Chapter 13

9 0 0
                                    

"Wow rhiane! Ganyan ba pag broken hearted gumaganda?" O____O sabe ni Andrew..

"Gusto mo batukan Kita?" Natatawa tawa kong sabe kay Andrew...

"Ako na gagawa para sayo..*paaaaaak*"

"Aray naman martin!"

"Salamat martin hahaha. Sabe na kaibigan kita ee wahahaha."

"Pero ang ganda mo talaga rhiane.."

"Wow nagsasalita kana Rafael?"

Tas nagtawanan kaming lahat.

"Bago pa matunaw si rhiane ito nga pala si Mitzi best friend ni Rhiane.." Sabe ni Paul..

"Hellooooo." Sabe nung tatlo..

"Onga pala dun sa dulo ng 2nd floor yung kwarto nyo.. Tapos Rafael ok na ba yung set up sa likod?"

"Oo, pinaayos ko na kena manang .."

"Sige ayusin muna namin gamit namin tas didirecho na kami sa likod.."

Paakyat na kami ng tanungin ko si Paul..

"Anong meron sa likod?"

"Swimming pool, videoke at mag gigrill tayo. "

"Swimming?! Di ako prepared! Di ko nadala yung swim suit ko!!"

"Don't worry rhiane, nagdala ko para satin.. :))"

Tas tumakbo na kami para mag bihis.. Pag dating sa room.

"Grabe ang yaman nya.." Sabe ni Mitzi.

"At napaka bait pa! Hmm. Ikaw anong tingin mo sakanya?"

Napaisip ako.. Ano nga ba?

"Alam mo sa sandaling panahon na magkakilala kami nakapalagayan ko sya ng loob.. Feeling ko din napaka tagal na naming magkakilala.."

Tumingin ako sakanya..

"At isa pa even he saw me in my worst he still there.. Nakita nya kong umiyak kay xian pero hindi sya lumayo.. Parang every time nga na may problema ako dun sya nag papakita.."

"Kasi nga mabait sya.." Sabe ni Mitzi..

"Naalala ko yung sinabe ni nanay sakin bago maging kami ni xian sabe nya... Kung nanliligaw pa lang sya at nasasaktan kana agad dahil sakanya, itigil mo na.. Kaya sya nanliligaw para pasayahin ka Hindi para saktan ka.. Siguro ganun din sa relasyon no? Kaya nga tayo pumapasok sa isang relationship para maging masaya.. Kung nasasaktan kana at Hindi kana masaya siguro ayon na yung time na iwan mo sya.."

"The best talaga yang si tita! Hugot ahh! Hahahaha. Pero tama talaga yun.." Tumabe sya sakin "naalala ko din sabe nya.. Na dapat sa umpisa mas mahal tayo ng mga lalake kaysa sa pagmamahal natin sakanila.. Saka dapat wag tayong maattach sakanila, wag tayong masanay na lagi silang nandyan kasi mas masakit pag nawala sila..."

"Salamat Mitzi .." I hug her.. Buti at nandyan sila.. Nakakalimutan ko ang nangyare.. :))

Tok*tok *tok

"Baba na kayo tara na!"

"Tara na rhiane bago pa tayo mag kaiyakan. Hahaha"

So dahil ready nga ang best friend ko dinalan nya ko ng swim suit and syempre merong parang long sleeve na see through na medyo mahaba naman..

Pag baba namin tumigil ang Mundo nila.. Pero syempre joke lang yun. Hahahaha. Nag sisimula na silang mag barbeque at mag videoke.. Nakitulong dun si Mitzi pero ako gusto ko munang kumanta..

"Cause when I'm with him I am thinking of you...

Thinking of youuuuuu.

What should I do if you are the one who was spending the night.."

Natapos ang kanta at

"Tentenenen ten ten....... 100!"

"Wooooooooh!" Lahat sila nag papalkpakan at nag sisigawan pano ba naman feel na feel ko yung kanta ko! Wahahaha.

Napaka sarap kasi talagang kumanta pag my problema.. Nalalabas mo lahat ng problema with out knowing ng ibang tao.. Basta ikaw kumakanta ka lang.. :))

After kong kumanto nag ihaw na din ako..

"Mitzi! Yung kanta mo na!" Sigaw ni andrew.

"Wait anjan na!"

Napaka ganda talaga ng boses ni Mitzi, para syang anghel pag kumakanta..

"Yow wazzup."

"Ikaw pala Rafael.." I smile..

"Need some help?"

"Sige ayos lang. "

"Nasaktan ka no?"

Tuloy lang sya sa pag iihaw..

"Oo sobra, ang masakit pa dun He was everything to me but now.. I was nothing to him.."

"Sa umpisa lang yan mahirap.. Mind over matter isipin mo makaka move on ka din.. Wag mong iasa sa kapalaran kung kaylan ka makakamove on kasi in the end ikaw parin mag sasabi kung gusto mo ba talagang mag move on .."

Gusto ko nga ba mag move on?

"Oo fresh pa yung Pain.. But it will heal. You just need to wait for the right time.. Wag mong mamadaliin pag ginawa mo yun masasaktan ka nanaman.."

Tumingin ako sakanya..

"Ano?!"

"Nag sasalita ka pala akala ko Hindi ee."

"Grabe ka naman! -______-"

"Pero alam mo.. Di ko alam kung magagawa ko agad ee .. Sa lahat ng bagay naaalala ko sya, sa sobrang dami naming memories.."

"Pano ka makakamove on kung lagi mong babalikan ang nakaraan.. Kaya nga Move on ee, it is not meant to be traveled back ward.."

Speechless.

Someday, someone's gonna love me the way I wanted you need me.. Someday someone's gonna take your place..
One day I'll forget about you, you'll see I don't even miss you..
Someday.. Someday..

Mahal ko o mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon