Nikka Sandoval
Kinakabahan ako ng sobra as in what the heck?! Wala akong kaalam alam kung ano ang sinasabi ng lalaki nato at kung bakit nya ako tinuturo. Pinoprocess pa ng utak ko kung ano ang mga nangyayari at kung ano ang sinasabi nya and then
"H-ha ano, hala b-bakit ako? H-hindi ako yan"
Kandautal utal kong sabi dahil sa sobrang kaba. But this guy in front of me has a gut to smiled sheepishly.
"Simple lang ang gusto ko. Gusto ko magtrabaho ka sa akin. Every morning I want you to make a creamy taste cappuccino for me, that's it" paliwanag nya
"B-but why me?"
"Because I love how you make those cappuccino for me" he said still smiling
He looks like sincere when he said those words. So I agreed and he said maari na akong magsimula bukas. Pumunta lang daw ako sa condo nya tuwing umaga at ipagtimpla sya ng cappuccino araw araw.
Pagkatapos ng usapan namin ay bigla kong naalala na hindi lang kaming dalawa ang naroon kaya paglingon ko ay humingi agad ako ng paumanhin sa kanilang lahat.
Nagpatuloy ang usapan nila about businesses. Habang ako ay masaya dahil hindi ko na kailangan pang magpakahirap sa paghahanap ng trabaho dahil mismong ang trabaho na ang lumalapit sa akin.
Nang matapos na kaming lahat magdessert ay nagpasya ng umalis sila Mr.Hernandez. Nagpaalam na sila at ganun din kami.
Umakyat na sila mama, kuya Rafael at ang dalawa nilang anak. Habang kami ni ate ay tumutulong sa paglilinis ng mga pinagkainan. Naisipan kona maghugas upang bukas ay hindi marami ang huhugasan ng mga katulong ni ate Sandra.
Ilang oras lang ay natapos narin kami at napagpasyahan ng umakyat. Nasa kalagitnaan palang kami ng hagdan ng bigla akong hawakan ni ate sa braso kaya napatigil ako.
"Ano yun ate?" nakangiti kong tanong
"Congrats nakahanap kana ng bagong trabaho. Hindi ko iniexpect na ganun ang mangyayari pero masaya ako para sayo"
"Salamat ate, kahit ako rin ay Hindi inaasahan to. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina" natatawa kong saad
"Okay lang yan, basta lagi ka mag iingat"
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy na kami sa pag akyat sa hagdan. Pumasok si ate sa kanilang kwarto at nag goodnight sa akin. Dumeretso naman ako sa kahabaan ng hallway at nagtungong guest room.
Nagpalit na ako ng aking damit. Pajama at t-shirt ang aking sinuot at ginawa ang aking night routine. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at kinuha ang aking cellphone.
Pag-open ko ng aking Facebook account ay may tatlong messages. Binuksan ko ang una na nanggaling kay Gina.
[Hoy babae! Nasaan ka bakit wala ka sa apartment mo?] Gina
[Pasensya na hindi ako nakapagsabi sayo. Nandito ako sa bahay ni ate] NikkaSunod kong binuksan ang pangalawa na galing kay Lorna.
[Hi ate Niks, sorry hindi ko nasabi sayo na magsasara na ang coffee shop. Have a good day] Lorna
[Okay lang yun, salamat] Nikka
YOU ARE READING
Falling In You
Random"One day you're going to remember me and how much I loved you, then you're gonna hate yourself for letting me go" -Nikka Sandoval "Every single time I had looked in your eyes. I fall in love a little more than once with you." -Tyler Hernandez