Nikka Sandoval
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Mabilis akong tumakbo at niyakap ng mahigpit ang aking kapatid na si Sandra Sandoval-Montreal.
Matagal na kaming hindi nagkikita at hindi rin sya nakapunta sa libing ng aming tatay.
"Hoy wag kanga umiyak jan, hindi kaba masaya na makita ako?" Sermon sa akin ni ate. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako at agad ko itong pinunasan.
"Syempre masaya ako, ngayon lang tayo ulit nagkita. Namiss lang kita kaya ako naiyak" mabilis kong saad
"Sus umayos kanga ang tanda tanda mo na umiiyak kapa" natatawang saad nya
"Tumigil ka nga ate, ikaw rin naman umiiyak"
"Napuwing lang ako no" mabilis nyang pinunasan ang luha sa kanyang mata
"Wag ka nga sinungaling" suway ko sa kanya
"Oo na umiiyak na, nadala lang ako sayo kaya naiyak ako. Arte Arte mo kasi jan"
Inirapan ko sya at dumeretso sa kusina upang maghanda ng makakain. Sumunod si ate sa akin at umupo sya sa upuan katapat ng maliit na mesa.
"Sabi ni Gina nung tinawagan ko sya nasisante ka raw sa trabaho. Anong nangyare akala ko ba masaya ka sa trabaho mo?"
"Hay naku ang daldal talaga nyan ni Gina. Walang sikreto na maitago sa kanya sinasabi kung kani kanino" natatawa kong saad kay ate
"Sagutin mo ang tanong ko"
"Oo na. Hindi ko rin alam biglaan akong sinisante pero after 1week nakahanap na agad ako ng trabaho sa isang coffee shop at malas nga lang dahil magsasara na."
"Kawawa ka naman" natatawang asar sa akin ni ate. Tinignan ko sya ng masama at bumalik na sa aking ginagawa.
"Hoy wag mo ng ituloy yan, aalis na tayo. Kanina pa akong alas tres ng hapon dito" pagkasabi ay agad tumayo si ate at nagtungo sa sala.
"Anong sabi mo? Saan tayo pupunta? At bakit hindi mo ako tinawagan o tinext man lang para nakauwi ako ng maaga" sunod sunod na tanong ko
"Birthday ni Sam yung panganay ko. Kaya sinusundo kita at doon ka muna sa bahay"
"Ngayon naba or hindi pa?"
"Next week yung birthday nya"
"Next week pa pala hahanap muna ako trabaho"
"Tumigil ka nga mas makakatipid ka kung sasama kana sa akin ngayon. Mag impake kana at aalis na tayo ayoko mastrand sa traffic"
Mabilis akong nagtoothbrush at nag ayos. Kinuha ko ang aking maliit na maleta at inilagay doon ang aking mga damit.
-------------------------------------------------------------------------
Tama nga si ate, sobrang traffic. Kaya mahigit isang oras na kaming nasa kalagitnaan ng EDSA.
Nakaupo ako sa back seat habang si ate ay nagmamaneho. Maraming sasakyan at iba't ibang kulay ang nakikita ko sa labas ng kotse.
"Si mama? Kamusta na sya?" tanong ko Kay ate. Nabanggit rin kasi nya na nasa bahay rin si mama kaya Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumama.
"Maayos na sya ngayon. Masayahin na ulit hindi tulad nung sinundo namin sya ni Rafael" tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Grabe syang nalungkot sa pagkamatay ni tatay. Buti naisipan nyo na kunin sya baka kasi kung anong gawin nya"
"Oo nga nakatulala lang si mama sa labas at malayo ang tingin na parang may hinihintay ng madatnan namin sya. Nagpasya si Rafael na sa bahay nalang si mama para mabantayan namin ng maayos"
"Buti sumama sa inyo. Isinasama ko sya para dun muna sya sa akin pero tumanggi sya sa akin"
Maghahating gabi na ng makarating kami sa Montreal Residence. Tulog na ang mga bata at si mama nung dumating kami tanging si kuya Rafael nalang ang gising dahil hinihintay raw kaming makarating.
Nakahanda na ang aming kakainin na luto ng asawa ni ate dahil nung malapit na kami ay tinext sya ni ate Sandra.
Masarap ang luto ni kuya Rafael kaya halos hindi na kami makatayo sa sobrang kabusugan. Tinatawanan naman ni kuya si ate dahil parang buntis itong muli na medyo lumaki ang tiyan.
"Nikka kumatok kalang sa kwarto namin ng ate mo kung may kailangan ka, wag kang mahihiya" masayang alok ni kuya
Tumango lamang ako at ngumiti sa kanila.
Pumasok na sila sa kanilang kwarto habang ako ay naglakad patungong guest room.
YOU ARE READING
Falling In You
Random"One day you're going to remember me and how much I loved you, then you're gonna hate yourself for letting me go" -Nikka Sandoval "Every single time I had looked in your eyes. I fall in love a little more than once with you." -Tyler Hernandez