-
-
RENEE'S POV
-
-
'Gusto kita, Renee.'
Yun agad ang pumasok sa aking isipan sa pag mulat palang ng aking mga mata.
"aaaaaaaa nakaka inissss!" nag ta-tadyak kong sigaw habang naka higa parin sa kama ko, at dahil sa sigaw kong yon dali-daling pumasok si ate Xyrelle sa kwarto ko.
"Renee?? anong nangyari??" Nag aalala nyang tanong.
"Ate, dapat akong maging masaya, diba?"
"h-ha?"
"Pero bakit hindi ko matanggap yooonnnn aaaaaaayoookooo naaaa" pag mamaktol ko.
"Ano bang sinasabi mo jan??" Lito nyang tanong sa akin..
"Paano ko na sya haharapin ngayon? Natatakot ako."
"Si Ethan ba?" Tanong nya..
Dali-dali akong bumangon at hinawakan sya sa magkabilang balikat nya na ikina gulat nya.
"Ate Xyrelle, nahalikan ka na ba ni Kuya Cristoff??" Tanong ko na ikina gulat nya..
"W-wag mong sabihin- k-kayo ni Ethan??" Huminga nalang ako nang malalim.
"Renee? H-hinalikan ka nya-"
"Shhh ate wag kang maingay.." sabi ko nang takpan ko ang labi nya kaya naman natawa sya. kaya't tumayo nalang ako para lisanin ang kwarto ko.
"oyy~ dalaga na ang Senyora namin~" Biro nya.
"Ate Xyrelle??? Labing Siyam na taon nako at mag bi-bente ngayong taon!" Asar kong sabi ngunit tumawa lang sya sakin.
Hinayaan ko nalang sya at sinara ang pinto nang lumabas ako.
Hay, pag-ibig.
-
-
'Gusto kita, Renee..'
"Renee.."
"Renee, anak."
"P-po?" Natagpuan ko nalang ang sarili ko na tulala.
"Bakit hindi mo parin ginagalaw ang iyong umagahan? May iniisip ka ba, anak?" Tanong sakin ni mamá.
"W-wala naman po, pasensya na po.." Sagot ko kaya't akin nang dinampot ang kutsara at kumain.
Nag uumagahan na kami ngunit hindi parin mawala sa isipan ko ang mga salitan yon.
'Gusto kita, Renee..'
Paano nya nagawang sabihin sakin yon kagabi matapos nya kong halikan? Baliw ka, Ethan.
"Nga pala, anak. Samahan mo ako mamaya sa palengke ha? may nakalimutan akong bilhin kahapon.." Wika sa akin ni mamá at tumango nalang ako.
BINABASA MO ANG
SINTA | Heeseung
FanfictionFANTASY and ROMANCE [ past life and reincarnation ] "We'll meet again, I promise.." Two lovers died in their past life by unknown reason. They're soon to be reincarnated and bound each other to find out what was the reason why both of them died..