SOS Two

0 0 0
                                    


Maaga akong gumising para tulungan ang mga pinsan kong sila Janna at Jansen para gumawa ng gawaing bahay, nagdidilig kami ng halaman ngayon dahil mahilig kasi mag alaga ng halaman ang Lola namin kaya kahit saang sulok ng bahay ay may mga nakatanim.



"Sunnie, aalis na kami baka gabi na din kami makauwi at may aasikasuhin din kasi ang Papa mo ngayon kaya ihahatid niya na din ako" ngayon kasi ang reunion nila Mama at napagdesisyunan nila na umaga simulan para masulit daw. Humalik na ako sa pisngi nila bago sila aalis pero nagulat ako ng hinabol naman ni Janna si Mama



"Tita! Pwede po bang sumama sa gala si Sunnie? Two days na po kasi siyang nandito pero stay at home lang po ata ang balak niya this vacation haha" tumango at ngumiti naman si Mama sa kanya "Ay nako! Mabuti nga Janna pero sana mapilit niyo yang si Sunnie ewan ko ba dyan ayaw lumabas labas maganda naman siya katulad ko! Basta ingatan mo na lang ang unica hija namin ha? Bye enjoy kayo!"



Napasapo na lang ako sa noo ko sa pag payag ni Mama habang tuwang tuwa naman si Janna at patalon talon pa "Ikaw talaga bal isasama mo pa sa kalokohan mo ang pinsan natin" pangongotra ni Jansen sa kambal niya kaya umirap naman ito "Wag ka nga dyan twinnie! Hindi ko siya ipapahamak no! gusto ko lang naman siya ipasyal e masama ba yun? Kung gusto mo sama ka na lang sa amin ano? g?" Wala naman magawa si Jansen kundi samahan ang kambal niya dahil may pagkapilya tong si Janna.



Inakbayan na lang ako ni Jansen at ngumiti ng alanganin sa akin "Pag pasensyahan mo na yang si Janna ha? Talagang di matatahimik sa iisang lugar yan e kaya laging napapagalitan magala kasi" naligo at nagbihis na ako kahit tamad na tamad talaga akong gumala pero ayoko naman maging KJ at nakikita ko din naman yung effort nila para maging masaya ako ngayong bakasyon.



"Oh my! Why so pretty naman cousin?!" Simple lang naman ang suot ko it was a mustard yellow dress above the knees and I wear beige flip flops, nag ponytail na lang ako at linagyan ito ng yellow ribbon, exaggerated lang tong si Janna! Siya nga ay naka white dress na may malalim na hati sa bandang dibdib tapos nagsuot na lang siya ng headband na puti din at hinayaan niya ang long brown wavy hair niyang nakaladlad.



"Nako! Wag kayong magrereklamo kung magiging overprotective ako ha? Ang ganda niyo naman kasi para akong naging alalay nito" sa totoo lang di naman mukhang alalay si Jansen naka white polo shirt siya na bukas ang tatlong butones kaya kita ang dibdib niya tapos black shorts tapos yung buhok niya messy look lang pero bagay dahil malambot ang buhok niya.



"Tara na! Excited na me!!!" Nagpaalam na kami kay Tita Adel at kila Lolo at Lola bago kami sumakay sa kotse "Saan ang unang destinasyon natin mga magaganda?" Bumulong na lang si Janna sa kapatid dahil gusto akong isurprise nito kaya di na ako nangealam. Busy lang akong nakatingin sa labas hinihintay sa kung saan kami pupunta.



Tumigil kami sa isang park na sobrang daming nagtitinda, maganda din ang tanawin dun pero sobrang dami din ng taong namamasyal dun. "Alam kong ayaw mong mainitan kaya papayungan na lang kita at tsaka ito hawakan mo, handy fan" sumingit naman si Janna sa gitna namin at tinignan ng masama ang kapatid "Alam mo? Unfair ka! Kapatid mo ako kaya dapat same treatment dito!" Natawa na lang si Jansen sa kapatid at pinagkasya ang sarili namin sa iisang payong buti na lang at medyo malaki yun kaya sakto sa aming tatlo.



