KLEIN’S POV
Nagulat ako sa nakita ko. Narinig pala niya ang lahat. Kanina pa kaya siya nandun?!
“Ka-kanina ka pa ba nandyan?”
“Pinuntahan kita dito. Nalaglag mo kasi yung id mo nung last time na nagkita tayo. Eto, binabalik ko na.”
“Ahh...okay... si-sige, thank you.”
“No problem. I gotta go.”
Napatulala ako sa nangyari. Ganun din si Sam. Hindi kami nakapagsalita.
“Teka, sandali! Robi! Sandali lang, wait!”
Hinabol ko si Robi. Ang bilis niya. Palabas na siya ng mall. Mabuti na lang at naabutan ko.
“Robi!”
“Oh, Klein. Bakit?”
“Ahhh...kasi…okay lang ba?”
“Ano yun?”
“Can we talk?”
“Uhh…okay… Sure!”
“Saan ba?”
“My place. Dun na lang muna tayo sa condo ko. Kasi may kailangan din akong kunin.”
“Okay.”
---
Tinext ko agad si Sam.
“Sam, sorry. Kailangan ko lang ayusin ‘to. Sorry talaga. :’(“
Agad siyang nagreply.
“No, it’s okay. Magrereview na lang ako ngayon sa library. Papasok ka pa ba kay Sir Tan?”
Papasok pa ba ko? Mukhang matatagalan ‘to.
“No. Pa-attendance na lang, please? Sorry talaga. Thanks besh, labyu.”
BINABASA MO ANG
Bitter Since Birth
Teen FictionPaano nga ba nagiging bitter ang isang tao? At bakit nagiging bitter ang isang tao? "BSB ako. BSB as in, “Bitter Since Birth”. Hindi ako naging bitter simula nung ako ay naging tao. Naging bitter ako simula nung natauhan ako. Hindi ko lubos maisip n...