CHAPTER 8: YOU OR THE MEMORIES

36 1 1
                                    

KLEIN’S POV

Kriiiing! Kriiiiing! Kriiiing! Kriiiiiiiiiing!

(snooze)

After 5 minutes…

Kriiiing! Kriiiiing! Kriiiing! Kriiiiiiiiiing!

Again, after 5 minutes…

Kriiiing! Kriiiiing! Kriiiing! Kriiiiiiiiiing!

Panay snooze ko ng alarm ko. 5:30am na pala. Habang ako, eto, tulala sa kwarto… nagmu-muni muni.  Kanina pa ko gising pero hindi pa din bumabangon. Tinatamad akong pumasok! Haaaay… PERO HINDI PWEDE.

Agad akong bumangon mula sa kama, nag-inat inat at dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo para mag-toothbrush, pero hindi ko mapigilang hindi mag-isip kaya naman hindi ko napansin na tumutulo lang ang tubig mula sa gripo nang hindi ko nagagamit.

ANO KA BA NAMAN KLEIN. ANO BANG NANGYAYARI SA’YO?

EWAN.

HINDI KO ALAM.

BAKIT NGA BA?

x.x

Makalipas ang isang oras ay nakalabas na din ako ng banyo. Paglabas ko ay nakita kong tulog pa ang mga kasama ko, siguro puyat o walang pasok.  Pagtingin ko sa oras: 6:30am. OMG! MALA-LATE NA KO! 7am ang klase ko pero dahil Monday ngayon, malamang traffic! Hindi ko namalayan na napatagal pala ang pagligo ko kaya naman nagmadali akong nagbihis at lumabas ng condo.

---

Yes! 10 minutes bago mag-start ang klase. Buti hindi ako na-late dahil matulin magpatakbo ng jeep yung driver kanina. Pagpasok ko sa school, si Sam agad ang sumalubong sakin.  Kumakain ng hash brown at may hawak na isang plastic na may lamang dalawang hot coffee na galing sa Mcdo.

 

“Oh. Mag-coffee ka muna.”, sabay abot sakin ng kapeng hawak hawak niya. Kinuha ko yun at sabay kaming naglakad papunta sa College of Nursing building.

“Uy thank you. Sana hindi na ko antukin mamaya sa klase.”

 

“Bakit naman, puyat ka ba?”

 

“Hindi ba halata sa mata ko?

 

“Hindi naman. Paano mahahalata eh ang liit kaya ng mata mo? Hahaha!”

 

“Wow. Salamat ah.”

“Hahaha! Joke lang! Oh eh bakit ka naman napuyat?”, sabay higop niya ng kape na hawak niya.

Bitter Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon