A/N: oyy ha! Kahit short update , madami ang mangyayari dito. hahahaha :D
ENJOY READING ♥
THEO'S POV
Kahit na labag sa kalooban ko ay ginawa ko parin kung ano ang tama.
Kinalagan ko ang tali ni Harvey.
Nagtutulungan kaming dalawa ngayon upang mabuksan ang pintuan.
kailangan na naming makaalis dito para makahingi ng tulong sa mga pulis.
Kinakabahan ako para sa iba ko pang mga kasamang pumunta dito.
Hindi ko sila ganun ka close pero ayaw ko silang mapahamak lalong lalo nat nadamay lang sila sa paghihiganti ni Jacob.
Pilit naming kinakalampag ni Harvey ang pintuan nang bigla itong bumukas.
Agad bumungad sa harapan namin sina Hunter at Jacob.
Nakunot ang noo ni Jacob nang makita kami. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya nang makitang hindi ko pinatay si Harvey.
Gusto kong sugurin siya pero may kung anong pumipigil sa akin....... Siguro dahil alam kong kapatid siya ng taong pinakamamahal ko.
Biglang pinulot ni Harvey ang kutsilyong nasa sahig at itinaas ito.
"Wag kayong lalapit!" Banta ni Harvey habang paatras ng paatras palayo kay Jacob at Hunter.
Napasinghal si Hunter
"Ang galing mo din harvey no... Alam mong malaki ang kasalanan mo sa amin pero ikaw pa tong nagtatapang-tapangan...." Hunter
biglang nagsalita si Jacob ngunit halatang-halata parin ang galit sa mukha.
"WALANG HIYA KA THEO! ISA SI HARVEY SA MGA PUMATAY KAY CASSIDY PERO MAS PINILI MO SIYANG BUHAYIN! AKALA KO BA MAHAL MO ANG KAPATID KO?! " Jacob
otomatikong tumulo ang luha ko.
Wala akong pakialam kung tama o mali ang ginagawa ko pero si Cassidy ang iniisip ko.
"Sa tingin mo ba Jacob magugustuhan ni Cassidy ang Pinaggagawa ninyo?! Cassidy might be gone but i never forgot her....Sigurado akong magagalit sa akin si Cassidy kapag gagawin ko ang sinasabi ninyo!...." Saglit akong napatingala at napangiti nang maalala ko siya " Napakabait na tao ni Cassidy at ginagawa niyo lang ang pinakaayaw niya sa lahat.....Hindi siya matutuwa na naging kagaya kayo ng mga taong pumatay sa kanya!" sigaw ko.

BINABASA MO ANG
Our Deadly Pact
Mystery / ThrillerBook 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of errors and triggering themes ahead, such as violence, suicide, and vices.) xx One by one each perso...