Suzy's POV
Bago mag-sunrise ay tapos na akong magbihis at ready na ako pumasok.
Pagbukas ko nang pintuan ay nasa labas ng kwarto ko si Kuya para gisingin sana ako.
"Ang taray , aga mo nagising madam" Pabirong sabi ni Kuya pero hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya
"Papasok ka na?" Tanong ni Daddy na kakagising lang
"Yes at wag mo na akong ihatid , I can commute" Sabi ko kay Daddy at lumabas na
"Hoy Suzy hintay!" Sigaw ni Kuya pero hindi ko na siya pinansin at patuloy na naglakad
Naglakad ako papunta sa highway at dahil maaga pa wala pa masyadong sasakyan na dumadaan.
At dahil bored ako kakahintay ng sasakyan ay kinuha ko ang phone ko.
Babi sent you a message.
Siya ang nagset ng nickname niya ha , hindi ako.
Agad ko namang binasa ito
Babi
Babi
Hi Suzy! Good Morning!Suzy
MorningBabi
Nagising ba kita?Suzy
Di namanBabi
Mabuti naman kung ganoon , owwshii
Hindi ko nireplyan si Chad at pumara nalang ako ng sasakyan.
Habang nasa sasakyan ako ay napaisip naman ako. Ginagamit nga lang ba ako ni Chad para mapagtakpan ang plano niya? Minamanipulate niya nga lang ba ako? Kalaban ba siya? Or baka naman naakusahan lang siya?
Dahil busy ako kakaisip kay Chad , diko namalayan na dumating na pala ako dito sa school.
"Bayad po" Sabi ko at inabot ang bayad ko pagkatapos ay bumaba na
Dahil maaga pa wala pang mga estudyante dito.
"Aga natin ah" Sabi ng guard sa akin
"Ah oo hehe" Awkward ko sa akin
"Nasaan si Mister Principal?" Tanong ni Manong guard
Bago pa ako makasagot ay may tumawag sa akin.
"Suzy!" Tawag sa akin ni Hesed
Ngumiti muna ako sa guard bago naglakad papunta kay Hesed.
"Oh hey" Bati ko din
"Let's go" Sabi ni Hesed habang nakatingin kay Manong guard
Anong meron???
YOU ARE READING
COUNTYARD SPECIAL ABILITY SCHOOL (ABILITY SERIES #2)
FantasyThe world is evolving, so as people. Are we ready in that process? ABILITY SERIES #2