Erika POV
Makalipas ang ilang Buwan..
Sa Bahay namin..
Hinatid ako ni Migz sa bahay.
"parents mo?" - tanong niya.
"wala sila, umalis kasama si Bunso" - sagot ko.
"so ikaw lang dito" - Migz
"oo" -Ako
"gusto mo samahan kita" - Migz
"oo naman, sige, wait lang ah! may kukunin mo na ako sa kwarto, upo ka muna dyan" - Ako
Umakyat ako sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto..
"ano ba yan, ginulat mo naman ako migz" - pagkasabi ko.
"sorry" - ngiti niya.
"bakit ka nandito, may kinuha ko lang charger ko, tara sa baba na tayo" - yaya ko sa kanya.
"dito na lang tayo" - sabi niya.
"baka dumating sila papa, baka ano isipin nila" - sabi ko.
"wala naman tayong ginagawang masama" - Migz
"wala nga tayong ginagawang masama, pero lalaki ka at babae ako, mamaya baka ano isipin nila papa" - Ako
"ano bang iisipin nila, erika boyfriend mo'ko, wala ka bang tiwala sa'kin" - Migz
"ano ka ba, syempre meron" - Ako
"yun naman pala eh!" - Migz
Niyakap ako ni Migz.. Nangyari na ang Nangyari..
Bakit ganito ginusto ko naman ang nangyari bakit parang naguguilty ako.
"okay ka lang" - tanong ni Migz sa'kin, habang nakatingin ako sa kesame.
"bakit hindi ka gumamit(condom)" - Malungkot na sabi ko.
"wag kang mag-alala. walang mabubuo, mag tiwala ka lang sa'kin" - Migz
"paano kung meron" - naiiyak na ko.
Tumingin siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko..
"erika, maniwala ka walang mabubuo okay" - Migz
Niyakap niya ako..
Isang Buwan na ang Nakalipas..
Sa Canteen ..
"girl, sarap na sarap ka jan sa kinakain mo ah!" - si sam.
"hay naku! sam kanina pa yan kumkain ng mangga" - si chez
"ewan ko ba, parang lagi ko siyang hinahanap" - habang kumakain ng mangga na may bagoong "sarap kasi" - Ako
"ano ka naglilihi lang ang peg" - biro ni sam.
Napatingin ako bigla kay sam..
"teka erika, nagkaroon ka na ba ngayong buwan" - seryosong tanong ni chez.
"hindi pa ako nagkakaroon" - Ako
"ha? di ka pa nagkakaroon ngayon. baka naman buntis ka girl" - sam
Nagulat ako sa sinabi ni Sam.
"grabe ka naman sam, baka delay lang si erika" - Chez
"umamin ka nga erika. may nangyari ba sa inyo ni migz bago ka madelay ngayong buwan" - seryosong tanong ni sam sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Parang natulala ako. Paano kung buntis nga ako. Patay ako sa magulang ko. Paano yung pag-aaral ko..
"girl, kailangan mong magpaTest para malaman natin kung buntis ka o hindi" - sam
Pumunta kami nang CR..
"tagal naman ni chez" - si sam.
Si chez kasi yung bumili ng PT ( Pregnancy Test)
"bakit ang tagal mo" - iritang sabi ni sam.
"syempre sa malayo pa ako bumili, para walang makakita" - chez
"oh!" - inabot ni sam sa'kin yung PT "sige na para malaman natin"..
Kinakabahan ako at may kasamang takot..
Lumabas ako ng Cubicle hawak ko yung PT..
"ano na ang resulta" - tanong ni chez.
Dahan dahan ko tinignan yung PT..
-
-
-
Di ko na napigilan ang umiyak.
"hindi pwede toh, hindi pwedeng mangyari toh" - umiiyak na ako.
Niyakap ko sila chez at erika.
"erika, kailangan malaman to ni migz" - sam
"bakit naman kasi nagpabuntis ka girl" - chez
"hindi ko ginusto to. ang bata ko pa marami pa akong pangarap" - iyak kong sabi.
"erika, sabihin mo to kay migz sa lalong madaling panahon kailangan ka niyang panindigan" - sam
Hindi ko na talaga napigilan ang umiyak..
Niyakap nila akong dalawa.
Ramdam ko sa pagyakap nila sam at chez ang pag-aalala at awa sa akin..
Tatlong Araw bago ko nalaman na Positive ako.
Sa School ..
"Ano erika nasabi mo na ba sa kanya" - tanong ni chez
"hindi pa" - Ako
"ano? hindi pa, bakit hindi mo pa sinasabi" - chez
"kumikuha lang ako ng tiyempo" - Ako
"sabihin mo na kasi, alam mo lalo mo pinapatagal yan lalo ka maduduwag na sabihin sa kanya yan" - sabi ni Sam.
Tama si Sam. Kailangan ko ng sabihin kay Migz ang totoo.. Pag nagkita kami sasabihin ko na ang good news sa kanya..
BINABASA MO ANG
Dear Diary, ( Short Story )
Short Storyito ang kwento ng isang babae na ang gusto lang ay ang mahalin siya ng buo at walang pang-aalinlangan.. At ang Diary ang naging kalungkutan at kasiyahan niya, dahil dito niya sinusulat ang mga nangyayari sa buhay niya..