CHAPTER 4: LATE NIGHT THOUGHTS

54 3 4
                                    

SAM’S POV

Almost 2 years na kaming magkaibigan ni Klein. Mabait siya at may pagkamisteryoso minsan. Hindi siya gaanong nagbibigay ng opinyon niya, maliban na lang kung ikaw ang mauunang mag-approach sa kanya. Palagi nga siyang inaasar na “Bitter” sa block namin dahil sa tuwing magbibigay siya ng opinyon, palaging parang may hugot.

Pero nagulat ako sa mga sinabi niya kanina kay Dwayne. Oo alam kong pinagtanggol niya lang ako, pero… EWAN. Parang may iba. Hindi lang ito ang unang beses na naging ganun siya. Parang may pinaghuhugutan. Ewan ko, pero hindi naman ako masyadong palatanong tungkol sa kanya.

Sa nangyari kanina, nakalimutan ko ang sa amin ni Dwayne. Ang talagang tumatak sa utak ko ay yung mga sinabi ni Klein. Wala akong masyadong alam sa best friend ko dahil hindi din naman siya palakwento. Madalas, sa kanya ako humihingi ng advice. Wala nga akong alam sa love life niya eh. Basta ang alam ko lang, subsob siya sa pag-aaral dahil mahigpit at mataas ang expectations ng parents niya.

“Kung alam mo namang niloloko ka lang, bakit ka pa nagpapakatanga? Marami namang iba dyan na mas deserve ang tulad mo. Don’t waste your love on somebody, who doesn’t value it. Wag kang magbulag-bulagan, Sam. Maraming beses na natin siyang nakitang ganun, pero anong ginawa mo? Hinahayaan mo lang.”

 

Naalala ko, yan yung sinabi niya sa akin nung umiiyak ako nun at lasing na lasing. Nag-invite kasi yung isa naming ka-block na magpapainom siya dahil birthday niya. Unexpectedly, nakita namin ang group of friends ni Dwayne sa bar. Medyo malapit ang table nila sa amin. May mga kasama silang mga babae. Hindi nga nila kami napansin eh. Pero ang sakit lang, kasi nakita ko ang boyfriend ko na may katabing babae. Ang sweet sweet nila. Alam ba ng babaeng yun na may girlfriend si Dwayne? Muntik ko na nga silang komprontahin pero pinigil ako ng mga kasama namin.

Sa totoo lang, may sense talagang kausap si Klein lalo na sa mga seryosong bagay. Ang galling niyang mag-advice. Minsan nga napapansin ko, lagi siyang against sa mga lalaki. “Bitter” na, “Man-hater” pa. Siguro sa sobrang seryoso ni Klein sa pag-aaral, wala na siyang time sa love life. Marami naman akong nakikitang lumalapit sa kanya, pero hanggang ganun lang. Mysterious talaga si Klein. Kaya yung mga lalaki, takot siyang i-approach.

Ako nga na best friend niya, takot magtanong ng mga personal na bagay. Bakit hindi ko subukan? Nagawa ko na dati. Wala naman akong napala.

“Daney, bakit hindi mo pa sagutin si Toffer? 1st year pa lang tayo patay na patay na yun sa’yo. Mabait naman siya tsaka matalino ah? Bonus na lang yung gwapo siya. Mukha naman siyang matino.”

 

“Hmm. Bakit ikaw hindi mo sagutin? Hahaha! Joke! Wala, busy ako. Wala akong time sa mga ganyan.”

 

“Umamin ka nga. Tomboy ka ba? Haha. Lagi ka na lang kasing masungit sa mga lalaki, eh nakikipag-friends lang naman sa’yo.”

 

“What?! Hahaha, seryoso ka sa tanong mo? Sagabal lang sila sa buhay. Hindi ko kailangan ng boyfriend, Sam. May mga kaibigan naman ako. Yung magtatanong sakin ng “Kumain ka na ba?”, at magtetext ng “Good night!” tuwing gabi, no worries kasi ganyan naman palagi si Daddy. Kung maghahatid-sundo naman pag gabi, anytime pwede yung driver namin. Hindi ko kailangan ng boyfriend. Ayokong sa bandang huli magsisi lang ako. Ayokong mai-stress.”

 

“Bakit? Kahit crush ba wala ka? Sino bang crush mo?”

 

“Uhmmm… Si Dave Franco! Uhhh… Zac Efron, Kellin Quinn, Patrick Stump, Dylan O’Brien… Basta madami! Puro sa Hollywood.”

 

“No, ang ibig kong sabihin, wala ka bang crush dito sa school? Or sa lugar niyo?”

 

“Ah! Meron! Yung professor natin dati sa Philosophy. Sa lugar namin? Wala. Hindi ako masyadong lumalabas ng bahay, nagagalit si Daddy eh.”

 

“Yun lang? Sigurado ka?”

 

“Oo naman. Sino pa ba dapat? Wala naman akong interest sa mga ganyan.”

 

“Eh anong gusto mo, gurang ka na wala ka pa ding asawa? Syempre kailangan mo din nun noh.”

 

“Haha. Ewan ko sa’yo. Basta busy ako, yun yun. Tara, gawa na tayo homework.”

 

Pagkatapos nun, hindi na talaga ako nagtanong sa kanya tungkol sa mga ganun.  As in, never. Ayokong mabara na naman niya. May point naman siya eh. Pero sa tuwing magtatanong ako ng mga ganun, iniiba ni Klein yung topic. Hindi ko na lang pinakelaman kasi hindi din naman siya ganun sakin. Pero sobra siyang magalit lalo na sa mga “third party issues” sa relationship. Ang sensitive niya pag ganun ang usapan.

ANO BA TALAGANG NANGYARI KAY KLEIN? ANO BA YUNG HINDI KO ALAM? BAKIT BA NAPAKA-MYSTERIOUS NIYA? GUSTO KONG MALAMAN KUNG BAKIT. GUSTO KONG MALAMAN ANG PAST NIYA. ALAM KONG MAY TINIK NA NAKABARA SA PUSO NIYA. RAMDAM KO.

 

Bitter Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon