Erika POV
Ito na ang araw na kailangan ko ng ipagtapat sa magulang ko.
Kinakabahan man ako, pero ito ang tama. Kesa naman malaman pa nila sa iba.Hindi ako binigo ng mga kaibigan ko, ito sila ngayon sa bahay, at sasamahan nila akong aminin sa mga magulang ko. Na wala na kami ni Migz at ito dinadala ko ang anak namin.
Sa Kwarto
Tumabi si sam sa akin.
"alam naming natatakot ka sa magiging reaksyon nila, pero natural lang yun kasi magugulat sila" - sam.
"wag kang mag alala erika, nandito kami ni sam para sayo" - dagdag ni chez.
Pababa na kami galing kwarto.
"oh buti naman bumababa na kayo, may nilutong turon ang mama mo" - si papa
"upo na kayong tatlo dyan" - si mama
Habang nagkukwetuhan sila, ako ito tahimik hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Nasa kanan ko si chez at nasa kaliwa ko si sam. Nagkakatitigan na kaming tatlo.
"bakit anak may problema ba" - nahalata ni mama na tahimik ako.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila, pero ako ito naiiyak na.
"wala na po kami ni migz" - ako
"ano anak, anong nangyari" - nag-alalang tanong ni papa.
"may iba po siya" - iyak kong sabi.
Lumapit si mama sa'kin at niyakap ako sa may likuran ko.
"tama na anak, baka hindi talaga siya para sayo" - si mama.
"tama ang mama mo, at hindi ikaw ang nawalan, siya siya ang nawalan, pinakawalan ka niya ng dahil sa ibang babae" - si papa.
Tama si papa hindi ako ang nawalan siya. Pero ito ang mas masakit nawalan na ng ama ang magiging anak ko..
Tumingin ako sa mga mata ni papa (nasa tapat ko si papa).
"may kasalan po ako papa, kasalanang dadalhin ko sa pagtanda ko" - Ako
"kasalanan, anong kasalan anak" - papa.
"ma.... papa.....". - nangingi-nig kong sabi.
Humarap si mama sa'kin.
"anong kasalan anak, sabihin mo ano ba yun" - nag aalalang sabi ni mama.
Napatingin ako kina chez at sam.
"ma... pa.. buntis po ako" - hagulgol kong sabi.
"ano?...." - sigaw ni papa.
"papa sorry po" - iyak ko.
"paano mo nagawa sa amin to ng mama mo, ang dami naming pangarap sayo" - si papa.
Walang nagawa si mama kundi ang umiyak..
"si migz ba? ano si migz ba ang ama niyan" - pasigaw na sabi ni papa.
"opo" - nakayuko kong sabi.
"paano na ang magiging kinabukasan mo ngayong buntis ka." - si mama.
"pwede ko naman pong pagsabain ang pag-aaral ko at itong batang nasa tiyan ko" - ako
"alam na ba ni migz" - tanong ni papa.
Umiling ako( means hindi )
"kailangan niyang malaman yan" - si papa
"pa, hindi na kailangan" - sabi ko.
"anong hindi na kailangan, kailangan ka niyang panindigan" - si mama.
"niloko niya ako, sinaktan niya ako, kaya hindi ko siya kailangan sa buhay ko" - iyak kong sabi.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo paakyat papunta sa kwarto ko. At doon na lumabas ang lahat ng luha ko at ang sakit na ginawa sa akin ni Migz....
Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang panloloko sa'kin...
--------------------------------
Habang yakap ko ang unan ko, naramdaman kong may pumasok sa pinto ng kwarto ko.
"Anak" - si mama.
Bumangon ako at umayos ng pagkaupo sa kama ko.
"sorry po ma, binigo ko kayo ni papa." - naiyak na ko.
Lumapit si mama sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"erika anak kailangan malaman ni migz ang kalagayan mo, hindi kami papayag ng papa mo na hindi ka niya panagutan ." - si mama habang yakap pa ako at naiiyak na rin sya.
"pano kung hindi niya po ako panagutan." Ako.
"hindi pwede yun anak," - si papa. "kailangan ka nya panagutan." - yumakap na rin si papa sa akin.
"ma, pa" - hindi ko na mapigilan ang sobrang iyak ko.
Naiwan ako mag isa sa kwarto ko. Ito ako nag iisip di mapakali kung papaano ko sasabihin kay migz na magkakaanak na kami.
----------------------------
Kinabukasan ng Umaga. Nandito ako sa School nila migz. Hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip kung sasabihin ko ba talaga kay migz na magiging ama na siya.
Nakasalubong ko ang isang tropa niya.
"erika, ba't nandito ka." Tanung nya.
"si migz." - ako.
"nasa court may practice sila ngayon, puntahan mo nalang." - siya.
"sige salamat." pasalamat ko.
Nasa court na ako, hinahanap siya ng mga mata ko, pero walang migz ang nakita nito.
Pumunta ako sa locker ng court nila baka nandun siya, di nga ako nagkamali nakita ko nga sya dun.
Lumapit ako sa kanya.
"migz" - tawag ko.
Nilingon nya ko.
"anong ginagawa mo dito" - sabi niya habang may nililigpit sya sa bag nya.
"pwede ba tayo mag usap." - ako
"mamaya na lang, may practice pa kami" - migz.
"importante kasi." - ito na naman ang luha ko, malapit na tumulo.
"migz tara na ikaw na lang ang hinihintay" - kateam nya.
"sige susunod na ako " - migz.
Nilagay niya ang bag nya sa locker at nagmamadali na.
"migz mag usap muna tayo" - napataas ang tuno ng boses ko.
"pwede ba erika, mamaya nalang hinahanap na ko eh." - inis na sabi nya.
Palabas na sya ng pinto ng magsalita ako.
"ikaw na nga itong nakapanakit ikaw pa may ganang magalit" - tumulo na ang luhang kanina pa gusto pumatak.
"ang sama mo migz, ano bang ginawa ko bakit pinagpalit mo ko sa iba, lahat binigay ko sayo pati iniingat ingatan ko binigay ko sayo(pagkabirhen)"Lumikon sya saken at lumapit.
"kusa mong bigay saken, hindi kita pinilit" - migz
"kasi alam ko dun ka magiging masaya" - iyak pa rin ako ng iyak.
"bakit ginusto mo rin naman at naging maligaya ka rin naman di ba" - lumayo sya ng konti at hinawakan ang bantok nya.
Napaupo ako at hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
-------------------------
BINABASA MO ANG
Dear Diary, ( Short Story )
Short Storyito ang kwento ng isang babae na ang gusto lang ay ang mahalin siya ng buo at walang pang-aalinlangan.. At ang Diary ang naging kalungkutan at kasiyahan niya, dahil dito niya sinusulat ang mga nangyayari sa buhay niya..