SOS Three

0 0 0
                                    

Nagising na lang ako sa tili ni Janna sa kotse dahil nakatulog pala ako sa byahe... ulit.



Medyo di pa nag sisink in sa akin ang nangyayari pero nang tumingin ako sa labas nakarating na pala kami sa kabilang bayan, maglalakad pa daw kami kaunti para marating yung isla na sinasabi ni Janna ito daw ang pinaka maganda sa lahat ng isla dito sa Cebu, pero parang hindi ito yung dahilan kung bakit kami pumunta dito dahil nakita ko pa na nag retouch itong si Janna ewan ba dito ang init init na nga nakuha pang mag make-up bakit nga ba nag make-up to?




"Sabi mo papasyal tayo dito pero parang sa inaasta mo di rin tayo gagala may hidden agenda ka din bal e!" Tinago na ni Janna ang mga make-up niya bago kausapin si Jansen "Wag ka ng kumontra malas yan e! Tara na nga mamaya nandoon na si boyfie ko! Shet! ka-excite naman!"



Pagkababa sa kotse ay naglakad na kami papunta sa isla marami din nagtitinda dito halos mga kainan pero di gaanong matao buti na lang. Tumabi ako kay Jansen para may itanong "May boyfriend pala si Janna? Alam ba nila Tito Don at Tita Adel yon?" Tumawa si Jansen sa akin pero hindi ganon kalakas para di marinig ng kapatid niyang nauuna maglakad sa amin



"You really believe what Janna said huh? That's not true infact that is just her crush assuming lang talaga yan haha kaya wala ding kwenta kahit malaman ng magulang namin" Nagulat na lang kami ng biglang lumingon si Janna sa amin



"Hey both of you! Walk faster please" akala ko ay naririnig niya kaming pinag uusapan siya pero wala yata siyang pake sa paligid niya dahil ang bilis ng lakad niya na para bang gusto na lang tumakbo pero pinipigilan niya lang dahil sa amin kaya binilisan na lang din namin ang paglalakad.



Napaawang na lang ang labi ko ng makita na mismo ang isla napatigil tuloy ako sa paglalakad at pinagmasdan ang buong paligid mahangin at maraming puno ang nakatanim kaya di masyadong mainit ang lalakaran mo, maaliwalas ang paligid at tangging puting buhangin at bughaw na dagat ang pupukaw sa mga mata mo. Hinatak na lang ako ni Janna papalapit sa mga taong nagkukumpulan malapit sa tabing dagat natisod pa ako buti na lang na balance ko ang sarili ko!



"Hoy! Sandali hintayin niyo ako!" Sigaw ni Jansen sa amin, may mga kinausap at binati itong si Janna halatang marami talaga siyang kakilala sabagay sobrang gala kaya ang daming kaibigan.



"Janna sigurado ka bang pwede tayo dito? Ayoko makulong kundi lagot tayo kila Mama" patingin tingin pa sa paligid itong si Jansen na parang tinitignan kung safe ba talaga dahil private pala tong isla.



"Wag ka ngang mag alala dyan malakas ang kapit ng kapatid mo maniwala ka! Lalo na kung nalaman niyang nandito ka ayieee!" Pang aasar pa ni Janna sa kapatid kaya umirap na lang to sa kanya.



Tangging mga tili at sigaw ng mga babae ang maririnig mo kaya napatakip na lang ako sa tenga ko at nagtataka dahil hindi ko alam kung bakit nagkakagulo sila kaya sinundan ko ang mga tingin nila at naka tuon ito sa limang lalaki na nagpapaligsahan sa surfing ang iba ay may pa-tricks tricks pang nalaman pero epic fail naman at bumagsak na ang dalawa dahil sa alon, narinig ko pa ang tawanan ng mga lalaking nanonood din at sumigaw



"Hahaha! uy! hindi ata surfing ang gusto nila manghuli ng isda yata! bobo nag tricks pa kasi!" kaya tatlo na lang ang natitira. Halatang sanay at magagaling ang mga natira dahil di sila natitinag ng alon at halatang nag eenjoy din sila.



"Uy shet! Bilisan mo bebe ko! Sasagutin na kita pag nanalo ka! Aaahhh!!!!! I love you A!" Halos mawalan na ng boses itong si Janna sa pag che-cheer! Sino kaya sa kanila yung crush ni Janna? Palapit na sila ng palapit sa pangpang kaya nagsisitalunan na ang mga babaeng excited malaman kung sino ang mananalo.


