"Nakakainis ka bal! Di ako nakapag ready ang pangit ko tuloy nung nakita niya ako! ang haggard ko shet yan!" Pagrereklamo ni Janna sa kapatid niya di pa rin kasi siya naka move on sa nangyari kahapon nagulo gulo daw kasi ang itsura niya nung nag chi-cheer siya kaya di siya confident sa sarili niya.Narinig naman ito ni Mama ng mapadaan siya sa balcony kaya di niya napigilan magtanong "Oh bakit parang disappointed ka Janna? Di ba naging maganda ang gala niyo kahapon? Di ba kayo nag enjoy?" Umayos naman ng upo itong si Janna nahiya na nakita siya ni Mama na nag mamaktol kaya nginitian niya lang si Mama ng alanganin
"Di naman sa ganun Auntie, okay naman po ang gala namin nila Sunnie di lang talaga po ako nakapag ready ng makita yung boyfr- ay! yung crush ko po hehe" biglang nahiya pa itong si Janna dahil muntik pa siyang magkamali ng sasabihin
"Bakit? Maganda ka naman ah?di yan matatanggi sa lahi natin, Siguro nga pipila pa ang lahat ng binata dito maligawan ka lang, ito kasi si Sunnie walang paki sa mga ganyan ang choosy kasi" napairap na lang ako sa sinabi ni Mama. Di ko rin kasi nasabi sa kanya yung tungkol kay Eisen, sabagay di naman ganun kaseryoso yun at wala naman na din kami kaya siguro wala din akong pakialam sa ngayon.
Paalis na sana si Mama ng may maalala siya "Oh by the way Sunnie, bukas pala ay may pupuntahan tayo ha? Kaya maaga kang gumising nagyaya kasi yung bestfriend ko nung highschool na mag lunch sa kanila bitin kasi ang pag uusap namin kahapon eh di ka naman maboboring kasi isasama niya din yung mga anak halos magkakaedad naman kayo kaya may makakausap ka at para din di ka lang dito sa bahay buong bakasyon"
Bitin pa yun sa kanya? Eh madaling araw na nga sila nakauwi eh, at tsaka umalis naman ako kahapon ah? Sumama nga akong gumala sa mga pinsan ko tapos aalis nanaman ako? Katamad naman
"Sunnie! anak nakikinig ka ba?" Bumalik na lang ako sa katinuan ng kausapin ako ni Mama kaya tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.
Nang makaalis na siya ng tuluyan agad naman pumunta tong si Janna at tinabihan ang kapatid "Uy twinnie maraming nga close ka ba sa barkada ni boyfie ko?" Tumango naman tong si Jansen sa kapatid niya na parang walang magiging epekto 'tong pagtungo niya sa kapatid kaya hinampas siya nito
"Aray ko naman Janna! ano bang problema mo?! Nanghahampas ka na lang bigla!" Pinag krus naman ni Janna ang braso niya at tinaasan ng kilay si Jansen "Oh? Close ka pala sa kanila?! Tapos hindi mo ako ilakad sa crush ko? Siguro gusto mo ikaw lang may lovelife?! Hmp!"
Nakahawak pa din si Jansen sa braso niya at hinahaplos bago kausapin ang kapatid niya "Di naman close na close sakto lang kaklase ko sila kaya malamang kilala at papansinin nila ako at tsaka kung gusto ka talaga ng kuno boyfriend mo liligawan ka tigilan mo din ako wala akong lovelife malagot pa ako kay-" di na napagpatuloy ng dalawa ang bangayan dahil lumapit na si Auntie Adel sa amin na mukhang naririndi na sa magkapatid
"Kayo talagang dalawa walang araw na di kayo nag aaway di na kayo nahiya kay Sunnie, tanging mga boses ninyong dalawa ang rinig sa buong bahay hay! Sumama kayo sa akin at tulungan niyo akong maghain" sumama naman kaagad si Janna at binangga pa si Jansen bahagya sa balikat niya kaya napabuntong hininga na lang si Jansen at tumingin sa akin
"Pasensya na Sunnie ha? nakita mo pa kaming mag away stress ka na siguro sa amin no?haha" sa totoo lang di naman ganun nakakairita dahil di naman ganun kalalim ang away nila typical na away lang ng mag kapatid mas nararamdaman ko nga ang mainggit dahil kahit ganun at least may kapatid sila, solong anak kasi ako eh
"Sanay na ako pagdating sa inyo Jans, kaya wag kang mag alala tara sundan na natin sila Auntie Adel at Janna" tumayo na ako at sabay kaming naglakad papuntang kusina.
Naglalagay na ng plato si Janna kaya tumulong na lang kami ilagay ang mga ulam at kanin na sinandok ni Auntie Adel pagkatapos ay tinawag ko na sila Mama at Papa samantalang si Jansen naman ang tumawag kay Lolo, Lola at Uncle Don. Sabay sabay kaming kumakain ngayon masasabi kong mas masaya ngayon dahil mas marami kami at di ganon katahimik dahil nag kwekwentuhan kami ng bahagya.
