CHAPTER THREE

10 2 0
                                    

Buti nalang maaga ako nagising at nakapaghanda na agad ako. Mamayang alas sais ang shift ko sa trabaho kaya may isang oras pa ako para makapag breakfast.

Simpleng umagahan lang ang kakainin ko. Hindi naman kasi ako mapili sa pagkain kaya egg and friedrice lang ang niluto ko.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na agad ako sa banyo. Naligo ako at nagsipilyo bago lumabas ng banyo. Well, sino ba naman ang gustong lumabas ng mabaho ang hininga diba?

Pumasok ako sa aking kwarto at nagbihis. Napagdesisyunan ko ng gumamit ng hairdryer para mabilis na matuyo ang aking buhok. Facepowder at liptint lang ang inilagay ko sa aking muka.

Nang matapos na ako sa pag-aayus ay kinuha kona ang aking shoulder bag kung saan nakalagay ang uniporme na gagamitin ko sa aking trabaho.

Naglakad ako papunta sa Rina Coffee Shop kung saan ako magtatrabaho. Medyo mabilis akong nakarating dahil hindi gaano karamihan ang tao ngayong araw.

Pumasok na ako at dumiretso sa likudang bahagi ng coffee shop upang magpalit ng aking uniporme. Lumabas ako at pumunta sa loob ng counter.

"Good Morning Nikka, goodluck sa first day mo" masiglang bati sa akin ni Lorna. "Good Morning, salamat. Sana maging mabuti ang unang araw ko. Medyo kinakabahan kasi ako"pagbati ko rin sa kanya.

"Okay lang yan, masasanay ka rin. Wag kang kakabahan" payo nya na sinagot ko ng matamis na ngiti.

May pumasok na isang matandang lalaki at lumapit sa counter.

"Good Morning sir, Can I get your order?" Bati ko sa matandang lalaki. "Gusto kong umorder ng dalawang dark coffee yun lang"

"Okay sir, that would be 150 pesos"

Binigay ko sa kanya ang kanyang order at umalis na agad sya. Mga ilang minuto lang marami na ang pumasok sa coffee shop.

Pinupunasan ko ang counter ng biglang lumapit ang aming manager.

"Girls Rico texted me a while ago. He said na Hindi sya makakapasok sa work because he is sick. Maybe Lorna you can do Rico's shift just for tonight" paliwanag ng aming manager

"Sorry ma'am pero nakapangako na ako sa magulang ko na uuwi ako ngayong gabi. Pasensya napo"sagot ni Lorna

" Ma'am ako nalang po ang magpifill ng schedule nya. Wala po akong kailangan gawin ngayong gabi" pagpresinta ko

"Are you sure Nikka? Hindi ba makakaistorbo sayo?" Nag aalalang tanong sakin ng manager "Hindi naman po" sagot ko sa kanya.

Alas sais ng gabi umalis si Lorna. At ako naman ay nag aayos at naglilinis dito sa coffee shop. Marami kasi ang customer na dumating kanina kaya medyo makalat at magulo. Dahil wala pa namang customer na dumadating ay napagdesisyunan kong maglinis muna.

Nasa counter na ako nag aayos ng biglang tumunog ang maliit na bell na nakasabit sa taas ng glass door hudyat na may pumasok sa loob ng coffee shop.

Paglingon ko dalawang lalaki ang papalapit sa akin. May suot na black glasses ang matangkad na lalaki at neutral lamang ang kanyang muka. Samantalang ang kasama nya ay nakangiti sa akin.

"Good Evening sir, Can I get your order?" Bati ko sa kanila. "Hi, one cappuccino and one coffee latte please." Nakangiting sambit ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 35 plus na ang edad. "Okay sir, please wait"

Mabilis kong ginawa ang kanilang  order at binigay na ito sa kanila ng matapos ko ito.

"Thankyou miss"

Umupo na sila malapit sa counter at ininum ang kanilang coffee. Bumalik ako sa aking ginagawa at pinunasang muli ang counter.

Lumapit ang matangkad na lalaki at inabutan ako ng isang libo.

"That would be One Hundred Seventy Pesos only sir" nakangiti na sinabi ko sa kanya

"Keep the change"

Parang may biglang kuryente na dumampi sakin ng marinig ko ang boses nya.

Alas dose na ng gabi ng makauwi ako sa aking apartment. Kumain ako at nagsipilyo narin. Pagkatapos ko magbihis ay umupo ako sa gilid ng aking kama.

Chineck ko ang aking Facebook account at nag scroll sandali ng makita kong walang message.

Ilang sandali lang ay naalala kong muli ang husky na boses ng lalaki.

Yung sobrang pera ay ibinigay ko sa aking manager ngunit hindi nya tinanggap dahil para sa akin raw yun. Maganda raw kasi ang aking serbisyo kaya binigyan ako ng malaking tip.

Nang dalawin  ako ng antok ay agad akong nakatulog.

Falling In YouWhere stories live. Discover now