Nikka Sandoval
Nandito ako ngayon sa sala kasama si mama at ang dalawang anak ni ate. Nilalaro ni mama ang bunsong anak na si Tricia habang si Sam ang panganay na anak ni ate ay abala sa pagbuo ng kanyang Lego.
Kinamusta ko si mama ng makita ko sya rito pagbaba ko at ang sabi nya ay maayos na ang kanyang pakiramdam. Buti nalang at nawiwili sya sa mga bata, nakakalimutan nya ang sakit ng pagkawala ni tatay.
Si kuya Rafael ay nasa kanyang office room dito sa kanilang bahay. Si ate naman ay naghahanda dahil darating ang kaibigan ni kuya Rafael.
Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Hindi ako mapalagay kapag walang ginagawa kaya naisipan ko na tumulong na lamang sa paghahanda nila ate.
"Oh bakit nandito ka? May kailangan kaba or may gustong kainin. Sana nagsabi kana lang sa maid para hindi kana pumunta dito" tanong ni ate sa akin ng makita nya ako "Nabobored kasi ako walang magawa kaya naisipan kong tumulong nalang sa inyo at tyka hindi ako lumpo kaya kong kumuha ng pagkain kung gusto ko" sagot ko at inirapan sya.
Tumawa si ate at binigyan ako ng gagawin. Inatasan nya ako para gayatin ang mga sibuyas, bawang, patatas at iba pa. Matapos kong gayatin lahat ng yun ay naghugas ako ng kamay.
"Te wala na ba?" Tanong ko sa kanya dahil gusto ko pang tumulong sa pagluluto. "Tapos kana agad? Ang bilis mo naman. Marunong kaba gumawa ng salad para sa dessert yun"
"Marunong ako nasaan na yung mga sangkap ng salad?"
"Aling Mila pakilabas naman po yung mga ingredients para sa salad" utos ni ate sa medyo may kaedarang babae. Pumunta ito sa kabilang side ng kitchen at binuksan ang cabinet kinuha nya doon ang mga kakailangan at inilagay sa mesa.
Kumuha ako ng malaking lalagyan at nagsimula na sa paggawa ng salad.
Nang matapos ko na ay inilagay ko ito sa loob ng refrigerator upang lumamig.
"Tapos na, wala kana bang ipapagawa ate?" Tanong ko sa kanya "Naku wala na kaya na namin to. Patapos narin naman ako dito maghanda kana lang at ilang oras nalang ay darating na sila dito" nakangiting sabi ni ate.
Sa tingin ko ay medyo malaki ang aking naitulong dahil napabilis ang paghahanda.
Lumabas na ako sa kitchen at nakita si mama na pababa ng hagdan. "Ma san po kayo galing mukang napagod po kayo" nag aalalang tanong ko sa kanya at nilapitan si mama.
"Naku wala ito. Galing lang ako sa kwarto ni Tricia pinatulog ko muna" lumakad sya papuntang sala at umupo malapit kay Sam. Binuksan nya ang television at naglipat lipat ng channel.
Umakyat ako at nagtungo sa aking kwarto. Naghanda ako ng aking susuutin para mamaya at dumeretso sa loob ng banyo. Mabuti at may sariling banyo ang bawat kwarto sa bahay nila ate Sandra.
Hindi kona kailangan pang lumabas ng kwarto upang maligo.
Hinawakan ko ang bukasan ng shower at pinihit ito. Maligamgam ang nilalabas nitong tubig at nakakarelax ng katawan ang bawat patak na tumatama sa aking balat.
Kinuha ko ang sabon at ipinahid sa aking katawan. Dahan dahan kong sinasabon ang katawan ko sinisigurado na malinis. Ibinalik ko ang sabon at kinuha ang shampoo. Pinisi ko ito upang lumabas ang laman at inilagay sa aking buhok.
Kinukuskus ko ang aking buhok upang bumula ito. Lumapit akong muli sa tapat ng shower upang mabanlawan at malinis ang aking katawan tinitiyak na walang sabon o bula na maiiwan.
Kinuha ko ang towel at tinapis sa aking katawan. Kinuha korin ang medyo maliit na towel para sa aking buhok.
Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa maliit na upuan katapat ng salamin. Kinuha ko ang dryer at isinaksak ito. Dinryer ko ang aking buhok upang mabilis na matuyo.
YOU ARE READING
Falling In You
Random"One day you're going to remember me and how much I loved you, then you're gonna hate yourself for letting me go" -Nikka Sandoval "Every single time I had looked in your eyes. I fall in love a little more than once with you." -Tyler Hernandez