Kabanata 1

73 2 0
                                    

Nandito na naman ako sa garden, pakiramdam ko pag-aari ko ang lugar na ito kahit na alam ko na school garden lang ito. kahit na maliit lang ito ay hindi ako nagsasawang magpunta dito dahil sa ganda ng mga bulaklak.

Sa aking paglalakad ay napansin ko ang isang tangkay ng puting rosas sa upuang bato na nasa kanang bahagi ko. Lumapit ako at di ko maiwasang amoyin ito ng biglang may magsalita sa aking likuran.

" nagustohan mo ba?"

agad akong napalingon...

KRIIIIINNNGGG!!!

Bigla akong napabalikwas sa higa ng marinig ko ang nakakabinging tunog ng alarm clock.

Napatingin ako sa paligid

Nasa loob ako ng sarili kong kwarto at hindi sa isang garden, it means...

" haiys, panaginip lang pala...sayang naman..."

Muli siyang bumalik sa pagkakahiga ng bigla siyang natigilan ng may maisip

ilang beses ko na ring napanaginipan iyon ah..at sa tuwing makikita ko na ang mukha niya ay bigla naman akong nagigising, minsan naman naman nakakaharap ko nga siya pero di ko naman maaninag ang mukha niya...kainis naman!

may ibig sabihin kaya ang panaginip ko??

Napatingin ako sa relo na nakapatong sa bedside table ko.

5:30 AM

Masyado pang maaga para bumangon.

Late na akong nakauwi kagabi dahil after ng graduation party ko ay gumimik pa kami ng mga classmates ko, malamang sa hindi after this day ay bihira nalang kami magkakasama ulit.

Sa wakas natapos din ang paghihirap ko, hindi ko na kailangan pang magsunog ng kilay.

^___^

Tulog ulit, baka sakaling masundan pa ang panaginip ko at makita ko na ang aking prince charming..

Gwapo kaya siya? Matangkad? Mabait at Maputi??

Eeeeh..kilikilig naman ako.

tulog...tulog...tulog....

TOK! TOK! TOK!

May kumakatok sa kwarto ko, pero tinatamad talaga akong bumangon...

TOK! TOK! TOK!

Argghhh! bakit ba ayaw niyo akong patulogin!! T_T

Walang nagawa ang dalaga kundi tingnan kung sino man ang nanggugulo sa pagtulog niya.

Laking gulat nalang niya ng makita kung sino ang nasa harapan niya.

" KUYA EDWARD?!!"

agad namang siyang napayakap dito

Kararating lang ni Edward galing ng states, every two years ay nagbabakasyon ito ng pinas, actually alam ni Melissa na uuwi ito, yon nga lang hindi nila alam kung anong araw.

Mas matanda si Edward ng 4 ng taon sa kanya. Mga bata palang sila ay subrang close na nila sa isa't isa kaya hindi maiwasan minsan na maselos sa kanya ang mga babaeng nagkakagusto sa kapatid.

At kahit na nagkawalay silang magkapatid mula nang mag-aral at nakapag trabaho ito abroad ay di pairn nawawala ang closeness nila.

Tuloyan ng nawala ang antok ni Melissa at ngayon nga ay buhay na buhay na.

" Na miss kita kuya"

"Na miss din kita Mel.."

" Bakit ngayon ka lang dumating? Sana man lang inagahan mo ang pag uwi, na miss mo tuloy ang graduation party ko"

ang sabi niya na may himig pagtatampo, at nag sad face pa

T__T

Biglang ginulo ni Edward ang buhok ni Melissa

" Kahit kailan talaga matampohin ka parin"

" Wag kanang malungkot may mga pasalubong naman ako sa iyo at may regalo din ako sa iyo para sa graduation mo"

Muling nagliwanag ang mukha ng dalaga

^___^

" Ano naman iyon kuya?"

" Malalaman mo rin kapag binuksan mo na ang mga pasalubong ko sa iyo"

" Talaga? asan na ba?"

Pa tingin tingin siya sa gilid at likod ng kapatid nagbabakasakaling makita.

" Ano ka ba...nasa baba pa" natatawang sabi nito.

^_^

excited lang!

Habang pababa ng hagdan ay nagsalita si Edward

" Siya nga pala Melissa, may kasama ako, katrabaho ko and i think kilala mo rin siya"

" Sino?" curious ako

" Sa pagkakatanda ko ay kababata mo siya nong high school..naaalala mo pa ba si Jake?"

O__O

" J-JAKE??"

biglang hinto

nabibingi naba ako o talagang 'Jake' ang binanggit niya....

" Oo, si Jake. Katrabaho ko siya ngayon as our Architect, small world right? "

Lutang pa rin ang isip niya kung kaya napatango nalang ang dalaga.

Paano kung tama ang nasa isip ko?

Pagnagkataon ay ngayon ko palang ulit siya makikita mula ng mag graduate siya ng high school. Kinakabahan ako ah...

Pagdating sa sala ay nabungaran nila ang ang kanilang mommy na masayang nakikipag kwentohan sa isang lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya ito agad makilala.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may sarili itong buhay at hindi ko mapigilan. Siya nga kaya yon, ang lalaking pinag ukolan ko ng matinding pag hanga??

" Jake! pare, kapatid ko nga pala si Melissa"

Dahan-dahang lumingon ang lalaki...

" Hi.....Melissa "

isang matamis na ngiti ang tumambad sa kanya.

O_O

O...M...G...

SIYA NGA !!!!

_____________________________________________________

A/N

pagpacnxahan niyo nah, yan lang kaya ng utak ko ngayon!

any comment and suggestion are accepted!!

tnx!

my one and only (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon