwan ang nanay ko kayat dahan-dahan kong hinawakan ang lubid at akmang tatanggalin ngunit nagulat ako nang biglang may sumipa sa upuang kinatatayuan ko.
“Shit! T-tu-tulong!! “ sigaw ako ng sigaw dahil halos hindi na ako makahinga. Nakabigti parin ako doon, pilit kong hinahawakan ang tali sa leeg ko pero sadyang napakasikip na nito.
BINABASA MO ANG
Our Deadly Pact
Mystery / ThrillerBook 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of errors and triggering themes ahead, such as violence, suicide, and vices.) xx One by one each perso...