Hinatak na lang ako ni Jansen para isama ako sa kanya "Halika Sunnie bili muna tayo ng buko juice hayaan mo dyan si Janna bilhan na lang din natin siya para di magreklamo mamaya" sumama na lang nga ako kay Jansen at di ko na nalaman kung sino ang nanalo wala din naman akong pakialam e.



"Aba! Napadpad ka ata ngayon dito Jansen! Siguro ay pinilit ka nanaman ng kapatid mo no? Napaka supportive nga naman sa kuno boyfriend niya haha" nginitian na lang ni Jansen ang matandang tindero at bumili na ng tatlong buko juice. Umupo kami sa bakanteng upuan malapit din sa tindahan tinitignan na lang namin sa malayo ang mga kumpulang tao kanina, nandoon na din ang limang nag surfing at halatang kino-congratulate na nila kung sino ang nanalo kaso di ko masyadong makita yun.



Maya maya ay papunta na si Janna sa amin kasama ang dalawa niya pang kaibigan "Grabe talaga si Al! Kahit sino ilaban mo walang titinag kaya mahal ko yun eh" Pagpapantasya ng isang kaibigan ni Janna "Well, what do you expect? anak ni Poseidon yun" pagsagot naman ng isa. Napakamot naman sa ulo si Janna at tinignan ng masama ang dalawang kaibigan



"Hoy! Sino pinag uusapan niyo yung future ko ba? Ano to? Sulutan ng bet?! mag friendship over na tayo kung ganun! Pakshet kayong dalawa! Mga mahaharot!" Hinila ni Janna ang ilang hibla ng buhok ng mga kaibigan niya kaya napaatras sila "Wow! Ja! di ka maharot? Sure ka? Si A-" di na hinayaan ni Janna magsalita ang kaibigan at sumingit na to "Oh? Siya nga yung gusto ko! Gusto niyo rin?! Pakyu kayo sagad Dani at Thea!" nagtalo pa silang magkakaibigan sa harap namin pero tumigil na lang sila ng iabot ni Jansen ang buko juice kay Janna.




"Ay! Gwapo! este... H-hi Kuya Jansen!" bati ng dalawa, ngumiti si Jansen sa kanila bago humarap kay Janna na seryoso na ang mukha  "Bal, next time watch your language di yun maganda okay? at tsaka ubusin mo na yan tapos uwi na tayo di tayo pwedeng gabihin lalo na kasama pa natin si Sunnie" tumango na lang si Janna na parang bata sa kambal niya tumitiklop din talaga to pag seryoso o galit ang kapatid niya e. ngumiti na lang ako sa kaibigan ni Janna na natakot din kay Jansen kaya nag peace sign na lang ako sa kanila.




Nang maubos na ni Janna ang iniinom ay nagpaalam na kami kila Thea at Dani. Palabas na sana kami ng isla ng may biglang sumigaw sa liked namin.




"Janseeennn! Uy! Nandito ka pala bro di ka man lang nag hi or hello sa amin?!"  Nginitian na lang ni Jansen ang papalapit na lalaki sa amin at ng makalapit ay kinamayan niya ito, pero parang mas nakuha ni Janna ang atensyon ko dahil namumula at di normal ang paghinga niya. Ano bang nangyayari dito kay Janna?




May umakbay naman kaagad na isa pang lalaki doon sa lumapit kanina sa amin at napatingin sa gawi ko "Homaygahd! Mama Mia! Sino tong magandang babaeng kasama mo Jansen? Girlfriend mo? Naku! Parang may maha-heartbroken yata ah! Jansen bakit naman ganun?! Pero hands down bro maganda siya!" Umiling at natawa na lang ng bahagya si Jansen sa kanya



"Kilala niyo naman si Janna di ba? Kapatid ko" halos di na makatingin tong si Janna at kumaway na lang sa dalawang lalaki. Pero bago pa ako ipakilala ni Jansen ay may lumapit pang isang lalaking mukhang prinsipe at ang amo ng mukha na dahilan para manghina ang tuhod ni Janna buti na lang at nakakapit siya sa akin.



"Hey, nandito pala kayo, anong ganap?" Ang lambing naman ng boses nito. Inakbayan ako ni Jansen bago ulit magsalita "Ah.. Guys si Sunnie pinsan namin, Sunnie si Orwell, Alveline at-" di na napagpatuloy ni Jansen ang sasabihin ng ilahad na ng huling lalaki ang kamay niya sa harap ko





"Hello Sun! I'm Alron"

Spell of SummerWhere stories live. Discover now