Nang matapos kaming kumain ay naglipit na kami ng pinagkainan namin, nagpunas ng La mesa si Jansen habang kami ni Janna ang naghugas ng mga plato.
"Pst! Sunnie anong masasabi mo sa crush ko? Pasado ba? Ganun din ba mga tipo mo?" Pagtatanong ni Janna sa 'kin napakunot tuloy ako ng noo dahil di ko naman alam kung sino yung tinutukoy niya dun
"Ah... Sino ba dun?" Napatili pa siya ng bahagya bago akong sagutin "Well sino pa ba edi si A-" di niya na napagpatuloy ng sumingit sa usapan namin si Jansen sa uusapan namin "Uy patapos na kayo dyan? Pagtapos na kayo bili tayo ng ice cream, libre ko hehe" napatalon naman si Janna at binilisan na nga ang paghuhugas muntik pa kaming makabasag ng pinggan!kaya ng matapos kami ay yumakap siya bigla sa kapatid
"Swerte ko talaga na kapatid kita kaya sobrang love kita twinnie e!" Ginulo niya naman ang buhok ni Janna at tumawa bahagya "Sus! Nambola pa! Oo na kahit yung pinakamahal na ice cream pa yun bibilhin ko para sayo" dahil dun ngayon mas nainggit pa ako kaya sumiksik ako sa gitna nila at inakbayan silang dalawa.
"Tara na! Natatakam na din ako eh ang init pa naman ngayon ma-eenjoy ko to kasi mas masarap pag libre eh!" Kaya tumawa sila sa sinabi ko.
Kumuha na ng payong si Jansen, dalawa na ngayon yun share sila magkapatid sa isa habang sa akin naman ang isa mas maliit kasi yun.
Nang makarating na kami sa isang ice cream store ay agad kaming namili ng flavor. Chocolate fudge with brownies ang kay Jansen habang Salted caramel with almond naman kay Janna matagal pa akong namimili dun pero ng makita ko ang nag iisang blueberry ice cream ay bigla along natuwa dahil favorite ko ito! binuksan ko kaagad ang freezer para kunin yun kaso may isa pang kamay ang naka hawak dun sa ice cream na napili ko kaya napa angat ang tingin ko kung kaninong kamay yun.
"Ops! Sorry kukunin mo ba yan? Sayang naman naunahan ako" matagal pa akong napatitig sa lalaking nasa harap ko ngayon nakangiti siya sa akin pero nagtaka din ng mapansing nakatulala lang ako.
"Hoy Sunnie! Ang tagal mo- ay putcha!" Napatingin tuloy ako kay Janna na napakalakas ng boses na nakuha ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng ice cream store.
"Hoy anong nangyari? Oh Alron nandito pala kayo" casual na pagkakasabi ni Jansen, kasama din pala yung dalawa pa niyang kaibigan "Hi Jansen, Janna! Hello Sunnie!" Bati ni Orwell at Aveline.
Binigay ko kay Alron yung blueberry ice cream at kumuha na lang ng iba saka pumunta sa counter at binayaran yun pagkatapos ay lumabas kaagad ako kahit sobrang init talaga! Sinundan pa ako ni Jansen palabas
"Sunnie sabi ko libre ko di ba? Bakit ka ba nagmamadali? Naiinitan ka na tuloy matutunaw pa yang strawberry ice cream mo" ngumiti na lang ako kay Jansen at tinapik siya sa balikat "Okay lang Jans, next time mo na lang ako ilibre" pero bigla kaming napatingin kay Janna na impit na sumigaw "Ayos lang ba yung itsura ko? Di ba ako mukhang haggard? Shet naman! Namumula pa yata ako di pwedeng mahalata niya na crush ko siya!"
Pero bigla din siyang umayos ng lumabas na sila Alron at pumunta pa sa gawi namin "Uhm... Su-Sunnie sure ka ba na di mo kukunin to? I think you like this more than the ice cream you bought" nagulat pa ako dahil ako ang kinausap niya
"Hindi, okay lang parehas lang din naman na berry yun" Ha? Anong pinagsasabi ko? Blueberry at tsaka Strawberry? Sunnie! Come back to your senses! Napakagat na lang siya sa labi niya para pigilan ang pag tawa Argh! Nakakahiya!
"Alright then, sige una na kami! Kita na lang sa susunod Jansen at Janna, Bye Sunnie" ngumiti pa ulit sa akin si Alron at kumaway bago umalis kasama si Orwell at Aveline.
Naglakad na din kami papunta sa sasakyan namin para umuwi na ng tumabi sa akin si Janna habang naglalakad "Ano yun Sunnie? Pinagsasabi mo kanina? Okay ka lang ba?" Tumingin pa ako ng alanganin sa kanya at bahagyang ngumiti
"Ha? Ano... Okay lang ako"
Ewan... di ko rin alam... pero... bakit nga ba?
YOU ARE READING
Spell of Summer
RomanceEven she had a bright name Sunnie doesn't like summer because for her it's just a normal yet tiring month but not until she met the guy who will make her want the summer not to end... Welcome to my second story I hope you enjoy! happy reading everyo...