CHAPTER 2: THROWBACK THURSDAY (Part 2)

40 3 2
                                    

“Hi Klein! Busy ka? Patulong naman sa homework. :)"

 

“Who’s this?”

 

“Crush mo :)"

 

“Wala akong panahong makipaglokohan sa’yo. Whoever you are, never text me again. I don’t know you.”

 

“Sungit mo talaga. Kelvin ‘to. Papatulong lang ako sa homework di ko kasi na-copy formula na nasa board kanina.”

 

“Bukas na. Pasok ka na lang maaga. 6:30am nasa school na ko. Night.”

 

Lagi kaming ganun. Naging close kami kasi sobra niya akong kinukulit. Nakakapikon siya minsan pero mabait naman. Kaya before mag-Christmas break niligawan niya ako at naging kami bago mag-summer vacation. Sobrang bilis ng pangyayari parang fast forward.

Naging masaya ang relationship namin. Sweet siyang bf at hindi siya nanchichicks nung 1st 5 months namin pero may ibang nali-link sa kanya ayon sa mga kaklase kong chismosa na may crush sa kanya. Siguro sinisiraan lang nila si Kelvin sa akin kaya hindi ko na lang pinapansin. Ako naman, dahil 1st boyfriend ko, kaya hindi ko pa alam ang gagawin nun. Sobrang selosa ko to the point na madalas kaming mag-away.

1st anniversary namin, March 7, 2010. Isusurprise ko si Kelvin nun kaya pinuntahan ko siya sa court na madalas nilang pagbasketball-an ng mga friends niya. Tinext niya kasi ako nun na may practice sila para sa liga sa Saturday. Excited ako kaya ang bilis kong nakarating dun.

Pagpasok ko ng court nabagsak ko yung graham cake na ginawa ko para kay Kelvin.

Nagulat ako sa nakita ko.

Si Kelvin may ka-halikan na babae na nakakandong sa kanya.

Nagulat ako. Yung babaeng kasama niya, yung muse ng school.

Si Cristine!

Hindi ko na hinayaang mag-explain siya. Tumakbo na ako palayo na tumutulo ang luha. Nagkabanggaan kami ni Tristan, best friend ko. Tinanong niya ako kung anong nangyari. Niyakap niya ako. Lalo akong umiyak. Sobrang sama ng loob ko.  Pero buti na lang at nandun si Tristan. Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya sakin.

“Wag mong sayangin ang luha mo sa walang kwentang tao. At wag na wag mong ibigay ang pagmamahal mo sa taong hindi naman yun binibigyang-halaga. Wag ka nang umiyak. Nandito lang ako, Klein.”

 

 

Bigla akong natauhan nung kinalabit ako ni Samantha.

“Uy, Klein! Grabe yung luha mo ah. Yung totoo? Dalang-dala sa play? Hahahahaha!”

 

“Hindi naman. May naalala lang kasi ako”, nasabi ko na lang habang nagpupunas ng luha.

“Ano naman yun? OA ka teh. Tara na, gutom na ako eh. Ipapakilala na lang naman yung mga characters. Di naman kailangan sa reflection paper yun.”

 

“Oo nga! Kain tayo sa Tokyo-Tokyo”, aya ko sabay hatak sa kamay ni Sam palabas ng auditorium.

 

 

ANG LAKAS MAKA-THROWBACK THURSDAY nung play. Ang dami na namang tanong na pumasok sa utak ko.

Bitter Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon