Kabanata 8

38 0 0
  • Dedicated kay Rizalyn Abrencillo
                                    

" Melissa! Gising na!"

sigaw ni Nicole habang yinuyugyog ang kaibigan.

Pero sa halip na bumangon ay lalo pa itong nagsumiksik sa kumot niya.

" Ano ka ba! Kung ayaw mong bumangon dyan iiwan ka namin ditong mag-isa"

IIWAN?

Napamulat ako bigal nang marinig ko ang sinabi ni Nicole, nasa camping nga pala kami.

Lutang na naman ang isip ko and its because of him! Madaling araw na kasi akong nakatulog kania dahil di ko maalis sa isip ko ang mga nangyari to the point na kahit sa panaginip ay nakikita ko din siya.

Kaya kahit na antok na antok pa ay pinilit kong bumangon, ayuko mag-isip sila nang kung ano.

Paglabas ko ay nabungaran ko si Jake na nakatingin sa deriksyon ko, bigla tuloy akong nailang at nag-alalang na baka hindi kaaya-aya ang etsura ko para sa kanya kahit na alam niyang bagong gising lang ako.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi, ano kaya ang nasa isip niya?? Ano bang dapat kung gawin, kakausapin ko ba siya o iiwasan???

Oh come on Melissa! Your being paranoid! Daig mo pa ang isang teenager...your a grown up woman already, you can do this!

sigaw nang isip niya

Pero di ko parin maiwasang kiligin kapag nakikita ko siyang ngumingiti sa akin.

Eeeehhh...ano ba namumula na naman ako.

Agad na nag iwas si Melissa at lumapit nalang kay Nicole na busy sa paglalagay nang pagkain sa basket.

" Ang dami naman ata niyan?"

" Madami na ba yan? Baka nga kulangin pa ito sa atin mamaya eh"

" Siguro nga, sa takaw mong kumain siguradong kulang talaga yan" biro niya sa kaibigan

" Aray ko friend hah..tingin mo sa akin PG? sa ganda kong to? atsaka tingnan mo naman ang body ko sexy na sexy..." wika nitong nagmodel pa sa harap ni Melissa.

" Bilib nga ako sa iyo eh, aminin muna na malakas kang kumain noh pero in fairness hindi nasisira ang figure mo, nakakaingit ka nga eh"

" well....ganyang talaga, hahaha!"

" Melissa, kape ka muna" wika ni Jake na di nila namalayan na nakalapit na pala sa kanila.

Inabot nito ang isang tasa ng kape sa dalaga, napatingin naman si Melissa sa kaibigan at nakitang nginitian siya nito bago muling binalingan ang binata at inabot ang kape.

" salamat" ang tanging nasabi niya.

" Maya-maya lang ay pupunta na tayo sa talon na sinasabi ni Edward, nauna lang siya don kaninang umaga para tingan ang lugar"

habang nagsasalita ay nakatingin lang si Jake kay Melissa na tila ba ito lang ang nag-iisang kasama niya.

" Ok"

nakakatuyo naman ng utak ang taong to, nauubosan tuloy ako nang sasabihin kapag kaharap siya pano pa kaya kung magkatuloyan kami??

di naman siguro...

Ilang sandali pa at dumating na nga si Edward kung kaya agad na nilang tinungo ang talon.

Pagdating na pagdating nila ay di na nagpapigil si Nicole at agad na lumusong sa tubig at nagtampisaw. Para itong batang ngayon lang nakalabas nang bahay sa subrang tuwa. Agad din namang sinamahan ni Edward ang dalaga kung kaya naiwan sa may batohan si Jake at Melissa.

" Kumain ka muna, siguradong gutom kana dahil hindi ka nag almusal bago tayo umalis"

inabot ang isang sandwich

my one and only (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon