[ 06 ] "Do it All Alone"

85 7 11
                                    

-

-

-

•HEESEUNG'S POV•

-

-

Nang pumasok ako sa apartment ni Sunghoon bukas yon kaya sigurado akong nasa loob na sya..

Pero..

Nagulat ako nang wala akong Sunghoon na nadatnan dito sa loob..

Nakalimutan nanaman ba nya ilock yung pinto? hays mananakawan tong mokong na'to..

Pumasok na ako sa kwarto namin at nag bihis..

iisa lang ang kwarto rito sa apartment nya pero medjo malawak naman to para sa dalwang tao.. Sabi nya mas malaki daw yung sa kabilang apartment dahil dalwa daw kwarto don.. bat kasi di payon ang inupahan nya..

Palabas na ako ng kwarto nang may biglang malakas na kalabog akong narinig..

"Sa kabilang kwarto ba yon?" Tanong ko sa sarili ko..

Gagi.. anong meron don..

Minumulto ata tong building na to..

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko nang ilang segundo at nang wala nang sumunod na tunog naging kampante nako..

Dumiretso nako sa kusina para sana mag luto ng hapunan nang may nakita akong naka dikit na sticky note sa ref.. Lumapit ako roon saka binasa ang naka sulat..

"Dear Charo, charot.. HAHAHA hoy fung8t na Heepon, hindi ako makaka uwi nang maaga, may training ulit ako. You know, Ice Prince duties.. Mag luto ka nalang ng kahit ano kumuha ka nalang jan sa ref o di kaya mag pa libre ka kina Jake.. Nag mamahal, ang mamahalin ni Sunoo - Sunghoon pogi"

Ice prince ampotek..sanaol

Atleta si Sunghoon, isa syang figure skater at pag kakaalam ko malapit na ang finals nila kaya todo practice sya ngayon.. isang beses nanood ako ng training nya, puro sablay ang ikot ni gago, napagalitan tuloy ng coach nya.. kawawa si tanga paiyak na..

Tiningnan ko ang loob ng ref nya at natigilan ako nang makita ang laman.. Bakit puro gulay!?

Diet si panget, para siguro maka ikot nang ayos..

Ang kaso..

Anong kakainin ko dito? Puro dahon.. jusko nakukuha pa ba nya ang sapat na lakas, kulang sa protein ang loko hays..

Kailangan ko pa mamalengke neto..

Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko at isang bag saka lumabas na.. syempre hindi ko nilock, si tanga kasi. Nasa kanya ang susi e pano ako makaka pasok mamaya, sigurado akong alasyete pa naman balik nun..

Nang maka labas na ako ng building pumara na ako ng taxi papuntang palengke..

-

-

"Mukang uulan pa ata.."

Kaka-baba ko lang nang taxi at nasa harap na ng building.. nag bayad ako kay manong at kinuha na ang mga pina mili ko.. nang saktong pag pasok ko sa building biglang bumuhos ang malakas na ulan..

"Muntik nako abutan"

Umakyat na ako sa taas para maka pag luto narin.. malapit na mag ala sais ng gabi kaya dapat maka pag hapunan nako..

Nang maka rating na ako sa taas.. malakas na musika ang sumalubong sakin..

Sa kabilang kwarto..

SINTA | HeeseungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon