Chat Box 4

30 10 50
                                    

🔱Dark Conspiracy ☯️

12:30 PM

Athena: what now? I'm curious, bakit nag-deact si Rou.

Atria: ano ba ang last wish niya? Hindi man lang tayo nakapag-paalam.

Dame: stop talking about him, let's just forget about him.

Athena: forget about him? Dame, naging kaibigan na rin natin siya. Naiisip ko lang din kung ano ba ang kapalit ng lahat ng 'to.

Magna: the moment we joined the GC, we knew we're responsible of ourselves from then on. Nasa contract na once maubos ang pitong kahilingan natin, maniningil na sila sa'tin. And the thing is, we don't know what's the payment.

Saga: paano niyo ba nalaman ang tungkol dito?

Dame: through private message, Lincoln messaged me personally.

Atria: Nakita ko lang sa isang post sa isang private group na sinalihan ko.

Athena: Magna.

Magna: Lincoln messaged me privately. I was just bored and I thought this is all for fun, a roleplaying group chat. So I joined.

Magna: pero parang himala kasi lahat ng i-wish ko, sinusunod nila. Naka-tatlo na ako.

Dam: 4 wishes to go, kinakabahan ka na ba, Magna?

Magna: not a coward, I'm actually thinking of using all the remaining wishes and find out what happened to Rou.

Athena: And that's Magna for you, matapang 'yan hahahaha. Takot lang sa gagamba.

Magna: can you just shut up? Athena.

Dame: gagamba lang pala kahinaan hahaha

Atria: mahilig sa mystery/ thriller novel si Magna kaya pursue niya ang mysterious disappearance ng account ni Rou.

Dame: chill ka lang, Magna. Curiosity kills.

Magna: curiosity kills the cat, but satisfaction brings it back. In the end, I get to solve Rou's case.

Athena: tunog detective na siya hahaha

Veda: 3 wishes left.

Saga: bilis mo naman, saan mo ginamit iyong 4?

Veda: Nakita mo 'yong pera ko kanina? Humingi ako ng black card, gage akala ko joke lang ni Lincoln na pwede. Binigay talaga.

Athena: whoah! Ang angas, yaman ng admins natin.

Saga: @Veda seryuso?  Baka pwede rin sa'kin 'yan, kailangan ko ng pera para ipadala kina mama sa probensiya.

Admin Lincoln: gusto mo ba gamitin 2nd wish mo, Saga? Pwedeng-pwede.

Atria: grab mo na Saga, in fact, kaming lahat ay nasubukan na 'yan. Kung 'di mo pa alam, mayaman na kaming lahat dito.

Saga: seryuso?

Veda: Duda ka pa ba? Eh ako nga itong nagsasabi sa'yo. Mapapag-aral ko na sarili ko ng hindi nagtitiis sa sermun ni tsang. Alam mo naman 'yon, palagi sinasabi na palamunin ako.

Dame: sama naman ng tsang mo. Pero totoo naman kasi.

Veda: excuse me, Dame? Iyong anak niya ang palamunin, buhay prinsesa sa bahay. Akala mo naman maganda.

Dark Conspiracy (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon