SOS One

0 0 0
                                    


"Sunnieee! Gising na anak male-late tayo nyan!" Nang hindi ako sumagot ay di na kuntento si Mama at inalog alog pa ako sa higaan ko, Wala talaga akong balak babangon pero hindi rin naman pwede dahil ngayon ang alis namin papuntang Cebu dahil doon kami ngayon magbabakasyon.


Taga doon kasi ang pamilya ni Mama at gusto niyang bumisita kaso mapapaaga lang ang pagpunta namin dun dahil nabalitaan ni Mama na may reunion silang magkakabatch at lahat ay aattend, bilang si Mama ay always go sa mga ganyan kumuha agad siya ng plane ticket namin para makapag pareserve na lalo na bakasyon for sure maraming magsisiuwian at pupunta sa iba't ibang lugar para sulitin ang Summer Vacation nila.


Pero ako... Ako ang kabaliktaran ni Mama ayokong gumala gala o pumunta sa mga lugar na di ko naman alam, sobrang init na nga ng panahon, ang dami pang tao kahit saang lugar ka pumunta at yun ang pinaka ayoko ko. Bakit kasi nauso pa yang mga ganyang pagbabakasyon pwede namang chill ka lang sa bahay.


Wala na akong nagawa ng sapilitan akong tinatayo ni Mama paalis sa kama ko kaya sinunod ko na lang siya kahit naaantok at tinatamad pa ako. Naligo na ako at nag ayos na, nagsuot na lang ako ng white ribbed crop top pair with high waisted short at brown beach sandals para maging mas kumportable ako.


Nang mailagay na ni Papa ang lahat ng gamit namin sa kotse ay sumakay na kami kaagad at umalis, natulog na lang ako sa byahe dahil kulang na kulang ako sa tulog, loko kasi tong si Amara mas excited pa sa akin nalaman niya kasi na mas mapapaaga ang pagpunta namin sa Cebu, nagpapakwento pa e wala naman akong matandaan nung last time na umuwi akong Cebu baby pa ako nun eh! Ang dami pang bilin! Sasama talaga sana siya sa amin kaso sa ibang bansa daw ang bakasyon ng family niya kaya next time na lang daw.


Kung may next time pa. Parang papayagan naman...



Nang makarating na kami sa airport, hinintay na lang namin ang departure time namin maaga pa naman. May binili pa si Mama kaya naiwan akong nakaupo dun sa waiting area, saktong tumawag tong si Amara


"Hello there my Sunnie! Nasaan na kayo? Flight niyo na ba? Did you bring your bikinis like what I bilin to you? Argh! Buti ka pa makakapag beach! Di ko mararanasan I-flaunt yung sexy body ko huhu! Hoy Sunnie sagutin mo 'ko!" Napairap na lang ako sa kanya bago ko siya sagutin



"Paano naman ako sasagot eh ang daldal mo! Daig mo pa si Mama ang daming tanong, ikaw na lang kaya sumama? Gusto mo naman di ba? Turing na din naman ni Mama sayo anak e! Ikaw na lang pumalit sa 'kin gusto ko lang humilata buong bakasyon! Hindi ba pwede yun?" habang problemado ako, tinatawanan lang ako nitong best friend ko! Aba'y loko!



"You know that I can't patawa ka sissybabe! But... Don't tell me bothered and affected ka pa rin sa break-up niyo ni Eisen? Haha! Hayaan mo na yun ang toxic niya! Good decision ang ginawa mo"



Halos di maipinta ang mukha ko sa sinabi ni Amara, yuck ha?! Ang dugyot! Bakit nasali siya sa usapan na to? Hindi ko nga alam kung bakit naging kami nun, although okay naman kami noon kaso ng nakilala na siya sa paglalaro ng volleyball ay aba! Sobrang taas na ng tingin sa sarili at nag feeling artista na! Pinagmukha pa akong P.A niya at naghahabol sa kanya, ang kapal! Hanggang sa naramdaman ko na wala na siyang pake sa akin, kaya nakipag break na lang ako kaysa magtiis shet siya!



Natauhan na lang ako ng tapikin ako ni Papa sa balikat "Anak halika na, hinihintay na tayo ni Mama mo dun, boarding na natin, Oh hi Amara!" Pagkatapos batiin ni Amara si Papa ay nag babye na ako at in-end na ang video call para umalis na.



Binati kaagad kami ng Flight Attendant papasok, gusto ko din sana maging F.A kaso di ako pala ngiti at mukhang friendly kaya ekis na agad. Hinintay ko na lang na lumipad ang eroplanong sinasakayan namin at hinihiling na dumating na kami kaagad, maaga pa pero feeling ko pagod na pagod na ako, kaya natulog na lang ulit ako para di ma bored ito naman ang gusto ko eh matulog lang.


Pagkalanding ng eroplano ay nag-ayos na kami ng gamit namin, nag fill up lang ng mga forms saglit bago kami tuluyang lumabas ng airport. Buti na lang at nagpasundo si Mama sa kapatid niya si Tito Don kaya di ako nainip naghintay, ngumiti at nagmano muna ako bago sumakay sa kotse.



Nagkwentuhan kaagad sila Mama, Papa at at Tito Don kaya sobrang ingay, nagsuot na lang ako ng airpods para makinig ng music habang nakatingin sa labas, infairness maganda pala talaga dito, bata pa kasi ako nung huling uwi namin sa Cebu kaya di ko alam.



Mga ilang oras din bago kami nakarating sa bahay, tumulong na din ako magbaba ng mga gamit namin para matapos na at makapag pahinga na ako. Nagmano muna ako sa Lolo't Lola ko sunod kay Tita Adel, asawa ni Tito Don.



Pero nagulat na lang ako ng may biglang umakbay at yumakap sa akin, sina Janna at Jansen mga pinsan ko. Buti na lang na kahit malayo kami sa isa't isa ay close kami at least di ako masyadong malulungkot dahil kasama ko sila. Mga ngiti at kumikislap na mga mata nila ang bumungad sa'kin, buong bakasyon sila ang makakasama ko. Hinawakan ni Janna ang dalawa kong kamay at mas lumaki pa ang ngiti sa labi ng iharap niya ako sa kanya



"Welcome to Cebu Sunnie! I'll make sure you'll gonna enjoy and love your summer vacation this year! Waaah naeexcite na ako!" Marami pa siyang sinasabi kaya napakamot na lang si Jansen sa ulo niya at sumesenyas na pagpasensyahan na lang ang kambal niya.


Ngumiti na lang ako sa kanila kahit di siguradong mag eenjoy talaga ako.

Magiging masaya kaya?

Sana... Sana nga...

Spell of SummerWhere stories live. Discover now