Katatapos ko lang maligo nang madatnan ko si mama na nakaupo sa kama ko..
"bakit po ma" - tanong ko, habang nagsusuklay ng buhok ko.
"anak, napapabayan mo na ba ang pag-aaral mo, bakit bumababa yung mga grades mo" - napatingin ako kay mama, na hawak niya yung report card ko.
"ma hindi naman sa pinapabayaan ko yung pag-aaral ko, talagang pahirap na nang pahiram yung major subject ko" - sabi ko kay mama habang pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa buhok ko..
"pagnalaman to nang papa mo magagalit yun" - si mama
"hindi po malalaman ni papa, kung hindi niyo sasabihin" lumapit ako kay mama at umupo sa tabi niya "ma, pangako babawi ako ngayong sem okay" ngiting sabi ko ay mama..
After Class .. Sinundo ako ni Migz sa school .. Kumain kami sa labas, namili nang mga kung anu-ano sa Mall..
Lagi naming ginagawa ito, masaya lang .. Gusto kasi namin ni Migz yung laging lumalabas at kumakain sa ibat-ibang resto :)
Dahil sa sobrang paglabas labas namin ni Migz. Hindi ko na napapansin na ang laki na pala talaga ng binaba ng mga grades ko.. Nakapangako ako kay mama na, iiwasan ko muna ang paglabas labas para naman mahabol ko yung mga grades ko na bumaba..
After Class .. Sinundo ako ni Migz sa school :
"lets go" - sabi ni migz.
"saan" - tanong ko.
"mall tayo" - migz.
"migz, gusto ko man sumama pero, kailangan kong mag-aral yung iba ko kasing subject bumababa eh, sorry migz, maybe next time i promise" - paliwanag ko sa kanya ..
"okay i understand" - migz.
"salamat sa pag intindi boyfriend ko" - sabay yakap sa kanya at sabay ngiti rin sa kanya..
"ihahatid na lang kita sa inyo" - offer niya.
Buti nalang may boyfriend akong super understanding :)
Lumipas ang ilang linggo, lagi kami nagtatalo ni Migz. Dahilan sa pagyaya niya sa akin lumabas pero hindi ako sumasama sa kanya .
"ano? hindi ka na naman pwede" - galit sa sabi niya, tumalikod siya sa akin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya sa likuran niya.
"migz, di ba pinag usapan na natin ito, kailangan kong makahabol sa mga subjects ko" - pag-aamo ko sa kanya.
"alam ko naman yun, pero nawawalan ka na ng oras sa'kin" - humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang pagkabilang pisngi niya.
"sorry talaga boyfriend ko, sorry! babawi naman ako e" - Ako
"kelan pa yun" - tampong sabi niya.
"pag okay na yung mga grades ko" - Ako
Biglang dumating yung tropa niya.
"migz tara!" - tropa niya.
"sige sunod na ako" - Sabi niya dun sa tropa niya.
- - - - -
"sige umuwi ka na, hindi na kita maiihatid" - sabi niya.
"sige ingat ka ah! wag masyadong uminom dun, magtext ka sakin okay" - AKo
"sige bye" - sabay beso ng mabilis.
Sa bahay.
Kanina pa ako nagtetext kay Migz, ni isang reply wala akong natanggap galing sa kanya :(
BINABASA MO ANG
Dear Diary, ( Short Story )
Short Storyito ang kwento ng isang babae na ang gusto lang ay ang mahalin siya ng buo at walang pang-aalinlangan.. At ang Diary ang naging kalungkutan at kasiyahan niya, dahil dito niya sinusulat ang mga nangyayari sa buhay niya..