Pumunta kaagad kami sa mga nagtitinda ng mga pagkain ito daw ang unahin namin dahil mas maganda daw gumala pag busog, hindi ba mas tatamarin o aantukin ka kasi busog ka na? Kasi ganun ako eh.



Kung ano ano ang mga binili nila di na lang din ako nagreklamo dahil lahat naman yun ay masarap. Nagpahinga pa kami saglit bago mag lakad ulit, nag picture na din kami sa mga magagandang tanawin pinatong pa namin sa isang upuan ang camera na dala namin para makapag papicture kaming tatlo busy ang mga ibang taong namamasyal din sa park at nahihiya naman kaming mag papicture.



Nag eenjoy naman ako sa gala namin pero mabilis lang talaga akong mapagod dahil sobrang init ng panahon halos yung kabibili lang namin na tubig ay di na ganun kalamig kaya niyaya ko muna ulit sila na maupo ng may makita akong bakanteng upuan



"Halos napasyalan na natin dito bili na lang ako ng souvenir mamaya para dun sa kaibigan ko tapos uwi na tayo"  pagsasabi ko sa kanila pero inalog alog ako ni Janna at naka ngusong humarap sa akin "Sunnie! Nagsisismula pa lang tayong gumala e! At tsaka di pa naman mag gagabi may pupuntahan pa kaya tayo!" Kaya napatingin kami ni Jansen sa kanya at sabay na tinanong siya



"Saan?!"



Bigla na lang namuo ang pagtataka at takot ko ng ngumisi siya na parang may binabalak nga siya "No Janna! Alam ko yang binabalak mo wag mo kaming idamay dyan! lagot tayo kila Mama nyan" mas lalo lang akong naguluhan dahil silang mag kapatid lang ang nagkakaintindihan kaya napakamot ako sa ulo at tinignan silang dalawa



"Uy! Ano ba yun? Saan ba tayo pupunta? Sabihin niyo naman sa akin di ba? mamaya malayong lugar pala yan" sabay tumawa ako bahagya sa biro ko pero iritang napakamot sa ulo niya si Jansen at si Janna naman ay nanlaki ang mata na parang nabilib pa sa sinabi ko kaya napatayo siya



"Ay hala?! Ikaw ba yung kapatid ko dito? Bakit alam mo?" Napakunot ako ng noo dahil di ko magets ang sinabi ni Janna



"Huh?"



Kaya umupo siya ulit sa tabi ko "Pupunta tayo doon sa kabilang bayan may maganda kasing isla doon at sobrang ganda ng tanawin magugustuhan mo dun!" Nagulat naman ako sa sinabi ng pinsan ko, bakit naman dadayo pa kami ng pagkalayo layo e may malapit din namang dagat sa amin bakit doon pa? at tsaka di ba kami mapapahamak sa plano ni Janna? Di naman ako na inform na gusto niyang maging tourist guide!



Bumalik na lang ako sa katinuan ko ng hatakin na kami ni Janna para sumakay sa kotse, nagtatalo pa ang magkapatid sa harapan ko di ko lang nga magets yung iba dahil bisaya sila mag usap



"Promise saglit lang tayo dun kuya please uuwi din tayo kaagad sige na" pinagdikit pa ni Janna ang kamay niya at nagpaawa sa kapatid napabuntong hininga na lang si Jansen pero halatang irita pa rin



"Hay! Oo na Janna alam kong di ka papatalo at ipipilit mo talaga ang gusto mo pero pag tayo pinagalitan hay! Ambot sa imo!" Kaya sumakay na lang kami kaagad sa kotse at pinaandar yun nakalimutan ko tuloy bumili ng souvenir para kay Amara siguro sa susunod na lang.



Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko dahil halatang malayo nga ang kabilang bayan dito di naman ako makatanggi at sabihing mauna na akong uuwi dahil di ko alam ang daan dito pauwi mali ata na hinayaan ko silang isama ako sa gala...



Ayoko nito...

Spell of SummerWhere stories live. Discover now