CHAPTER FIVE

13 2 0
                                    

Nikka Sandoval

Sobrang daming costumer ang dumating kaninang umaga, Mabuti nalang at dumating yung isang lalaking bartender at tinulungan ako. May klase ngayong araw si Lorna isa pala syang working student at college na. Kapos sa pera kaya napilitan syang magtrabaho upang matustusan ang pangangailangan sa kanyang school at ng magulang.

Naghalf day sya ngayong araw dahil hapon daw ang kanyang schedule.

Nandito ako ngayon sa likod ng coffee shop kung saan ang aming sariling maliit na room. Dito kami kumakain kapag breaktime at dito rin kami nagbibihis. May maliit na banyo rin.

Gumawa si Rico ng sandwich at binigyan ako ng maiinum. Pinagpahinga nya ako dahil balita nya raw ay ako ang nagfill ng schedule nya pasasalamat nya raw iyon sa akin.

At marami rin kasing costumer ang dumating at napansin nya na pagod na ako. Totoong napagod ako dahil hindi ko alam kung sino ang aking uunahin.

"Okay kana ba?"

Hindi ako nakapag almusal kaya gutom na gutom ako. Hindi ko rin napansin na pumasok pala si Rico.

"Ay oo, maraming salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating kanina" pagpapasalamat ko sa kanya

"Wala yun, Lunes kasi ngayon at alam kong marami ang darating lalo na at malapit ang school dito" nakangiting tugon nya

Ngumiti rin ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang maubos kona ang aking sandwich ay nag ayus ako ng aking muka tinitignan kung maayos paba.

"Sayang masipag ka pa naman at bago lang" bigla nyang sabi sa akin

"Ha, Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam ang kanyang ibig sabihin sa mga yun.

"Hindi ba nasabi sayo ni Lorna?" Napakunot ang kanyang noo.

"Walang sinasabi sa akin si Lorna na kahit ano" sagot ko

"Ah I see. Ako nalang ang magsasabi sayo. Bukas isasara na ang coffee shop na ito"

"Ano? Bakit malakas naman ang coffee shop at maraming tao ang pumupunta" gulat Kong tugon

"Hindi ko rin alam kung bakit pero ang sabi ni Manager ay pupunta raw sya sa Bulacan kung nasaan ang anak nya. Gusto na raw nyang magpahinga sa pagpapatakbo ng coffee shop" paliwanag nya

"Hays mukang kailangan kong maghanap ulit ng trabaho" bulong ko sa sarili.

-------------------------------------------------------------------------

Naghahanda na ako sa pag uwi. Nagpaalam narin ako sa aming manager at kay Rico. Umalis na ako pagkabigay ng sweldo ko at nagpasalamat.

Madilim na sa daan at ang tanging liwanag lamang ay galing sa mga street lights.

Dahan dahan lamang akong naglakad pauwi. Malamig ang hanging dumadampi sa aking balat. Niyakap ko ang aking sarili upang mabawasan ang lamig.

Iniisip ko kung anong trabaho ang papasukin ko bukas. Hindi madali ang makahanap ng trabaho lalo na sa panahon ngayon.

Namimiss kona si tatay, ang mga salita nya na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Si tatay na nagchicheer up sa akin kapag pumapalpak ako sa isang bagay.

Lagi mong tatandaan na palagi akong nandito para sayo. Lagi akong nakasuporta sa lahat ng mga gagawin mo. Wag kang basta-basta susuko. Mahal na mahal kita anak.

Mga salitang nagbibigay sa akin ng motibasyon sa araw araw na hamon ng buhay.

Nasa tapat ako ng aking apartment, papasok na sana ako ng mapansing may liwang na nanggagaling sa loob.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagulat sa aking nakita.

Falling In YouWhere stories live. Discover now