Suzy's POVSo usual , maaga pa din ako pumasok. Quarter to 6 na nang umaga at ako pa lang ang nandito sa room.
Dahil ako pa lang ang nandito ay napagpasiyahan ko na magreview nalang ng mga notes ko just in case may pa surprise quiz ang mga teacher namin.
"Hey!" Sabi ni Marga na kakadating lang
Hinila niya ang upuan niya at umupo sa tabi ko.
"So ano na?" Tanong niya
"Anong 'ano na?' " Pabalik kong tanong
"Kayo ni Chad , anong label niyo? Ay wait may label ba?" Tanong niya
"Paano niyo nalaman?" Tanong ko
"Sinabi sa amin ni Chad , kaya ka hindi sumasama sa amin dahil iniiwasan mo daw siya" Sagot ni Marga
"H-Hindi totoo yun!" Pagsisinungaling ko
"Ilang taon na tayong magkaibigan Suzy , wala akong mind reading na ability pero basang-basa kita" Sabi niya
"So kwentuhan mo ko" Dagdag niya
"At bakit?" Tanong ko
"Kasi kaibigan mo ako?" Patanong niyang sagot
"Kwento mo na , bilis! Wag ka nang mahiya" Sabi niya
"Few days ago , bumisita si Chad sa bahay tapos ayon uhmm kumain kami at nanood ng horror movie at sa kalagitnaan ay n-nag c-confess siya sa akin" Sabi ko
"At anong sinagot mo?" Tanong niya
"HA HA HA ?" Sagot ko , tinawanan ko lang kasi siya nung nagconfess siya e huhu
"Anong HA HA HA ?" Tanong niya
"Onomatopoeia ng laughter ?" Patanong kong sagot (Hindi sure kumbaga)
"So tinawanan mo siya?" Tanong niya at yumuko ako bilang sagot
"Gaga ka Suzy" Sabi niya nang medyo natatawa pero halatang pinipigilan niya
"Nag-usap na ba kayo?" Tanong ni Marga
"Yup"
"At anong sabi?"
"Friends pa rin kami"
"Friends lang?"
"Oo , bakit?"
"Hindi mo ba siya gusto?"
"To be honest , Marga. Hindi ko alam"
"Hmm , okay lang yan Suzy. Awkward nga din naman kasi pero if---if magiging kayo. Wala naman kaming problema don" Sabi niya at nginitian ko nalang siya
Unti-unti na silang nagsisidatingan at mamaya-maya pa ay nag-umpisa na ang klase.
Discuss...
Discuss...
Discuss...
YOU ARE READING
COUNTYARD SPECIAL ABILITY SCHOOL (ABILITY SERIES #2)
FantasyThe world is evolving, so as people. Are we ready in that process? ABILITY SERIES #2