Nagising ako ng maaga katulad ng sinabi ni Mama sa akin kahapon, I just wear beige off shoulder dress above my knees paired with beach sandals, Janna did my make up she just put a minimal make-up to make me still look fresh even out of the sun, she also braided my hair into fishtail so it would be neat and less hassle to me."Kung pinanganak ka nga naman ng maganda no? Wala kang magagawa kundi tanggapin yun, hays... like me! I was born to be beautiful" confident na pagkakasabi ni Janna bago ayusin ang mga ginamit niyang make-up at panali sa 'kin, ngumiti at nagpasalamat naman ako sa kanya.
"Sunnie, alam mo ba kung saan kayo kakain ng lunch?" Bungad na tanong ni Jansen sa akin na kakapasok lang sa kwarto ni Janna kung saan din ako natutulog.
"Ang alam ko lang ay isang beach yun kaya simple lang ang sinuot ko, sana nga makauwi din kami kaagad kaso malabo atang mangyari yun kasi bestfriend ni Mama yun e, nakwento pa ni Lola na super close at di sila mapaghiwalay nung highschool" tinawaan naman nila ang itsura ko na nakanguso na, bigo dahil nga di mangyayari ang gusto ko.
"Hindi naman pwede na sa buong dalawang buwan na nandito ka nasa bahay ka lang Sunnie, kailangan mo din makihalobilo sa ibang tao, kumbaga umalis ka sa comfort zone mo, dahil hindi sa lahat ng oras parents mo, kami at ang bestfriend mo lang ang kasama mo try mo ding maki interact with new people ganun" tinapik ako ni Jansen bago kumindat sa akin pero napanguso na lang ako na parang bata sa kanya.
"Sorry pretty girl pero agree ako kay twinnie! basta believe in yourself. Kaya mo yan Sunnie!" Pag eencourage naman ni Janna sa akin.
Tinawag na ako nila Mama para umalis na nag paalam na lang ako sa mga pinsan ko, kay Lolo't Lola at kila Uncle Don at Tita Adel.
"Ingat kayo ha? Alam kong di pa sapat ang pag pasyal sayo ng mga pinsan mo kaya mag enjoy ka dun apo" ngumiti na lang ako kay Lola at nag babye ulit sa kanila.
Malayo daw yun kaya sinubukan ko munang umidlip saglit pero ang ingay talaga ni Mama may kausap sa cellphone niya!
"Papunta na kami mars! Nakakaexcite naman to! Kitakits na lang later" nawala tuloy antok ko kaya naglagay na lang ako ng earphone at nagpatugtog ng music habang tinatanaw ang mga magaganda pang tanawin pero medyo pamilyar yung nakikita ko... Ang weird pang ilang labas ko pa lang to pero nakita ko na to eh... di ko lang alam kung kailan yun.
Kinuhaan ko din ng picture ang mga magagandang tanawin kaya nag add ako ng story sa Fb at Insta ko, agad agad naman nag react tong si Amara nagulat pa ako ng tumawag siya bigla sa 'kin.
"Oh my Gosh! Hello my Sunnie how are you?! Argh! I miss youuu already! I saw your story! Gusto ko tuloy pumunta dyan! Kakainggit! Oh wait you look good today I mean you're pretty naman na but your wearing eh make-up where are you going huh?" Akala ko ay di na ako pagsasalitain ni Amara dahil sobrang daldal nanaman niya pero dapat masanay na ako dahil ganun na talaga siya lalo na pagdating sa akin."Well, nag invite ng lunch yung highschool best friend ni Mama kaya pupunta kami sa place nila, uy by the way pasalubong ko babe ha? kahit chocolate, pabango o bag pero pwede ding damit pero pag wala, wag ka ng umuwi sa Pilipinas, ayoko na din sayo" pag dra-drama ko sa kanya kaya tumawa siya.
"Noted babe! Kahit ano pa yan! But make sure may pasalubong din ako okay? Pag wala din papa hunting kita kay Magellan hahaha!" Nag usap pa kami ng kung ano ano pa pero napatigil ako ng mapalingon ako ulit sa labas, wait lang ito yung sa-
"My Sunnie yuuhoo! Are you still there babe?" Napabalik ako ng tingin sa phone ko ng magsalita ulit si Amara "Uh... Amara ano kasi... mamaya na lang ulit tayo mag usap ha? malapit na din kasi kami eh" pagdadahilan ko tumango at pinatay niya din naman kaagad ang tawag kaya binalik ko na sa ratan bag ko ang phone ko.
YOU ARE READING
Spell of Summer
RomanceEven she had a bright name Sunnie doesn't like summer because for her it's just a normal yet tiring month but not until she met the guy who will make her want the summer not to end... Welcome to my second story I hope you enjoy! happy reading everyo...