Suzy's POVHindi ko namalayan ang oras at gabi na pala. Madami kasi kaming pinagdelieveran e kaya naabotan kami nang gabi
Tumigil na ang truck at pagbaba ay bumungad sa amin ang kuta nila Jude.
"Hindi niyo kami ihahatid sa school?" Tanong ko
"No , your Daddy is here" Sagot ni Jude
"What?!" Hindi makapaniwalang sabi ko
Agad akong tumakbo papasok sa building at hinanap si Daddy.
"Oh , nandito na pala kayo" Sabi ni Jude Sr
"Kumusta?" Tanong ni Daddy
"Okay lang Daddy" Sagot ko at pabagsak na umupo sa tabi niya
"Hindi ba kayo natunugan?" Tanong ni Mister Andres
"Hindi naman" Sagot ni Jude Jr
Gaya ko , ay nagsiupo din sila. Mukhang napagod din yata.
"Are you guys hungry?" Tanong ni Jude Sr
"Yeah" Sagot ng anak nito
"Okay , nagpaluto na kami sa chef natin dito so maghintay muna tayo" Sabi ni Jude Sr
"Dad , where's the cr?" Bulong ko kay Daddy
"Nasa end lang nang hallway" Mahinang sagot ni Daddy
"You're not plotting anything , right?" Tanong ni Jude Sr
"Hindi naman , may tawag lang nang kalikasan si Suzy" Sagot ni Daddy
"Oh , sundan mo lang yang hallway na yan. Nasa dulo non ang cr" Sabat ni Mister Andres at itinuro ang direksyon
"Pwedi kitang samahan" Presinta ni Jude
"No need" Sabi ko at ngumiti na lang
Naglakad na ako papunta sa Cr. Inilibot ko ang aking paningin at isa lang itong mahabang hallway wala kang ni isang gamit na makita , kahit picture frame man lang. Ang paligid ay nababalutan nang puti.
Sa kalayuan ay nakikita ko na ang cr kaya dinalian ko ang paglalalakad.
Nang dumating ako Cr ay ginawa ko na ang dapat kong gawin at pagkatapos ay naghugas ng kamay.
Isinara ko na ang pinto at lumabas na sa Cr. Habang naglalakad ako ay may naririnig akong daing.
Napatingin ako sa hallway at walang tao na nagbabantay.
Inilapat ko ang mukha ko sa pader at nakinig baka kasi dito nanggaling ang ingay.
"Tao po? May tao ba dito?" Mahina kong tanong
"Mmmm-mmmm" Narinig kong daing , mukhang umiiyak pa ito at parang may tape ang bibig
"Wait ka lang ha , babalikan kita dito" Sabi ko
"Mmmmm" Narinig kong sagot
Agad akong bumalik kila Daddy para hindi sila maghinala sa akin. Mag-iisip din ako kung paano ko siya itatakas at maghahanap ng tamang tiyempo.
"Ano , nailabas ba lahat?" Patawa-tawang tanong ni Mister Andres
"Hmm" Awkward kong sagot
Umupo ako sa tabi ni Daddy at maya-maya pa ay inihain na ang pagkain.
Marami ang pagkain na inihain. May lechon , kare-kare , adobo , afritada Mayroon ding sweets gaya nang ice cream , salad at marami pang iba. Sa dami nang pagkain ay parang may fiesta na nagaganap dito.
Nagkuha ako ng lechon at siniguro ko talaga ang balat nito kasi nasasarapan kasi ako sa balat ng lechon e. Sunod kong kinuha ay ang rice , habang nags-scoop ng rice ay naghihintay siya sa akin.
"Gusto mo?" Tanong ko
"Ikaw muna" Sagot ni Kyle at tiningnan ako sa mata
Mukhang alam niya kung sino ang narinig ko sa may hallway.
Ibinigay ko na ang serving spoon ko sa kanya at nagnod. Ngumiti siya sa akin bilang pagsagot at tumango nalang din.
"Taray , fiesta yarn?" Joke ni James
"Siyempre , kailangan namin paghandaan kasi nandito ang aming pinakamamahal na bisita" Sabat naman ni Jude Sr
"Sana all mahal" Sabi ni James at tumawa naman sila nang bahagya
"May girlfriend ka ba , James?" Tanong ni Jude Sr
"Oo" Sagot ni James at agad siyang binatukan ni Drake
"Feeling ka?!" Sarcastic na sabi ni Drake
"Palibhasa kasi sayo , inggitero ka" Sabi naman ni James
Habang nagbabangayan si James at si Drake ay nagsimula nalang kaming kumain.
"Hey , aalis muna kami. May pupuntahan muna kami" Paalam nilang tatlo [The Jude]
"Kayong tatlo?" Tanong ni James
"Oo , pupuntahan lang namin ang isa pa naming kasama. Nagkakaabutan na kasi nang pera doon at medyo malaki-laki rin yon" Sagot ni Mister Andres
"Okay , mag-ingat kayo" Sabi naman ni Daddy
Umalis na silang tatlo at naiwan kami. May nagbabantay pa din naman na tauhan nila pero nasa malayo lang.
"Suzy" Tawag ni Kyle sa akin
"Oh?" Sagot ko
"Samahan mo ko" Sabi ni Kyle
"Saan?" Tanong ko
"Cr" Tipid niyang sagot
Biglang umihip ang hangin char , Biglang nagbago ang aura nila lalo na si Daddy na nagtataka at naguguluhan. Si Henry naman ay ibang iniisip kaya abot tenga ang ngiti.
"It's not what you think" Sabi ni Kyle
"Alam niya ang daan papunta sa Cr kaya magpapasama ako sa kanya" Dagdag ni Kyle
"Tara na , Suzy" Sabi ni Kyle at agad na sumunod sa kanya
"Ano ang narinig mo?" Tanong ni Kyle habang naglalakad kami sa hallway papunta sa Cr
"Isang groan pero hindi ko mabosesan" Sagot ko
"Diba ikaw , nakikita mo!" Sabi ko at medyo napataas ang boses
"Hmm-mmm" Nod niya
"So sino yon?" Tanong ko
"Si Quila..."
YOU ARE READING
COUNTYARD SPECIAL ABILITY SCHOOL (ABILITY SERIES #2)
FantasíaThe world is evolving, so as people. Are we ready in that process? ABILITY SERIES #2